Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paolo Onesa. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paolo Onesa. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Setyembre 4, 2017

Paolo Onesa releases ‘Atin Ang Gabi’ MV shot in Coron



Isa si Paolo Onesa sa mga alumnus ng The Voice of the Philippines na patuloy na namamayagpag ang karera. Matapos maging finalist sa season one ng The Voice ay agad na nagkaroon ng debut album ang 23-taong-gulang na singer na pinamagatang “Pop Goes Standards.”

Ngayon, pagkaraang pumirma sa Homeworkz Music na recording label ng pamosong RnB singer na si JayR, naglabas muli si Paolo ng ikalawang album, “Handwritten,” na naglalaman ng siyam na kanta.

Isa na rito ay ang kanyang single na “Atin ang Gabi” kung saan ay nailabas na ang music video kamakailan na kinuhanan sa Coron, Palawan.

“‘Atin Ang Gabi’ is a song about spending sweet moments with the one you love. It's sort of like a love letter for someone. It's a song about being a gentleman for the lady you love and making her feel special through those little things that we take for granted,” pahayag ni Paolo.

Dagdag pa ng gwapong singer mula sa Zamboanga City, isinulat niya ang kanta na iniisip na sulitin ang oras sa dalampasigan kaya naman masayang-masaya siya na kinuhanan ang kanyang music video sa napakagandang isla ng Coron.

“Mainly I wrote the lyrics of this song talking about spending moments on the ‘dalampasigan’ (ocean shore). I just want the people watching this to be part of like a journey of me exploring and promoting of how beautiful the island of Coron is,” aniya.

“Just being in Coron, looking at the sites, at the mountains, spending time on the beach, pool and there was even a nighttime bonfire in Sophia’s Garden where we stayed. I just feel overall blessed and grateful for my whole experience and stay in Coron, Palawan,” giit pa ng singer.

Ang Atin ang Gabi ang kaisa-isang Tagalog na kanta na nakapaloob sa album kaya naming aminado si Paolo na isa ito sa kanyang mga paborito sa kanyang bagong album. Kasama rin sa kanyang all-original album ang “Find You,” “Take You Down,” “Friday Habits,” “Coffee,” “LDR,” “Lost Without You,” at “The Break Up Song.”

“It is the only Tagalog song from my sophomore album and it’s one of my favorites. This song took me the longest to write and produce because I really want it to be something special for the people who support me, my followers, family and friends.”

Nagpapasalamat si Paolo na nagawa niya ng maayos ang music video sa Coron at tila hindi umano siya nagtatrabaho habang ginagawa ang music video.

“Well first of, we shot all the scenes of the entire video in just one day. So I guess, that was the most challenging thing. Luckily, I had such an awesome team with me all throughout the shoot. Everyone involved was just really working hard and really focused in making this video the best work we could do. And by saying that, we also had so much fun in doing so,” aniya.

Martes, Abril 8, 2014

MUSIC BITS: Pinoy Music Summit, Gary V., Abra, Aisaku, Paolo Onesa



Pinoy Music Summit 2014: “Basta Pinoy, Push Mo Yan!”

Naging panauhing pandangal si Pangulong Benigno Aquino sa kamakailang Pinoy Music Summit na ginanap sa Diosdado Macapagal Hall, Landbank Plaza Bldg., Malate, Maynila. Layunin ng music summit na pag-isahin ang mga iba’t ibang musikero sa Pinoy music industry para sa pagtataguyod at pagsusulong ng musikang Pinoy.

Pangunahing naging paksa ang state of the music industry; culture and policy environment and the music industry; models of music promotions using new media, technology and cultural advocacy na nagkaroon ng presentasyon sa new media and technology at Korean Wave.

Kabilang sina Ryan Cayabyab, Sen. Paolo Benigno Aquino, Sen. Teofisto Guingona III, Patricia Hizon, Twinkie Lagdameo, Sarah Jane Domingo sa mga nagtalumpati. Pinamunuhan naman ito nina Noel Cabangon at Ogie Alcasid.

Gary V. continue to inspire with “With You”

Muling naglabas ng inspirational album si Gary V. na pinamagatang “With You.” Tampok ang 10 bagong komposisyon mula kay Gary V. na gaya ng carrier single “He’s Enough” feat. A.K.A. JAM, “With You” na duet niya sa anak na si Kiana, “Kapit Pinoy,” “No Mount Too High,” “Ngiti” with Young JV, “Para Sa’Yo Ama,” “The Answer,”  “Come To Jesus,” “Saytay,” at “In You.”

Unang naglabas si Gary ng inspiration album noong 1991 sa “Shout for Joy” at 2001 naman sa “Revive,” kung saan nagkaroon din siya ng duet sa anak nitong si Kiana sa kantang “Wag Mo Na Sanang Isipin.”

Ginugunita ng album ang ilan sa mga pinakasikat na inspirational songs na “Shout for Joy,” “Natutulog Ba Ang Diyos,” “Take Me Out Of The Dark,” “Sa Yahweh Ang Sayaw,” “Could You Be Messiah,” at “Warrior Is A Child.”

Japanese OPM Artist Aisaku  may bagong single

Inilunsad kamakailan ng Japanese act na si Aisaku Yokogawa ang bagong single na “Alaala Mo” na isang Japanese original na kinanta ni Ted Ito. Unang narinig ang kanta sa radio program na Barangay LS FM at siyang follow-up song sa hit single na “Ikaw Pa Rin.” Nanalo rin ang bersyon niya ng “Ikaw Pa Rin” ng Best OPM Cover sa nakaraang Gawad Musika Awards & Consumers Quality Awards.

Bukas na inamin ni Aisaku ang pagmamahal nito sa mga Pinoy, lalo na sa kultura, pagiging masayahin at malapit na samahan ng pamilya. Para sa kanya, isa siyang tunay na Pinoy bagaman ipinanganak siya sa Japan.

Mabibili na ang self-titled album niya sa iTunes na mula sa i&I Records ng Japan, kung saan kasama ang “Ikaw Pa Rin,” “Remember Me,” “Isang Tanong Isang Sagot” at walo pang kanta.

Abra, may solo album na

Inilabas na nga ang unang solo album ni Abra mula sa Artifice Records at Ivory Music & Video pagkatapos ng ilang buwang paghihintay. Nominado naman si Abra sa apat na kategorya sa MYX Music Awards: Favorite Male Artist, Favorite Music Video, Favorite Urban Video, at Favorite MYX Celebrity VJ.

Kabilang sa album ang mga kantang “Panimula,” “Gayuma” feat Thyro & Jeriko Aguilar,” Bolang Kristal” feat KZ Tandingan, “Patalastas,” “Ilusyon/Noysuli” feat Arci Munoz, “Diwata” feat Chito Miranda, “Propesiya,” “Cerberus” feat Loonie & Ron Henley ng Stickfiggas, at “Pangwakas” feat. Josef Amarra ng BEatbox Philippines. May apat na bonus tracks din: “Isang Jeep,” “Alab ng Puso” (OST – “Juan dela Cruz), “When The Beat Drops,” “Psychopats on the Loose” at “Here To Own It” feat. Quest ng Lyrically Deranged Poets.

 “Pop Goes Standards” with The Voice Philippines’ Paolo Onesa 

Nakilala bilang isa sa mga contestants ng The Voice Philippines ang heartthrob crooner na si Paolo Onesa, na naging kabilang sa mga miyembro ng Team Bamboo. At ngayon ay isa na siyang certified recording artist sa paglulunsad ng kanyang debut album, “Pop Goes Standards” mula sa MCA Music.

Gamit ang kanyang signature style, tampok sa album ang “When I Was Your Man,” “You Are So Beautiful,” “Make You Feel My Love,” “Just My Imagination (Running Away With Me)” feat. The Voice finalist Klarisse De Guzman, “Marry Me,” “You’re Beautiful,” recorded versions ng ilang kinanta niya sa The Voice gaya ng “Skyfall” at “Elesi.” Kabilang din ang dalawang orihinal na kantang “Lucky In Love” at “Which Way Robert Frost” na sinulat ng American composers na sina Roxanne Seeman, Daniel Nitt at Philipp Steinke.