Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Facebook. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Facebook. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Hunyo 12, 2016

Epekto ng social media sa mga OFWs

Ni Rey Ian Corpuz

Ang social media ay ang paggamit ng mga website o applications na nagbibigay ng oportunidad sa mga tao upang makipag-usap o makisalamuha sa pamamagitan ng pag-post o pagsagot ng mga nilalaman nito tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at marami pang iba.

Simula nang naging mas pangkaraniwan ang iPhone kaysa sa mga flip-top cellphones dito sa Japan, mas dumami ang gumagamit na mga OFWs ng social media sites. Lalo pa nitong pinarami ang bilang ng mga gumagamit noong nagkaroon ng lindol noong March 11, 2011 na kung saan mas naging mainstream ang pagpasa ng impormasyon at komunikasyon ng mga OFWs sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa Japan at maging sa kanilang kamag-anak sa Pilipinas at ibang bansa.

Sa ngayon walang aktwal na datos ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) o Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) o kahit embahada kung ilan ang mga OFWs dito sa Japan ang may e-mail, Facebook, Twitter o Instagram upang makipag-ugnayan sa kamag-anak o kaibigan. Pero ang tiyak ay halos lahat ng mga Pilipino ay nagbababad sa social media halos buong araw. Sa realidad, mas nakadepende tayo sa social media para sa halos lahat ng bagay.

Benepisyong naibibigay ng social media sa mga OFWs
1. Balita at impormasyon. Noon, kailangan pa nating i-access ang websites ng bawat news agencies like Inquirer at GMA pero ngayon, kailangan mo lang i-like at i-add ang kanilang mga pages o accounts at automatic na lalabas ang kanilang mga news sa iyong Facebook page.

2.  Palabas sa TV tulad ng drama at sitcom sa Pilipinas. May mga free content minsan na ina-upload ang mga sikat na channels sa Pilipinas na pwede nating panoorin. Pero mas marami pa rin ang mga illegal na ina-upload sa iba’t ibang sites pati na rin sa Facebook. Sa pamamagitan nito, mas nakakatipid ang mga OFWs kaysa mag-subscribe sa kanilang produkto.

3. Tawag, video call at chat sa mga kaibigan at kamag-anak. Noon, kailangan mong bumili ng call cards tulad ng KDDI na pang-tawag abroad o ‘di kaya ay mag-load ng Brastel. Ngayon kailangan lang may internet ka upang matawagan o makausap mo sila. Maliban sa LINE at Viber, ang Skype, Yahoo Messenger, at Facebook ay mas sikat para sa mga video calls. Mas tipid sa gastos dahil hindi mo na kailangan bumili ng call cards hindi kagaya noon.

4.  Nalalaman natin ang lokasyon ng bawat isa. Dahil sa check-in feature ng Facebook, pwede nating ipaalam na pumunta ka sa ganitong lugar. Malalaman din natin kung sino sa mga kaibigan o kamag-anak natin ang nakapunta na sa ganitong lugar sa pamamagitan ng feature na ito.

5.   Alam natin ang pagkain o lugar dahil sa litratong kinuha. Ang turo ng mga madre sa amin dati sa Catholic school ay dapat magdasal muna bago kumain. Ngunit sa panahon ngayon, picture muna ng pagkain o selfie bago kumain. Nakakatakam at minsan nakakainggit ang mga pino-post ng mga kaibigan natin sa social media.

6.  Nakakapanood tayo ng live broadcast dahil sa Facebook. Sa panahon ng kampanya noong eleksyon, nakakapanood tayo ng live broadcast sa kampanya ni Mayor Duterte sa tulong ng live streaming ng Facebook.

7.   Nakakahingi kaagad tayo ng saklolo sa oras ng kagipitan. Ang mga OFWs sa ibang bansa na namaltrato o naabuso ay pwedeng mag-record ng video at i-post ito sa Facebook para humingi ng saklolo. Marami nang mga OFWs ang na-rescue dahil naging “viral” ang kanilang mga videos.

8.   Nakakakuha tayo ng kasagutan at opinyon sa ibang tao. Malaking tulong ang social media upang sumangguni sa opinyon ng ibang tao. Tulad ng mga tanong na, “Okay ba sumakay sa Jetstar pa- Manila?,” “Anong resort ba ang pinakamura at maganda sa Boracay?,” “Bukas ba ang embassy this Friday?” at marami pang iba.

9.   Kahit sino pwedeng maging blogger o reporter. Kahit sino pwedeng maging reporter o blogger. Gawa ka lang ng page at mag-post ka ng mga updates with pictures.

10. Mas naging mapagmasid tayo sa mga kalokohan ng nasa posisyon. Sa nakaraang limang taon, maraming mga kalokohan na ang nakunan ng video na nai-upload sa Facebook at YouTube ang kumalat na kung saan ito ay nagbigay ng kasagutan sa mga naging biktima.  

11. Mas madaling sumikat sa social media. Maraming naging instant sikat sa social media. Kung hindi napapansin ang iyong talento subukan mong i-upload ito sa Facebook o Youtube.

12. Pagbebenta ng mga produkto o serbisyo. Noon, kailangan house-to-house o word of mouth. Limang taon noon, kailangan may website ka kung gusto mong magbenta ng mga produkto. Ngayon, social media lang ang kailangan mo. Lahat pwedeng i-benta (pwera lang illegal), picture lang at i-post. Sa Japan, karaniwang negosyo ng mga OFWs ay mga bags, damit, mga 2nd hand na gamit at minsan mga decorative cakes na pang-birthday.

13. Public information campaign/support group ng komunidad. Kung kayo ay may organisasyon, pwede kayong gumawa ng Facebook page na pwede ninyong gamitin upang magpalitan ng mga ideya at impormasyon.

Lunes, Mayo 2, 2016

Etiquette in social media

Ni Elvie Okabe, DBA/MAE

Pabongga ng pabongga talaga ang teknolohiya ngayon dahil sa dumaraming social media platforms gaya ng Fabebook, Twitter, Instagram, Pinterest, LinkedIn, Viber, Line, Snapchat, at marami pang iba.

Nariyan din ang mga free websites for those who would like to have their own blog site like Blogspot, Wordpress, Weebly at Wix. Libre pa nga ang tawag o messaging basta may line or wi-fi ang smartphone mo. At dahil dito ang karamihan sa mga gumagamit ng internet ay tila nahumaling na sa pagpo-post ng status, pictures, posters, videos, at iba pa.

Pero ang nakakaalarma at nakakasakit ng damdamin o nakakatakot ay pati ang sariling galit o masamang damdamin ay binubulgar ng iba sa social media. Gaya ng pag-repost o pag-share ng mga negative o bullying remarks, pag-comment sa mga conversations online ng pamimintas o pagmumura kahit hindi naman kasali sa usapan o ‘di naman alam ang buong katotohanan.

Marami nga pong mga nag-aaway sa social media dahil sa mga komento na wala namang katuturan. Siguro naman nakabasa na rin kayo ng mga komento na pinag-aaway-away ang mga tao o ginagawan ng walang basehang kuwento ang iba.

Kung tayo ang tatanungin, gusto po ba natin ang nagbabasa o nakakakita sa internet ng mga galit, inggit, mura, kabastusan o kalaswaan? Gusto rin po ba natin sumasali sa pakikipag-away, pakikipagmurahan o nagagalit na may pinapatamaan sa mga posts natin sa internet? Kung ayaw natin ang mga nabanggit, narito po ang mga ilang paalala na marahil ay nabasa na natin ngunit kung minsan ay umiiral pa rin ang ating emosyon, personal issue, o personal problem sa buhay:

1.      “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.” Kung gusto nating igalang tayo ng iba, kailangan nating igalang muna ang ating kapwa lalo na kung ito ay in writing.  Ang pagsabi o pagbanggit ng greetings for the day, at iba pang positive expressions or emoticons ay more friendly at inspiring sa nakababasa.
2.      Alamin o basahing mabuti at gawin ang mga rules ng bawat social media na karaniwan ay pare-pareho naman.
3.      Huwag magpost ng mga negatibong messages na magpapagalit sa iba. Kung ang ugali natin ay prangka at palaaway, kontrolin na lang natin ang ating emosyon at huwag gawin pati sa mga social media ang magparinig sa iba na walang binabanggit na pangalan. Remember, mabuti man o masama ang ating ugali o ginagawa ay nasasalamin ng iba kung paano tayo itinaguyod o pinalaki ng ating mga magulang.
4.      Kung hindi maiiwasan at nakabasa tayo ng posts ng iba, huwag personalin ang mga negative posts. Para sigurado ay i-unfriend o i-unfollow ang mga contacts sa social media na mahilig mag-complain at matataray mag-post. At higit sa lahat ay huwag gawing capital letters lahat ang message unless it is a title, heading, or acronym of a write-up dahil ang ibig sabihin ng typewritten in all capital letters ay pasigaw o pagalit.
5.      Huwag manloloko ng ibang tao. Kung ikaw ay married na o may girlfriend/boyfriend na, huwag nang maghanap o tumanggap ng ibang karelasyon sa buhay through social media.
6.      Huwag mapanghusga o mag-comment kung hindi tayo tinatanong. “Don’t judge a book by its cover” sabi nga sa kasabihan, dahil hindi natin alam ang mga pinanggagalingan at pinagdaanan o pinagdadaanan ng iba.
7.      Makisali lang sa mga groups o pages na puro pangaral ng Diyos at motivational, inspirational, at positive thinking ang tema. Mag-post lang ng mga larawan o messages na masasaya o hindi makakasakit/makakaapi sa ibang tao.
8.      Huwag ma-addict sa social media o gawing hobby ng mahabang oras araw-araw unless ito ay parte ng ating hanapbuhay gaya ng internet marketing. Ibalanse o gawing prioridad ang sariling buhay.
9.      Huwag magbasa ng newsfeed o i-turn-off na lang ang notifications sa social media na nakakaubos ng ating oras upang makagawa pa ng mga makabuluhang bagay sa pamumuhay.

Kaya nga po ating tandaan, “kung ano ang itinanim, siya ang aanihin.” Kung nagtatanim tayo ng galit, inggit, away, mura at kalaswaan sa ating buhay lalung-lalo na kung ito ay nakasulat ay hindi tayo magiging maligaya at hindi pagpapalain ng Diyos sa ating buhay. Lahat ng ating mga pagsisikap ay parang bulang nawawala ayon sa nababalitaan natin sa ating mga nababasa o napapanood sa television news.

Linggo, Abril 3, 2016

Internet speak and its continued evolution and influence

Tinatawag na Internet slang o Internet speak ang mga madalas na ginagamit ngayon ng mga tao sa mundo ng online community, kung saan walang grammar rules at standards na kailangan sundin na hindi kagaya ng pormal na pagsusulat at ng mga tradisyonal na paraan ng pakikipag-usap noong wala pang Internet.

Mismong mga linguists o mga eksperto sa lengguwahe ay inaming mahirap tukuyin kung saan-saan ba nagmula ang iba’t ibang mga sikat na Internet phrase at  acronyms na namamayani ngayon sa Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr at iba pa. Ngunit aniya, nagsimulang magkaroon ng Internet slang noong halos bago pa ang Internet.

Nariyan ang mga simpleng keyboard emoticons, emojis at mga basic acronyms na ASL (Age, sex, location), BFF (Best Friends Forever), ADDY (As Far As I Know), AFK (Away from keyboard), BRB (Be right back),  BTW (By the way), OMG (Oh, my God!), IM (Instant messaging), FYI (For your information), IMO (In my opinion), IRL (In real life), LOL (Laughing out loud), LDR (Long distance relationship), PM (Private message), PDA (Public display of affection), POV (Point of view), TBT (Throwback Thursday), MCM (Man Crush Monday), FBF (Flashback Friday), WTF (What, why, who the fuck?), TTYL (Talk to you later), TBH (To be honest), IONO ( I Don’t Know), FTW (For the win!), XOXO (Hugs and kisses), NSFW (Not safe for work), MRW (My Reaction When) at napakarami pang iba.

Maging sa mundo ng pagnenegosyo sa industriya ng teknolohiya ay ginagamit din ang Internet slang gaya ng API (Application Programming Interface), B2B (Business-to-Business), B2C (Business-to-Consumer) CMGR (Community manager) CMS  (Content Management System), CPC (Cost per click), CR (Conversion rate), CRM  (Customer Relationship Management), CSS (Cascading stylesheet), CTR (Clickthrough rate), CTA (Call-to-action), ESP (Email service provider), HTML (Hyper Text Markup Language), PPC (Pay per click), UX (User experience), URL (Uniform Resource Locator),  UI  (User interface),  UGC (User-generated content), SMM (Social media marketing), SEO (Search engine optimization), at ROI (Return on investment).

Mabilis ang pagbabago ng mga bagay-bagay sa Internet na kilala sa “give-me-now” culture nito at lahat ay ginagawang shortcut at mabilisan ang pagpapaliwanag ng sarili sa online community.

Kaugnay nito, napabalitang ang Facebook ay binubuo ang isang system kung saan maghahanap ito ng mga bagong Internet slangs mula sa mga Facebook posts at tutukuyin kung ang mga ito ay ginagamit ng karamihan, saka nito isasama sa isang glossary na may kahulugan base sa user posts. Maaari rin bumoto ang mga users kung dapat bang tanggalin o isama ang mga salita sa glossary.

Ngunit hindi na lang limitado ang Internet speak ngayon sa mga emoticons, acronyms at emojis. Isang halimbawa ang Internet phrase na “I can’t even right now, I’m literally dying” na ang ibig sabihin ay para bang natatabunan ng sobra-sobrang emosyon ang nagsabi nito at hindi niya kinakaya ang sitwasyon. Sikat din na expression ang “I see what you did there,” “Right in the feels” at “Shut up and take my money.”

Ngayon maging sa pang-araw-araw na normal na pag-uusap ng mga tao kahit sila pa ay magkaharap ay ginagamit na ang mga nasabing expressions. Patunay na, hindi na lang sa online community ang impluwensiya ng Internet speak. Maging ang ibang mga lengguwahe ay may mga sariling Internet speak din.

Napaka-experimental ng Internet speak at paiba-iba ang mga salitang ginagamit na tinawag na “linguistic bonding mechanism” ng linguist na si David Crystal na depende sa social platform gaya ng YouTube, Facebook, Twitter, Instagram, Reddit, o Instagram at emails, blogs, o chatrooms

Ayon pa kay Crystal, ang Internet speak ay resulta ng natural na reaksyon ng mga tao pagdating sa pakikipag-usap sa online community. Dahil hindi nakikita ang kausap, wala rin facial expression o gesture na makatutulong para isalin sa taong kausap ang kahulugan ng sinasabi na higit pa sa salita lamang.

Bagaman, magkahalo ang reaksyon ng mga eksperto tungkol dito, wala naman aniya ito pangmatagalang epekto sa English language dahil sa “temporary and dynamic facets” nito. Malaki rin aniyang dahilan ng kasikatan nito ay dahil madali itong gamitin sa pang-araw-araw na informal conversations. Dagdag pa ni Crystal, hindi naman masama ang impluwensiya ng Internet speak, sa katunayan ay pinapalawak pa nga nito ang modernong lengguwahe.

Linggo, Hunyo 8, 2014

Sumali ka na ba sa #100HappyDays challenge?

Isa sa patok na patok ngayon sa mga social networking sites ay ang tinatawag na #100HappyDays challenge kung saan sa loob ng 100 araw ay kailangang makapag-post ang taong sumali ng litrato ng kung ano ang nakapagpasaya sa kanya sa araw na iyon.

Layunin ng naturang challenge na ikundisyon ang utak na maging positibo sa pamamagitan ng pagbibigay ng atensiyon sa kung ano ang nagpasaya sa taong sumali sa araw na iyon – malaki o maliit na bagay man iyon. Halimbawa ay pakikipagkita sa isang kaibigan na matagal ng hindi nakita, ang pagkakaroon ng oras na makapagbasa ng libro o makapagluto para sa pamilya, pagbili ng isang bagay na matagal ng nais bilhin, at pagkain ng paboritong putahe.

Maaaring mamili ang taong sumali kung saan nito ipo-post ang litrato – Instagram, Twitter, Facebook o sa email kung gustong gawing pribado ang paggawa sa challenge na ito basta’t may nakalagay na #100happydays sa bawat post.

Dahil sa mayroong record ng mga litratong ito sa naturang social networking sites ay nakukundisyon ang taong sumali na hanapin ang mga tao, bagay, o pangyayari na nakapagpasaya sa kanila na madalas ay hindi napapahalagahan.

Kailangan namang gawin ang challenge sa loob ng 100 araw upang maging “habit” na ito ng taong sumali.

Nagmula ang idea sa challenge na ito sa 27-taong-gulang na si Dmitry Golubnichy mula sa Sweden noong 2013 at gumawa siya ng website (100happydays.com) kung saan maaaring mag-register ang mga gustong sumali. Sa pamamagitan ng pagre-register at paglalagay ng #100HappyDays ay nasusundan nila ang bawat post ng mga sumali.

Batay sa website, sinasabi na ang mga nakakatapos ng challenge na ito ay mas nagiging positibo ang pananaw,  mas maganda ang mood, mas napapansin ang bagay na nakakapagpasaya sa kanila, nai-in love, at kanilang napagtatanto kung gaano sila kaswerte sa kung ano ang mayroon sila.

Samantala, 71% naman sa hindi nakakatapos ng challenge ang nagsasabing masyado silang abala sa kanilang mga gawain kaya’t hindi nabigyan ng buong pansin ang pagtapos nito.

Bilang papremyo, maaaring makatanggap ng maliit na libro na naglalaman ng mga pinost nilang litrato ang mga nakatapos ng #100HappyDays challenge na ito.