Ni Sheherazade Alonto Acaso
PAG officials and members with Ambassador Lopez and wife |
Idinaos ng Philippine Assistance
Group (PAG) ang isang thanksgiving party kamakailan sa Multi-Purpose Hall ng
Embahada ng Pilipinas na dinaluhan ng Filipino community, business firm
promoters at major sponsors na laging nakasuporta sa mga aktibidades ng grupo.
Bilang pasasalamat sa mga tulong,
sinurpresa ng PAG ang ilang lider ng Filipino community at iba’t ibang grupo at
organisasyon nang magbigay ito ng pagkilala sa mga naitulong nila sa mga
Pilipino sa Japan.
Iginawad ng PAG, sa pangunguna ng
lider nito na si Joyce Ogawa, ang “Certificate of Appreciation” sa ilang tao at
grupo bilang papuri sa kanilang pagtulong para sa ikauunlad
at ikagaganda ng samahan
ng Filipino community sa Japan.
Ang mga pinarangalan ay ang IPS Inc., Sheherazade Alonto
Acaso (Community of Friendly Filipino Teachers), Abby Watabe (Owner, Karaoke
Kan), Mari Mayang Nihei (Owner, Yanagawa Sushi Bar), NingNing Tomiyama
(president, Takayasu International Fans Club), Black Joe (PFPIJ), Glenda Tabata
(Teatro Kanto,) Mama Aki-Ihawan, at iba pa.
Ikinalugod din ng grupo ang pagdating ni Philippine
Ambassador Manuel Lopez at ng kanyang maybahay; Minister, Cultural Affairs
Angelica C. Escalona; at Minister and Consul General Marian Jocelyn Tirol Ignacio.
Tumayong host ng gabing iyon sina Francis Yu at PAG vice
chairman Jenavilla Bibal. Nagtanghal sa gabing iyon ang ilang Filipino
entertainers sa Japan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento