The Oktaves na biubuo nila Ely Buendia, Nitoy Adriano, Chris Padilla, Ivan Garcia at Bobby Padilla. |
Pinatunayan ni Ely Buendia na hindi nagtatapos ang paglikha ng magandang musika sa paghihiwalay ng isang banda. Simula nang mabuwag ang sikat na sikat na Eraserheads noong 2002 kung saan siya ang lead vocalist, hindi tumigil si Ely sa pagbabanda at paggawa ng mga kanta.
Kaya matapos ang kanilang
kabanata ng Eraserheads ay agad na nagkaroon ng panibagong banda si Ely na
tinawag niyang The Mongols noong 2003 at nakapag-release ng self-produced album
na pinamagatang “A Fraction of a Second.” Pinalitan pa nga ni Ely ang kanyang
screen name at nagpakilalang si Jesus Ventura ngunit para sa kanyang solid fans
mananatili siyang si Ely Buedia, isang rock icon.
Sinundan ito ng bandang Pupil na
naglabas ng album na pinamagatang “Beautiful Machines” at sumikat ang ilan sa
mga kantang nakapaloob dito at isa na rito ay “Nasaan Ka?” Nakapag-uwi ang
banda ng ilang mga parangal mula sa Awit Awrds, MYX Music Awards, NU Rock Award
na ilan lamang sa kilalang award-giving bodies.
Ngayon nga ay nadagdagan pa ang
banda ni Ely na kanyang tinawag na The Oktaves na kamakailan lamang ay naglunsad
ng self-titled album sa Glorietta New Activity Center.
Binubuo ang banda ng dating gitarista
ng bandang The Jerks na si Nitoy Adriano at ang tatlong miyembro ng bandang
Hilera na kinabibilangan nila Chris Padilla (vocals/guitars), Ivan Garcia
(bass), at Bobby Padilla (drums).
Nilalaman ng album ang 12 kanta
kung saan walo sa mga ito ay isinulat ni Ely habang ang lima naman ay gawa ni Chris.
Patok na patok sa airwaves ang kanilang carrier single na “K.U.P.A.L” at ang
bagong single na “Paakyat Ka Pa Lang, Pababa Na Ako”.
Ilan pa sa mga kanta na
nakapaloob sa album ay “Gone, Gone, Gone,” “Hold on Tight,” “Walang Magawa,” “Olivia,”
“Get You,” “Ikot,” “Detox,” “Standing on my Own,” “Bungo sa Bangin,” at “Langit
Express.”
Hindi pa rin maikukubli na rock
and roll ang genre ng mga kantang nakapalob sa album ngunit ang kakaiba rito ay
hinaluan din ito ng banda ng country at blues kaya mas nangibabaw ang ganda ng kanta.
Kung pagbabasehan naman ang lyrics ay mapapansin ang lalim ng mensahe na tanging
mga bihasa sa pagsusulat ng kanta lamang ang makagagawa.
Bilang isang music icon, hindi
matatawaran ang galing ni Ely na kahit na nakilala bilang isang rock star ay
hindi nangiming subukan ang iba pang klase ng musika at ito ang isa sa mga
palatandaan ng tunay na alagad ng sining.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento