Ni
Florenda Corpuz
Sa ikalawang pagkakaton
ay ipapakita ng global Pinoy brand na Bench ang talento at husay ng mga Pinoy
fashion designers sa international runway sa kanilang pagsabak sa Amazon
Fashion Week Tokyo (AFWT) o Japan Fashion Week (JFW) na gaganapin mula Oktubre
15 hanggang 21 sa Shibuya Hikarie.
Nakatakdang irampa sa Amazon
Fashion Week Tokyo 2019 Spring/Summer edition ang koleksyon nina Sherwin “Otto”
Sacramento ng Ottomondi, Christian Edward Dalogaog ng Ched Studio at Renz Reyes
sa isang
runway show na pinamagatang “Asian Fashion Meets Tokyo - Philippines.”
Ang tatlo ang napili
mula sa 10 finalists ng ikalawang Bench Design Awards na ginanap kamakailan sa
Bench Tower sa Bonifacio Global City para maging kinatawan ng Pilipinas.
Inaasahan din na
irarampa ng Bench ang kanilang koleksyon sa pangunguna ng founder nito na si
Ben Chan na inaasahang dadalo sa naturang pagtatanghal.
Ito na ang pang-apat na
beses na makakasali ang mga Pinoy designers/brands sa Japan Fashion Week na isa
sa pinakasikat at pinakamalaking fashion events sa buong mundo.
Matatandaang mainit na
tinanggap dito noong 2015 sina Renan Pacson, Ken Samudio at John Herrera nang
kanilang ibida ang kanilang 2016 S/S collection habang sina Joseph Agustin Bagasao,
Carl Jan Cruz at Karen Topacio naman noong 2016 para sa kanilang 2017 S/S
collection. Sina Randolph Santos, Jayson Aguilar Glarino at Jennifer Anne
Contreras ang bibida sa kanilang 2018 S/S collection sa suporta ng Bench.
Ang Japan Fashion Week
ay isang by invitation only event na ginaganap dalawang beses kada taon. Ito ay
inoorganisa ng Japan Fashion Week Organization.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento