Ni Enrique Toto Gonzaga
Alodia Gosiengfao |
Usong-uso
na ang cosplay, shortcut para sa “costume play”, na isang klase ng pagtatanghal
kung saan ang mga sumasali ay gumagamit ng mga costumespara gayahin ang isang anime
character. Ang mga cosplayer ay palaging nakikisalamuha para makagawa ng isang
kulturang nakasentro sa pagganap ng isang karakter. Manga o mga komiks na libro
at babasahin ang mga paboritong basehan ng mga cosplayer hindi lamang sa Japan
kundi sa Pilipinas din.
Isa
na ito sa mabilis na tinatanggap na kultura sa Pilipinas na nagbibigay daan din
sa isa pang termino na kung tawagin ay “costripping” na galing sa cosplay
tripping. Nagpapakita ang mga cosplayer ng sobrang kumpletong kagamitan tuwing
may mga kumpetisyon, malaking pagpupulong-pulong, mga kaganapan at pagkikita-kita
o “eye ball.”
Isa sa
pinakapopular sa larang ng cosplaying sa Pilipinas ay si Alodia Almira Arraiza
Gosiengfiao, tubong Quezon City. Bukod sa pagiging cosplayer, isa rin siyang
model, recording artist, cosplay props designer at showbiz artist. Naging
paborito siyang laman ng mga magazine, diyaryo at mga programa sa telebisyon at
radio dahil sa pagiging cosplayer
Halos 10 taon ng nagco-cosplay si Alodia na minsang nakita ng
isang Japanese producer sa Singapore at agad siyang inimbitahan na pumunta sa
Japan. Lingid sa kanyang kaalaman ay isasama na pala siya sa isang grupo bilang
lider ng Super Dolls, isang anime musical group.
Binubuo ang Super Dolls ng tatlong miyembro na kinabibilangan
ni Alodia, Rie at Furaaja. Si Rie ang
nanalo sa 2009 Cosplay Summit habang si Furaaja naman ay isa ring popular na
cosplayer at anime voice actress.
“Tungkol ito lahat sa cosplay at ang pagtataguyod sa cosplay
music, mga damit, gamit, make-up at mga sayaw nito,” ani Alodia nang tanungin
siya kung ano ang ginagawa ng grupo.
Magkakaroon ng official launch ang Super Dolls ngayong darating
na Abril at magtatanghal din sila sa Akihabara sa Abril 7 kung saan limang
kanta ang kakantahin ng Pinoy pride. Nais ni Alodia na makasama ang mga Pilipino sa
Japan upang maging inspirasyon sa mga ito sa larangan ng cosplay at musika.
Tumatayong manager ni Alodia sa pagsisimula ng karera niya sa
Japan si Shuichi Fujiyasu, contents producer ng My Style Inc. sa Tokyo.
Siguradong mabilis na makilala si Alodia sa Japan at maganda
ang magiging karera niya rito dahil malaking bahagi na ito ng kultura ng bansa.
Sa katunayan, maraming mga kabataan ang lumalahok sa cosplaying dito at ilan sa
kanila ay halos araw-araw nakasuot ng cosplay outfits.
Nabuo ang Super Dolls noong nakaraang taon kung saan
nagkikita-kita ang tatlo sa ginanap na 2012 Big Show. Simula noon, nagkasundo
ang tatlo na bumuo ng grupo na siyang magtataguyod sa cosplaying.
Nagsimula si Alodia na mag-cosplay noong 2003 sa edad na 15
matapos na himukin ng kanyang mga kaibigan na sumali sa mga cosplay
competitions. Una niyang ginawa ang Priestess mula sa Ragnarok Online sa
Ragnalaunch sa Glorietta Mall. Nag-umpisang mapansin si Alodia ng manalo siya
ng 3rd place sa 2003 C3 Convention nang gayahin niya si Gun Mage
Rikku ng Final Fantasy X-2.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento