Ni Len Armea
Richard Poon |
Isang sukatan ng pagiging isang
tunay na music artist ay ang patuloy nitong pagbibigay ng bagong proyekto para
sa mga tagasuporta nito. Isa na rito si Richard Poon, na bagaman kilalang-kilala
sa larangan ng Big Band, ay nagpasya na gumawa ng isang pop album na kakaiba sa
mga nakagawian ng marinig mula sa kanya.
Binubuo ng 12 kanta ang “Legends” album ni Richard na kanta ng mga
legendary music artists tulad nila Whitney Houston, Barry Manilow, The Beatles
at Michael Jackson. Pumili si Richard ng mga kanta ng music icons na ito at kanyang
binigyan ng bagong rendisyon – ngayon nga ay tunog pop naman.
“For some people who don’t know,
I already have five albums – three were Big Band albums, the fourth is a
Christmas album and the fifth is the ‘crooner’s album.’ This is my 6th
studio album but it is my first pop album. When I transferred to Universal
Records, they asked me if I could offer something new. This new album is different from what I
usually sing,” pahayag ni Richard sa ginanap na presscon sa Makati City.
“Not a lot of people know that I
started in the music industry singing pop songs. I perfectly believe that now
is the perfect time to go back to my roots – pop,” dagdag pa ni Richard.
Ang mga kantang nakapaloob sa
kanyang album ay ang “A Song For You” ni Elton John, “All At Once” ni Whitney
Houston, “All In Love Is” ni Stevie Wonder, “Truly” ni Lionel Richie, “And I
Love Her” ng The Beatles, “Crazy” ni Kenny Rogers, “Ready To Take A Chance
Again” ni Barry Manilow, “Can’t Help Falling In Love” ni Elvis Presley, “If I
Keep My Heart Out Of Sight” ni James Taylor, “Borderline” ni Madonna, “The Girl
Is Mine” ni Michael Jackson at Paul McCartney at “Evergreen” ni Barbra Streisand.
Sa mga kantang ito, inamin ni Richard
na ang kanta ng The Beatles na “And I Love Her” ang paborito ng kanyang kasintahan
na si Maricar Reyes. Sa katunayan, sa album launch na ginanap sa Eastwood City
kamakailan, dumalo si Maricar at inialay ni Richard ang kantang ito na
ikinakilig ‘di lamang ng kasintahan kundi maging ng audience.
“Maricar and I don’t usually have
the same taste in music. Most of the sweet love songs that I like, ayaw niya.
She likes alternative songs. In the album, if you notice, And I love Her is the
most alternative in the album so that’s her favorite,” pag-amin ni Richard.
Nasa plano rin ng singer na
maglabas ng all-original album balang araw at ipakanta sa kapwa singers ang kanyang
mga naisulat na kanta. Inamin ni Richard na may mga tumutuligsa sa kanya dahil
puro cover songs ang ginagawa niya subalit aniya ay may tamang oras para gawin
ang bawat bagay.
“There are few critics in the
Internet who criticize me for being anti-OPM and hindi raw ako marunong
magsulat ng original songs. But I want to make a ‘David Foster-like album’ one
day, maybe 12 to 20 songs, that I wrote and arranged and it will be sang by
different artists like Gary V., Ogie Alcasid and so on. I have many original
songs in my ataul,” aniya.
At nang tanungin siya kung tuluya
na niyang iiwan ang Big Band dahil sa pagbalik niya sa pagkanta ng pop ay
naging maiksi ang sagot ng binatang singer.
“I will not leave Big Band. It’s
my mark.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento