Martes, Hunyo 25, 2019

Filipino sociologist Randy David, gagawaran ng Fukuoka Grand Prize


Ni Florenda Corpuz

Gagawaran ng Fukuoka Prize 2019 award
si Prof. Randy David sa gaganaping award
ceremony sa Fukuoka City sa darating na
Setyembre.
Gagawaran ng parangal ng Fukuoka City ang pamosong sociologist mula sa Pilipinas na si Prof. Randolf “Randy” David.

Nakatakdang tanggapin ni David ang Grand Prize, isa sa tatlong parangal na ibibigay ng Fukuoka Prize 2019, sa gaganaping award ceremony sa Fukuoka City sa darating na Setyembre.

Siya ang kauna-unahang Pilipino na makakatanggap ng pinakamataas na pagkilala ng Fukuoka Prize simula nang ito ay itatag noong 1990 na layong kilalanin ang mga natatanging ambag ng mga indibidwal, grupo at organisasyon para pangalagaan at itaguyod ang mga natatangi at magkakaibang kultura ng Asya.

Ayon sa Fukuoka Prize 2019, napili bilang Grand Prize laureate si David dahil siya ay “a dynamic part in achieving social justice in the Philippines by sharing his knowledge not only with the students through his university lectures but also more widely with the general public through TV programs and newspaper columns.”

Kinilala rin siya dahil sa kanyang pagsisikap “for intellectual and cultural exchanges and mutual understanding among Asian countries through cooperative links with the United Nations University and Japanese university lecturers and intellectuals.”

Bukod kay David, kikilalanin din ang kontribusyon ng historian na si Leonard Blussé ng The Netherlands (Academic Prize) at Japanese playwright at stage director na si Sato Makoto (Arts and Culture Prize).

Si David ay professor emeritus of sociology sa University of the Philippines. Isa rin siyang newspaper columnist.

Kabilang sa mga Pilipinong ginawaran ng Fukuoka Prize ay sina Leandro Locsin (architect), Marilou Diaz-Abaya (filmmaker), Reynaldo C. Ileto (historian), Kidlat Tahimik (filmmaker) at Ambeth Ocampo (historian).





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento