Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Music. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Music. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Setyembre 30, 2018

Angelina Cruz, committed maging recording artist


Ni MJ Gonzales


Maaari pala na ang pagtugtog ng ukulele ay mauuwi sa pagiging isang recording artist.  Ito ang isa sa mga interesanteng bagay tungkol kay Angelina Cruz na   naglunsad kamakailan ng debut EP sa ilalim ng Universal Records (UR) Philippines. Ayon pa nga sa 16-taong-gulang na singer ay kahit ang kanyang inang si Sunshine Cruz ay nagulat sa kanyang hilig sa pagkanta.

“When creating an EP po I get to be more committed than [doing] guestings and variety shows. I have to practice more and hone my skills more po,” saad ni Angelina sa panayam ng Pinoy Gazette (PG) tungkol sa hamon o saya sa pagre-record ng mga awitin.  

Dagdag pa nito na dahil sa EP n’ya nagawa niyang sumubok ng ibang genre.  Kaya nga raw espesyal at nakakatuwa ang duet song nila ni Iñigo Pascual na “Paraiso.” Ito at ang “The Best of You” ang dalawang upbeat songs sa kanyang EP.  

Bukod sa ito unang pagkakataon na magka-music project, puro orihinal pa ang mga kanta ni Angelina. Kinabibilangan ito ng “Sumilong Ka,” “Kaya Mo Ba,”  “The Boy I Used To Know,” at dalawang bersyon ng The Best of You.   

“Mas masarap po kumanta ng original because I get to have sense of discovery. Pero maganda rin po na mag-cover because I get to know singers and what type of beat or music,” sabi pa dalaga sa PG. “When you sing originals, you start from the scratch and that’s what I’m really into po. Because I’m looking forward to write songs in the future po.”

Pagdating sa pagkatha ng kanta ay ayaw daw niya itong madaliin. Gusto n’yang gawin ito kung kailan inspirado para masaya sa pakiramdam.  Sa kwento pa ni Angelina ay hindi niya nakikita noon na magiging mang-aawit siya. Nagsimula lang ito nang bumili siya ng ukulele mga dalawang taon na ang nakararaan.  

Iyon din ang mga panahon na nagustuhan niya gumawa ng covers at i-post online.  Aniya, ito ang naging susi para madiskubre ng kanyang inang si Sunshine at ng Universal Records ang kanyang talento sa pagkanta.   Ano naman kaya ang naipapayo ni Sunshine sa kanyang pag-awit?

“She tells me to practice, practice, [and] practice because you are not usually born to be good in singing. So you have to practice a lot and that’s what I am doing. Practice makes perfect that’s what my mom tells as well and always be humble. You should know your place,” pagbabahagi pa ni Angelina tungkol sa kanyang ina, na mainit na suporta sa media conference ng kanyang EP.  

Kasalukuyang kumukuha ng kursong may kinalaman sa business management si Angelina.  Ito rin ang dahilan kung bakit umano ay hinay-hinay lamang siya sa pagre-record ng kanyang EP at sa showbiz.  

Aniya, sa showbiz ay iilan pa lang ang masasabi niyang kadikit niya gaya ni Frankie Pangilinan, anak ni Sharon Cuneta, at Leila Alcasid, na anak naman ni Ogie Alcasid.  Subalit kung bibigyan ng pagkakataon ay sino kaya ang gustong makatrabaho ni Angelina? 

“Iyong mga artists po sa UR sina Donny (Pangilinan), Claudia (Barretto), Kuya Shanti Dope,  Julie Anne San Jose basta iyong mga taga UR,” saad ni Angelina. “Also my brother, Diego (Loyzaga), we had a performance in ASAP last year. When we ramped together [recently] in Bench, we [talked about that] we should do songs together. That’s the one thing we want to cross out in our list. So I’m looking forward to do songs with him.”  

Maliban sa pagsulat ng kanta, ang isa pang gustong isama ni Angelina sa kanyang mga susunod na albums ay ang kanyang mga iginuhit.  Aniya, ito ang isang bagay na kanya rin kinahihiligan mula pa noong siya’y bata pa. Kung ito man ay susunod na plano ng dalaga, sa ngayon ay ang kanyang layunin ay gumawa ng sariling pangalan. Sinimulan niya na ito sa kanyang EP na available na para i-download sa iTunes, Apple Music, Deezer, Amazon, at Spotify.

Huwebes, Hulyo 5, 2018

Revealing ‘The Good Parts’ of Andy Grammer’s music


Ni Len Armea


Kuha ni Jovelyn Bajo

Unang beses pa lamang nagtanghal ang American pop artist na si Andy Grammer sa Pilipinas subalit agad na niyang nakuha ang kiliti at paghanga ng mga fans na dumayo sa Music Museum sa San Juan, Greenhills kamakailan para siya mapanood.

Hindi naman ito kataka-taka dahil sa bukod sa pagbibigay ng “high energy performance” sa kanyang mga fans, ipinakita rin ng 35-taong-gulang na laking Los Angeles, California ang kanyang galing sa pag-awit ng mga madamdaming kanta na siya mismo ang nagsulat.

Sa huling bahagi ng concert ay ikinuwento niya ang naging inspirasyon niya sa isinulat na kantang “The Good Parts,” na siya rin titulo ng kanyang ikatlo at bagong album na inilabas Disyembre nang nakaraang taon.

“Basically, it [The Good Parts] stems from one of the biggest wounds that I had – I lost my mom when I was 25 – and every time I’ll have a conversation with someone new if I bring it up I share my deepest wound.

“I just feel like we all have this incredible, personal stories and some of the deep stuff we don’t share so I wish I have an hour-long coffee with every single person in this room to get to know you, get to know your real stuff so this is my song about wanting that,” pahayag ni Grammer.

Tahimik na nakatutok ang fans kay Grammer habang kinakanta ang The Good Parts at tumutugtog ng piano dahil sa emosyonal na pag-awit nito na ginantihan ng masigabong palakpakan.

“Again, thank you very much for coming; it means the world to me,” dagdag pa ni Grammer.

Hindi rin nawala ang pagkanta niya ng “Fresh Eyes,” na isa sa kanyang mga hit songs Aniya, isinulat niya ang kanta para sa kanyang asawa.

“The whole idea of Fresh Eyes is redefining love with someone you want to grow old with. Me and my wife we’ve dated for nine years now and what’s most fun is when you find things that surprises you still,” pahayag ni Grammer.

Kabilang sa kanyang mga kinanta sa concert ay ang “Good to be Alive (Hallelujah),” “85,”
“Always,” “Fine By Me,” “Blame It on the Stars,”  “Spaceship,”  “Freeze,” “Keep Your Head Up,” Working on It,” “Grown Ass,” “Smoke Clears,” “Back Home,” at “Honey, I’m Good.”

Ipinarinig din niya ang kanyang sariling rendisyon ng “All Time Low” ni Jon Billion, “One Dance,” ni Drake, “Stay” ni Zedd at Alessia Cara, “Sorry Not Sorry,” ni Demi Lovato, “Don’t Let Me Down ng The Chainsmokers ft. Daya, at “Chasing Cars” ng Snow Patrol.

From street performing to international stage

Kakaiba ang istorya ni Grammer kung paano siya nakapasok sa international scene dahil nadiskubre siya noong siya ay 26-taong-gulang habang kumakanta sa mga kalye ng Santa Monica, Los Angeles. Street performing ang pinagkakakitaan noon ni Grammer kung saan kinakanta na niya ang ilang mga awitin na siya mismo ang sumulat.

“I started as a street performer for about four years when I lay my guitar case open in a little place in Santa Monica, Los Angeles where there is a whole street flocked out, pretty much every day I’d pay my rent by going out, playing music, selling CDs. And it’s amazing to go from something like that to coming out as far as people knowing my songs,” pahayag ni Grammer sa presscon na dinaluhan ng Pinoy Gazette sa Marco Polo Ortigas, Pasig City isang araw bago ang concert.

Ang kanyang pagtugtog sa kalye ang naging dahilan kung bakit lagging bigay todo siya sa pagtatanghal.

“I think that it’s a great way to get started because your standard of what has to happen is really high. In street performing, when someone’s walking by, it’s the only chance you have to get them to stop, you have to pull them away. Like that level of how good has to be really high and I take that with me now when I play,” ani Grammer na aminadong si Stevie Wonder ang isa sa kanyang music influences.

Ngayon ay isa na si Grammer sa multi-platinum selling pop artist na nakapaglabas ng self-titled album noong 2011, “Magazines or Novels” noong 2014, at ang “The Good Parts” nitong 2017.

Winning the heart of Pinoy fans

Minahal ng Pinoy fans si Grammer dahil sa kanyang mga kanta na karamihan ay puro masasaya at nagbibigay ng positibong mensahe.

“They say write what you know and I’m not happy all the time but I believe that you got tests in life to grow and so you’re not probably write a song that says life sucks and that’s it. That’s not what I want to write. I have hard times and some of the music I wrote when I was 25 had a big impact on me so I know pain, it’s just that I don’t believe that pain is just there to hurt. I believe that it helps you grow,” paliwanag ni Grammer tungkol sa kanyang pagsusulat ng kanta.

Kaya naman ang kanyang kantang Fresh Eyesay naging certified gold sa Pilipinas kaya naman ibinigay ng personal ng Warner Music Philippines ang plake na lubos na ikinatuwa ni Grammer.

“This country and these people have fully won me over and I freaking love it here. Everywhere I turn is someone smiling and singing a tune under their breath. There is a musical spirit here that is truly amazing. It’s still a pinch myself moment any time I get plaques like this but it’s extra special for it to be coming from a country so far from home,” ani Grammer.

Lunes, Marso 5, 2018

‘Love Always’ album is Shane Filan’s love letter to fans


Ni Len Armea
Kuha ni Jovelyn Bajo


Maituturing na personal para sa sikat na Irish singer-songwriter ang kanyang ikatlong solo album na “Love Always” dahil nilalaman nito ang ilan sa kanyang mga paboritong all-time classics na nilagyan niya ng kanyang sariling interpretasyon.

“This is an album I have been wanting to make for a long time, I love singing ballads and this album is full of some of my all-time favorite songs as well as some fan choices such as the Bangles hit ‘Eternal Flame’ which I never thought about covering but I loved recording, to one of my own personal favorites Bryan Adams’ ‘Heaven’,” pahayag ni Shane.

Espesyal din ito dahil bukod sa ilang cover songs ay mayroon din originals songs sa album na mismong siya ang sumulat gaya ng kantang “Unbreakable” na kasama sa 12-track album.

“Picking the tracks was the most difficult part of the process and I wanted to put my own take on them and I’m really proud of the versions I have done. There are also three brand new original tracks that I’ve written following requests by fans for some new music and I am really proud of how they sit alongside the other songs.”

Inamin ng pamosong singer na isang malaking pagkakataon na makanta ang mga awitin ng ilan sa paborito niyang mga mang-aawit. Pinakapaborito niya rito ang “Heaven” ni Adams dahil bata pa lamang umano siya ay pinapakinggan na niya ito.

“It’s probably because I’m such a big Adams fan. It’s a song I’ve had a big history with over the years,” pag-amin ng singer sa presscon na inihanda para sa kanya ng MCA Music kamakailan sa Marco Polo Ortigas.

Bukod sa kantang Heaven at Eternal Flame, kasama rin sa album ang “This I Promise You,” ng N’Sync, “Don’t Dream It’s Over” ng Crowded House, “Make You Feel My Love” ni Bob Dylan, “Need You Now” ni Lady Antebellum, at “I Can’t Make You Love Me” ni Bonnie Raitt.

Isinama rin ni Filan ang “Beautiful in White” ng Westlife na mayroon ng 70 milyon hits sa YouTube.

Kakaibang kaligayahan ang naramdaman ni Filan nang umpisahan na niya ang paggawa ng bagong album na ito. Dito rin umano naranasan ni Filan na mag-eksperimento ng bagong tunog at bagong atake para sa mga napiling kanta.

“I didn’t put songs there that meant nothing to me, all these songs I’m a fan of the singers.

“Even if it’s an original song or a new song or if it’s a cover version, I’m very picky with my vocals. When it comes to hearing the final mix of the song, I always want to tweak it or change it or do something or change the music,” ani Shane na aminadong “perfectionist” siya pagdating sa kanyang musika.

Aminado rin ang singer na pagkaraan ng limang taon simula nang magdesisyon siyang mag-solo ay mas kumportable na siya lalo na’t nakikita niyang buong-buo pa rin ang suporta sa kanya ng mga fans partikular na ng mga Pinoy.

“I really feel comfortable five years on. The first year was a bit weird and it was a bit scary and it was very new to me. I didn’t realize what it is going to be like or understand it. What I knew is singing, the one thing I love is singing and to be able to get to do that is amazing.

“Going forward every year is just getting better and better, the support I’m getting from the fans is growing every year. It’s going great,” dagdag pa ni Shane.

Kaya naman sa kanyang ikatlong album na Love Always ay talagang maririnig ang mensahe ng pagmamahal ng singer sa kanyang mga fans.

“The album title is actually my autograph, love always. I always write with ‘Love always, Shane’.”

Masaya rin na nagtanghal si Shane sa Robinsons Place Manila, Robinsons Galleria Cebu, at Robinsons Magnolia para i-promote ang kanyang album sa kanyang Pinoy fans na dinumog ang lugar upang mapanood siyang kumanta.

“It always makes me happy to be here,” ani Shane.

Huling bumista si Shane sa Pilipinas noog 2014 para i-promote ang kanyang unang album na “Everything to Me” na sinundan ng pangalawang album na “Right Here.”

Lunes, Oktubre 2, 2017

MNL48, makikipag-partner sa ABS-CBN


            Nag-perform ang AKB48 performs sa “It’s Showtime” noong
Nobyembre 2015. (Kuha mula sa  MNL28 Facebook)
Nakatakdang umere sa Kapamilya network ang bagong talent show kung saan maghahanap ng miyembro para sa MNL48, ang “sister group” ng Japanese all-girl pop group na AKB48.

Ayon sa Hallohallo Entertainment (HHE), makikipag-partner sila sa Kapamilya network para “showcase a new flavor of entertainment to the Filipino audience.”

Ang MNL48 ay itutulad sa orihinal na konsepto ng AKB48 kung saan pagpapasiyahan ang mga miyembro sa pamamagitan ng public votes.

Inilunsad ang AKB48 noong Disyembre 2005. Ito ay nahahati sa limang grupo: ang A, K, B, 4 at 8 na may konseptong “Idols You Can Meet” kung saan sila ay maaaring makilala at makasalamuha ng mga tagahanga.

Araw-araw na mapapanood ang kanilang mga pagtatanghal sa Akihabara, Tokyo kung sila ay mapapanood na kumakanta at sumasayaw at minsan ay nagsasagawa ng “handshake event” na katumbas ng meet and greet sa mga tagahanga.

Tinatayang 28 sa mga kanta ng AKB48 ay sunud-sunod na nanguna sa music charts sa Japan. Umabot sa 36.158 milyon ang kanilang CD single sales. Sila ay isa sa pinakamatagumpay na idol groups sa Japan.

“We’re very excited for this partnership and with ABS-CBN as the home for our new project, we’re very positive that this will be one of our biggest milestones yet,” ani HHE President Paulo Kurosawa.

Hindi pa inaanunsyo ang mga detalye ng talent show.

Inilunsad ang pagbuo sa MNL48 noong 2016.

May mga sister groups ang AKB48 sa iba’t ibang lugar sa Japan: Ang SKE48 sa Nagoya, NMB48 sa Osaka, HKT48 sa Hakata at NGT48 sa Niigata. Mayroon din itong sister groups sa ibang bansa: Ang JKT48 sa Jakarta, Indonesia at ang inaabangang TPE48 sa Taipei, Taiwan at BNK48 sa Bangkok, Thailand.

Lunes, Setyembre 4, 2017

Paolo Onesa releases ‘Atin Ang Gabi’ MV shot in Coron



Isa si Paolo Onesa sa mga alumnus ng The Voice of the Philippines na patuloy na namamayagpag ang karera. Matapos maging finalist sa season one ng The Voice ay agad na nagkaroon ng debut album ang 23-taong-gulang na singer na pinamagatang “Pop Goes Standards.”

Ngayon, pagkaraang pumirma sa Homeworkz Music na recording label ng pamosong RnB singer na si JayR, naglabas muli si Paolo ng ikalawang album, “Handwritten,” na naglalaman ng siyam na kanta.

Isa na rito ay ang kanyang single na “Atin ang Gabi” kung saan ay nailabas na ang music video kamakailan na kinuhanan sa Coron, Palawan.

“‘Atin Ang Gabi’ is a song about spending sweet moments with the one you love. It's sort of like a love letter for someone. It's a song about being a gentleman for the lady you love and making her feel special through those little things that we take for granted,” pahayag ni Paolo.

Dagdag pa ng gwapong singer mula sa Zamboanga City, isinulat niya ang kanta na iniisip na sulitin ang oras sa dalampasigan kaya naman masayang-masaya siya na kinuhanan ang kanyang music video sa napakagandang isla ng Coron.

“Mainly I wrote the lyrics of this song talking about spending moments on the ‘dalampasigan’ (ocean shore). I just want the people watching this to be part of like a journey of me exploring and promoting of how beautiful the island of Coron is,” aniya.

“Just being in Coron, looking at the sites, at the mountains, spending time on the beach, pool and there was even a nighttime bonfire in Sophia’s Garden where we stayed. I just feel overall blessed and grateful for my whole experience and stay in Coron, Palawan,” giit pa ng singer.

Ang Atin ang Gabi ang kaisa-isang Tagalog na kanta na nakapaloob sa album kaya naming aminado si Paolo na isa ito sa kanyang mga paborito sa kanyang bagong album. Kasama rin sa kanyang all-original album ang “Find You,” “Take You Down,” “Friday Habits,” “Coffee,” “LDR,” “Lost Without You,” at “The Break Up Song.”

“It is the only Tagalog song from my sophomore album and it’s one of my favorites. This song took me the longest to write and produce because I really want it to be something special for the people who support me, my followers, family and friends.”

Nagpapasalamat si Paolo na nagawa niya ng maayos ang music video sa Coron at tila hindi umano siya nagtatrabaho habang ginagawa ang music video.

“Well first of, we shot all the scenes of the entire video in just one day. So I guess, that was the most challenging thing. Luckily, I had such an awesome team with me all throughout the shoot. Everyone involved was just really working hard and really focused in making this video the best work we could do. And by saying that, we also had so much fun in doing so,” aniya.

Miyerkules, Hulyo 5, 2017

Fil-Brit Vanessa White naglabas ng pangalawang solo EP

Ni Len Armea


Namamayagpag ngayon sa UK music scene ang Filipina-British RnB singer Vanessa White matapos na maging matagumpay ang kanyang debut solo EP na “Chapter One” na naglalaman ng apat na tracks: “Don’t Wanna Be Your Lover,” “Nostalgia,” “Relationship Goals,” at “Lipstick Kisses.”

Kaya naman mabilis na nasundan ito at kamakailan lamang ay inilabas ni Vanessa, na sumikat bilang miyembro ng British-Irish Group na The Saturdays, ang kanyang ikalawang solo EP na pinamagatang “Chapter Two.” Naglalaman ito ng pitong tracks: “Running Wild,” “Good Good,” “Trust Me,” “Pressure,” at ang stripped back version ng Good Good at Running Wild.

Current single ngayon ni Vanessa ang Running Wild na aniya ay bunga ng kanyang mas bukas at mas personal na paraan ng pagsusulat.

“Whilst working on the EP I started to really embrace being more honest and open with what I write about in the studio and ’Running Wild’ is a product of that. It’s about playing out a scenario in your mind that might or might not happen but because it explores using your imagination and tapping into your own desires, you can take it as far as you would like to.  It’s about taking control of what you want and how you feel,” pahayag ng 27-taong-gulang na singer sa panayam sa kanya ng Nylon.

Aminado si Vanessa na marami siyang natutuhan sa nagdaan na taon na makikita sa mga bagong kanta na kanyang ni-record sa tulong ng kanyang mga producers na LongLivThePlug para sa Running Wild, Ads Valu para sa Rotation at Pressure, Chloe Martin para sa Trust Me at Mkulu para sa Good Good.

“I’ve grown so much over the past year, both musically and through life experiences, including this solo journey which at times can be a bit of a rollercoaster.  I can hear and feel that growth in the music and hope people who listen to it can feel it too and are able to take something away from it for themselves,” dagdag pa ni Vanessa na ang ina ay mula sa Davao at nagtatrabaho bilang isang nurse sa UK.

Agad na umakyat sa top spot ng iTunes bestselling pre-order chart at top ten ng general bestselling pre-order chart ang Chapter Two bago ito ilunsad kamakailan na nagpapatunay ng patuloy na paglikha ni Vanessa ng marka sa smusic industry.

At kahit na nasa ibang bansa, makikita ang pagiging proud Pinay ni Vanessa sa kanyang Instagram posts. Ilan sa kanyang mga inilagay na litrato sa naturang social media site ay larawan niya noong siya ay bata pa na sumasali sa isang contest suot ang saya na may disenyo ng watawat ng Pilipinas.

Bumisita na rin siya sa Pilipinas at may larawan na nagbabakasyon siya sa Boracay.

Huwebes, Mayo 11, 2017

Ang Bandang Shirley’s new album ‘Favorite’: Confident, mature, teary and refined


Hindi nagpatinag sa matinding sikat ng araw ang mga tagasuporta ng musika ng Ang Bandang Shirley sa naganap na album launch kamakailan ng kanilang ikatlong studio album na pinamagatang “Favorite.”

Ginanap ang kaabang-abang na paglulunsad ng muling pagbabalik sa eksena ng isa sa paboritong alternative rock bands sa bansa sa Blue Bay Walk Garden, Metro Park, Pasay. Featuring din sa album launch ang Outerhope at Musical O, at mula sa presentasyon ng Page Four Productions at Chamtamaria.

Mula sa Wide Eyed Records, ito ang follow-up sa critically-acclaimed sophomore album, ang soulfully instrospective na “Tama Na Ang Drama” (2013).

Atmospheric, personal, intimate

Apat na taon din ang binilang bago ang Favorite na naglalaman ng 14 tracks kabilang ang nauna nang nailabas na first two singles –  ang crowd favorites na “Umaapaw” at “Siberia” na nanguna sa Spotify Philippines’ Viral Charts kamakailan, gayon din ang “Maningning,” “Karamay,” “Makahiya,” “Alam Mo Ba? (Ang Gulo),” “Maginhawa,” “Relihiyoso,” “Favorite,” “Actually,” “Ilang Ilang,” “Ono,” “Palindrome,” at “Karagatan.”

Isang mahabang pila ang bumati sa mga miyembro ng banda na sina Owel Alvero (founding band member/chief songwriter, lead vocal), Ean Aguila (founding band member/ guitarist-songwriter-lead vocal), Zig Rabara (drums), Selena Salang-Davis (lead vocal), Kathy Gener (semi vocals/resident band manager), Joe Fontanilla (guitarist), at Enzo Zulueta (bassist) na masaya naman na pinaunlakan ang mga tagahanga ng album signing at meet-and-greet.

“Wow! Ang dami ninyo. Grabe. Salamat sa inyong pagmamahal at sa pag-gusto ninyo ng musika namin,” pahayag ni Davis bago simulan ang unang kanta.

Nagpakasasa ang mga Shirley fans sa 23 kanta mula sa Favorite, gayon din sa unang dalawang albums na Themesongs at Tama Na Ang Drama at sumabay sa mga paboritong “Nakauwi Na,” “Di Na Babalik” at “Patintero,” na last song at espesyal sa puso ni Davis lalo na’t ang album launch ang kanyang huling performance kasama ang grupo.

Making everyday life poetic

Pangunahing tema ng album ang happiness, loss, love, at living life, na dala pa rin ang kanilang marka ng ritmikong melodiya at nakakaantig na mga liriko.

Sa unang pagkakataon, isang collective effort ang album kung saan nagtulung-tulong ang bawat miyembro sa pagsusulat ng kanta, gayon din ang iba’t ibang producers.

Minsan depende sa feelings. ‘Yung album, parang range of songs na hindi lahat magugustuhan mo at the same time, pero magkakaroon ng chance na magustuhan mo rin sila eventually,” ang pagsasalarawan ni Alvero sa album.

Aniya, gusto ng banda na magkaroon ng koneksyon ang mga makakarinig ng album gaya ng mga pelikula. “The connection is like, you know how some movies grow on you. I hope people like the album at the start, but I hope they’ll find something more about themselves the more they listen to it.”

Mahigit isang dekada na ang banda na nagsimula dahil sa inspirasyon ng Eraserheads noong panahong nag-disband na ang banda. Maliban sa Eraserheads, itinuturing din nilang mga idolo ang Rivermaya, Sugarfree, Rico Blanco, Raymund Marasigan at Sandwich. Ipinangalan nila ang banda mula sa kantang “Shirley” ng Eraserheads sa “Natin 99” album at bilang pagpupugay na rin sa mga hari ng Pinoy rock.








Miyerkules, Mayo 10, 2017

Coldplay’s ‘A Head Full of Dreams’ Asian tour is pure magic

Ni Len Armea



 Para sa milyun-milyong fans ng British rock band na Coldplay, isang pambihirang pagkakataon ang mapanood ang banda ng personal. Ito ang unang beses na nagtanghal sina Chris Martin (vocalist), Jonny Buckland (guitarist), Guy Berryman (bassist ), at Will Champion (drummer) sa Pilipinas, ikalawang beses pagkaraan ng dalawang dekada sa Taiwan, at ikaapat na beses naman sa Singapore.
 Nagpunta rin ang Coldplay sa Thailand, South Korea at Japan.
 Sa lahat ng naging pagtatanghal ng Coldplay sa Asya, mayroong isang pagkakapareho at ito ay dinayo ng libu-libong fans ang bawat concert at lahat ay nagpatotoo kung gaano kahusay ang banda at gaano kaganda ang kanilang naging pagtatanghal.
 A visual spectacle Isang visual spectacle ang “A Head Full of Dreams” ng Coldplay mula sa malaki at makulay na stage na may mahabang runway at pop-up na entablado sa glowing wristbands na ipinasuot sa mga fans at pagsaboy ng confetti. At nang magsimula ng lumabas at tumugtog ang banda ay walang kapaguran ang mga fans sa pagtalon, paghiyaw at pagsabay sa mga luma at bagong kanta ng Coldplay.
 Sa Singapore pa lamang, mahigit sa 100,000 ang naging audience sa Singapore National Stadium sa loob ng dalawang araw na pagtatanghal ng banda. Binuksan nila ang concert sa pagkanta ng A Head Full of Dreams na agad na sinundan ng popular na kanta na “Yellow” kung saan nagkulay dilaw ang buong stadium mula sa LED wristbands ng fans.
 “Thank you for coming out tonight wherever you’re from. This is gonna be the best show we’ll ever play,” panimula ni Chris.
 Sinundan ito ng “Every Teardrop Is a Waterfall,” “The Scientist,” “Birds,” at “Paradise” na kung hindi paikot-ikot si Chris sa stage ay tumutugtog ito ng piano o kaya ay dala ang kanyang gitara na labis na ikinamangha ng mga fans.
 “This is our first show of the year. So either we’re a little rusty or we’re fresh, depends on how you see it,” biro pa ni Chris sa mga fans na karamihan ay mula pa sa Pilipinas, Indonesia, Hong Kong at ibang panig ng mundo.
 Combination of old and new songs Karamihan sa mga kinanta ng Coldplay ay mula sa kanilang 2015 album na kinabibilangan ng mga kantang “Hymn for the Weekend,” “Everglow,” “Amazing Day,” “Amazing Day,” “Up and Up,” at “Adventure of Lifetime” kung saan maraming makukulay na malalaking bola ang nagsipagbagsakan na pinagpasa-pasahan ng mga manonood.
 Hindi rin mawawala sa set list ang kanilang iba pang popular na mga kanta tulad ng “Always in my Head,” “Magic,” “Clocks,” “Viva La Vida,” “Charlie Brown,” “Don’t Panic,” “Midnight,” “A Sky Full of Stars” at “Fix You.”
 Nagbigay din ng tribute si Chris kay David Bowie sa pagkanta ng “Heroes” habang kinanta rin ng banda ang bago nilang collaboration kasama ang The Chainsmokers, ang “Something Just Like This.”
 “I think you’re one of the greatest audiences we’ve ever played for. I wish you could know what it feels like to be up here. It’s an amazing feeling,” ani Chris habang tumugtog ng piano.
 “See you next time, yeah?” na sinagot ng malakas na palakpakan at hiyawan ng fans.
 Worth the wait for Manila fans Worth the wait at worth the price naman ang sigaw ng 35,000 Filipino fans na pumunta sa Mall of Asia Arena concert grounds para sa kauna-unahang pagtatanghal ng Coldplay.
 Halos pareho lamang ang naging set list ng Coldplay sa Asian Tour nito liban lamang sa isa o dalawang kanta na mula sa napiling request ng fans. Sa Singapore ay “Til Kingdom Come” at “In My Place” ang napiling tugtugin ng banda habang “Ink” naman sa Manila na dedicated kay Ken Santiago na isang cancer patient na binisita ni Chris sa ospital bago ang concert.
 Impromptu rin gumawa ng “Manila song” ang banda kung saan ang bahagi ng lyrics ay “I’d say that the crowd is such a thrilla | They’re all killer, no filler.”
 “Sorry for making you all wait for 17 years. Lots of people were asking why it took us a long time to visit your beautiful country. We have been waiting, so we would have enough good songs,” pahayag ng 40-taong-gulang na bokalista ng Coldplay.
  

Gerald Santos, pasok sa Miss Saigon UK Tour 2017



Nakuha ng singer na si Gerald Santos ang papel na si Thuy sa Miss Saigon UK Tour 2017 na tatakbo mula Hulyo 1 hanggang 22 sa Curve Theater sa Leicester, England. Bukod kay Gerald, kasama rin sa Miss Saigon ang dalawa pang Pilipino na sina Red Concepcion at Christian Rey Marbella, na magpapalitan sa paggampan sa papel ng Engineer, at si Joreen Bautista bilang kahalinlinan ni Sooha Kim para sa papel ni Kim.

Sa panayam ni Gerald sa ABS-CBN News, sinabi niyang sobra ang kanyang pasasalamat na makuha ang role na pinangarap at pinaghirapan niyang makuha. Si Thuy ang pinsan ng bida na si Kim, isang 17-taong-gulang na babae na napilitang magtrabaho sa Saigon bar na pinamamahalaan ng Engineer at na-in love sa Amerikanong sundalo na si Chris noong mga huling araw ng Vietnam war.

Kwento ng 26-taong-gulang na si Gerald, noong nakaraang taon pa si nag-audition sa papel ni Thuy kung saan kinanta niya ang “Kim’s Nightmare.”

“Grabe, sobrang overwhelmed. Grateful and thankful to God sa wonderful blessing na ito sa aking career and sa buhay po,” pahayag ni Gerald sa ABS-CBN News.

Dumaan sa ilang rounds ng audition si Gerald na umaming hindi madali ang mga audition piece na ipinagawa sa kanya.

“Sinubukan ko lang po. Nag-audition ako and then ito na at thankfully nakapasa ako sa four stages na rigorous audition ng ‘Miss Saigon.’ Medyo matagal po ‘yung paghihintay ng announcement but worth it po lahat,” ani Gerald na nagsimula sa showbiz matapos na manalo sa “Pinoy Pop Superstar” talent competition ng GMA-7.

Laking pasasalamat ni Gerald sa mga nasa likod ng Miss Saigon dahil sa pagtulong ng mga ito kung paano niya gagampanan ang role ni Thuy.

Umaasa si Gerald na mabibigyan siya ng tips ni Robert Seña na noo’y gumanap bilang Thuy sa Miss Saigon run sa London.

“Magre-reach out kami with them. Ang nakausap ko pa lang ay si Ms. Jamie Rivera. Nakapagbigay na siya ng ilang tips at kung ano ang mae-expect ko roon. Hopefully magkaroon ako ng time with them,” dagdag pa ng singer.

Sisikapin umano ni Gerald na gagawin niya ang lahat ng makakaya para maitayo ang bandera ng Pilipinas sa international scene.

“Ipakita natin sa buong mundo kung gaano kagaling ang talento ng Filipino and I will do and give my best to make our country proud. Iwawagayway po natin ang bandila ng Pilipinas sa Europe.”

Martes, Pebrero 28, 2017

The Moffatts Farewell Tour: A happy reunion of sorts

Ni Len Armea

 
Sina Scott, Bob, at Clint Moffatt sa kanilang
Farewell Tour concert na ginanap kamakailan
sa The Big Dome. (Kuha ni Jovy Bajo)



Isang masayang reunion ng 90’s Canadian pop rock band na The Moffatts at kanilang libu-libong fans ang naganap sa The Farewell Tour concert kamakailan sa SMART Araneta Coliseum. Pagpasok na pagpasok pa lamang nina Scott (vocals, guitars), Clint (vocals, bass guitar), at Bob Moffatt (drums) ay hindi na magkamayaw sa pagtili ang mga fans na noo’y mga teenager pa lamang kagaya ng tatlo.

Kaya naman ng nag-umpisa nang tumugtog ang tatlo ay dumagundong ang The Big Dome nang kantahin nila ang dalawa sa kanilang mga kanta na “Crazy” at “I’ll Be There For You” na mula sa kanilang album na “Chapter 1: A New Beginning.”

“Hello, Manila! It feels great to be back!” Bungad ni Clint pagkatapos ng dalawang kanta.

“Who here loves Clint? How about Bob? Who do you love, guys?” Biro naman ng panganay sa grupo na si Scott bilang intro sa susunod nilang kanta na “Who Do You Love” na mula naman sa kanilang “Submodalities” album, na huli nilang ginawa bago mag-disband noong 2001.

Nagkaroon naman ng solo spot si Scott nang kantahin niya ang kanyang mga bagong awitin na kinabibilangan ng “Distract Me,” “Tell Me,” “I Won’t Call,” at “Whenever Not Ever” na nagpapakita ng kakaiba at mas distinct na tunog kumpara sa kanyang lumang awitin.

Bumalik muli ang tatlo para kantahin ang “Bang Bang Boom,” “Call the Doctor,” “Just Another Phase,” at “Girl of My Dreams” na kahit na hindi nakasama ang kanilang nakababatang kapatid na si Dave na siyang keyboardist ay todo hataw pa rin sa entablado.

“This crowd is amazing. You guys are making this an amazing experience for us,” saad ni Clint.

Kinuha naman nina Clint at Bob, ang identical twins sa banda, at ngayon ay isa nang duo sa pamamagitan ng Endless Summer na kantahin ang kanilang cover ng “When You Say Nothing At All” ay kanilang original singles na “Broke” at “I Will.”

Ilan pa sa kanilang kinanta ay ang “Amen for Women,” “Without You,” “Love Isn’t,” “Rainy Afternoon,” “Girls of the World,” at “Love You More.”

Tumayo at sinabayan naman ng buong Big Dome ang The Moffatts ng kantahin nila ang huling apat at pinakapopular na kanta na kinabibilangan ng “Misery,” “If Life is so Short,” “Love,” at “Miss You Like Crazy.”

“Thank you for giving us something and we hope we gave something back. Thank you for making this an amazing experience for us,” pahayag ni Bob bago nila kantahin ang Miss You Like Crazy.

Coming back after 16 years


Hindi ikinaila ng The Moffatts na malaki ang nagawa sa kanilang karera ng tagumpay nila rito sa Pilipinas kaya naman espesyal ang tingin nila sa kanilang mga tagasuporta na sa pagdaan ng taon ay hindi nawalan ng komunikasyon sa kanila.

“The Philippines has been a great place for us. We came here, we didn’t know what to expect. We’ve been living in Germany for a couple of years, and somebody came and just said ‘you guys have the number one record in Southeast Asia in the Philippines’…

“We didn’t really know anything about it. And we got on the plane, came here, and landed, and from that day on, it was like a huge impact on our lives. We played at the Araneta Coliseum, and then it was like we thought we were the Beatles. It was the first time in our career that kind of thing happened, and so it was always an amazing experience coming back [to the Philippines],” pahayag ni Scott sa presscon na ginanap sa Marco Polo Hotel na dinaluhan ng Pinoy Gazette.

Kaya naman ng alukin sila na mag-concert dito sa Pilipinas ay hindi sila nagdalawang-isip na tanggapin ito dahil sabik din silang tumugtog para sa kanilang fans dito sa Pilipinas.

“When the idea was proposed to us, we just thought, ‘You know what? Let’s do this! In 1999, that's probably the last year we were here as The Moffatts, and so we were here, we sold our records. Our stuff is on the radio and all of a sudden, we were done, we kind of split up,” pahayag ni Bob.

“We just thought it would be cool to be back over here because we have so many people who have followed us through the years on Facebook. They kept in touch and let us know that our music is still important to them.

“So we thought, ‘Why don’t we come back over here and do a show and have all these people who have been so supportive to us for 16 years.’”

Beautiful memories in Manila

Sikat na sikat ang The Moffatts sa Pilipinas noong huling mga taon noong 1990s kung saan dinumog ng 40,000 fans ang kanilang mall show at halos magkaroon ng stampede sa Hard Rock Café.

“We’ve never seen anything like that!” There’s so many people there! There were these rafters that you kinda put up and they’re holding speakers and the girls just climbing on them. It was crazy!” Pahayag ni Bob.

Hindi naman makakalimutan ni Clint ang mainit na pagtanggap ng Filipino fans sa kanila at magagandang ngiti sa kanilang mga mukha.

I’ll always remember, flying in for the first time and the Philippines is actually one of our first stops on our Southeast Asian tour, and when the plane landed, I looked out the window and the guy who was waving the plane into the slot where we park just have the biggest smile on his face. And I thought, you'd never see that in the States.

“That visual is always stuck on me and I thought it's just a great trait and I see that a lot with Filipino people.”

Martes, Disyembre 6, 2016

A1 proves that boybands are forever

Ni Len Armea
Kuha ni Jovelyn Bajo

A1 band members: Christian Ingebrigtsen, Mark Read, at Ben Adams
Isa ang A1 sa mga boybands na sumikat noong 1998 na binubuo ng mga orihinal na miyembro na sina Christian Ingebrigtsen, Mark Read, Ben Adams, at Paul Marazzi. Tinitilian ang grupo ng milyun-milyong fans saan panig man sila magpunta dahil sa kanilang pamosong mga kanta at karisma na karaniwang taglay ng mga miyembro ng boyband.

Kaya naman makalipas ang ilang taon, kahit na nawala sa grupo si Paul at nagka-edad ang kanilang mga teenage fans noon, patuloy pa rin ang paggawa ng kanta ang grupo at pagsuporta ng kanilang mga tagahanga mula sa iba’t ibang bansa.

Tilian at masigabong pagtanggap mula sa kanilang halos 2,000 fans ang sumalubong sa A1 sa kanilang “Here We Come Back Tour” na ginanap sa KIA Theater kamakailan. Tila isang throwback party ang naganap na concert dahil sa pagkanta ng grupo ng kanilang mga old hits gaya ng “Like A Rose,” “Everytime,” “Same Old Brand New You” at “Take on Me.”

Isa sa mga naging highlights ng concert ay ang ginawang mini-video ng banda na naglalaman ng mga lumang litrato at clips na nagpapakita ng mga alaala kasama ang kanilang fans sa Pilipinas sa tugtog ng kantang “Living the Dream.”

 “We just want to say, mahal namin kayo,” ani Mark na ikinatuwa ng mga fans.

Ilan pa sa kanilang mga kinanta ay ang “Caught in the Middle,” “Summertime of Our Lives,” “Ready or Not,” “Walking in the Rain,” “Make It Good,” “Forever in Love,” “No One,” at “Heaven by Your Side.”

Mas naging bukas din ang A1 sa pagkukwento ng istorya sa likod ng kanilang mga pamosong kanta na binigyan nila ng acoustic feel.

Sinabi ng Bristish-Norwegian band sa presscon bago ang concert na nagpapasalamat sila na nariyan ang kanilang mga tagasuporta kahit na nagkaroon ng ilang pagbabago sa paraan ng kanilang paglikha ng musika.

“The more you do something, the better you are at doing it and we’ve been doing this for 17 years so now we’re better at singing, better in whatever we do. In a way, we feel more proud that the way we write songs today are hopefully even better than what we did before,” pahayag ni Christian.

“Back when we first started, we were very fun, energetic, fresh, pop. And a lot of the songs we wrote are kind of like calling cards for the fans to get to know us as a band, who we were. But as we get older, there’s a lot more depth, a lot more context to the lyrics,” dagdag namin ni Mark.

Walang humpay ang pag-indak at pagsabay ng mga fans sa pag-awit ng A1 sa halos dalawang oras na concert. Isa itong patunay na mananatiling buhay at makahulugan ang kanilang mga kanta lumipas man ang panahon.

“What I think it’s so nice is that those songs continue to resonate with people up until now,” ani Mark.