“A smarter way to build.”
Ito ang konsepto sa likod ng kumpanyang Green Antz
Builders, isang innovative provider ng building – housing solutions kung saan
ang mga produkto, serbisyo, sistema, at pamamalakad ng kumpanya ay isinasagawa
ang mga eco-friendly practices at gumagamit ng mga teknolohiya at mga materyal
na maka-kalikasan.
Gaya na lang ng pangunahing produkto ng Green Antz,
ang tinatawag na Eco-brick – na isang halimbawa ng modernong pamamaraan ng
“repurposing” sa mga plastic sachets na kadalasan ay isang beses lang ginagamit
at tinatapon agad.
Bagaman halos parehas ang itsura sa ordinaryong
hollow blocks na gawa sa semento, tubig, at buhangin, ang eco-brick ay sa kumbinasyon
ng semento at dinurog na plastic laminates o sachets.
Building towards green
sustainability
“To create sustainable and environmentally
responsible communities and to be a leading driver of social values through
impactful initiatives on sustainability, poverty alleviation, and improving the
access to classroom and shelter.”
Tapat ang Green Antz Builders sa mga panuntunan na
ito na siyang nagbubunsod sa mga adhikain at proyekto nito bilang isang
responsableng kumpanya.
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na isang
pangunahing pollutant ang plastic sachets, at nakalulungkot na makitang
kinokontamina nito ang mga karagatan na nagiging dulot pa ng pagkamatay ng mga
marine animals.
Sa pamamagitan ng makabagong sistema ng Green Antz ay
nagkakaroon ng bagong pakinabang ang plastic sachets. Dagdag pa ng kumpanya,
gamit ang materyal, nakatutulong ito para paigtingin pa ang thermal insulating
properties ng eco-brick.
Ngunit paano nga ba ang proseso nito para maging
kapaki-pakinabang bilang materyal sa paggawa ng eco-bricks?
From waste to resource
Limang hakbang ang prosesong ginagawa para gawing
materyal ang plastic sachets – una kinokolekta ang mga ito mula sa industrial
at commercial waste plants, hinuhugasan at dinudurog nang pinong-pino, hinahalo
sa basang semento para makagawa ng mixture, saka ito binubuhos sa brick
pressing machine, at pagkatapos ay patutuyuin na ang naprosesong produkto.
Ang bawat piraso ng isang eco-brick ay ginagamitan ng
100 piraso ng maliliit na plastic sachets.
Maliban pa sa dagdag na thermal insulation properties
ng eco-brick, marami rin itong iba pang mga kalamangan kumpara sa tradisyonal
na hollow block – 550 PSI compressive strength (in comparison – 158 PSI of hollow
blocks) at PhP 830 average price per square meter (PhP 900-1,100 average price
per square meter).
Aesthetically versatile
Dagdag pa rito, brick stacking ang pamamaraan ng eco-brick
sa halip na brick layering ng hollow blocks. Sinasalansan at hinahanay ang
eco-brick sa pamamagitan ng mala-lego na connectors saka nilalagyan ng concrete
mortar ang mga butas nito para maging matibay ang pagkakadikit-dikit ng
eco-bricks.
May iba’t ibang klase rin ang eco-bricks na pwedeng
mapagpilian kaya’t swak ito sa mga gusto nang may disenyo – maliban sa Green
Antz, mayroon din Red Antz (with a rusty look similar to the classic red
brick), River Sand (pure concrete interlocking brick), Red Earth (red clay with
sand and cement, tougher than typical red brick), Classic Glazed (smooth shiny
finish concrete interlocking brick), at Red Mosaic (with red brick look and
extra coating protection).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento