Ni Jovelyn
Javier
“Nakakatakot na rin magmahal, eh? ‘Di ko maintindihan
‘yung mga taong takot nang magmahal pagkatapos masaktan.”
Bahagi ito ng palitan ng usapan nina Carlo Aquino at
Angelica Panganiban sa kaabang-abang na pagbabalik-tambalan ng dalawa sa
pinakabagong pelikula na pinamagatang “Exes Baggage.”
Hunyo nang maglabas ng mga nakakakilig na larawan
sina Carlo at Angelica sa Instagram, na labis na kinasabikan ng mga masugid na
tagahanga ng dalawa.
Itinatampok ang pelikula bilang maiden offering ng
bagong studio na Black Sheep, sister film outfit ng Star Cinema at sa direksyon
ng award-winning writer-director na si Dan Villegas na siyang nasa likod ng mga pelikulang “English
Only, Please,” “The Breakup Playlist,” “Walang Forever,” “Always Be My Maybe,” “How to Be Yours,” “Changing Partners,” at “All
of You.”
The ultimate exes movie
“So ikaw willing kang magmahal ulit kahit na doble
ang sakit? Oo naman, basta huwag mo na kong sasaktan.”
Hindi naman magkamayaw ang mga CarGel fans na matagal
nang naghihintay sa pagbabalik tambalan ng dalawa lalo na nang ilabas ang
teaser kung saan makikita ang mga karakter nilang si Nix at Pia sa kanilang
unang pagkakakilala sa isang bar habang naririnig naman ang kantang “Maybe the
Night” ng indie-folk band na Ben&Ben.
Sinundan pa ito ng isa pang seryosong pag-uusap ng
mga karakter sa second teaser ng pelikula na makikitang binabalikan ng dalawa
ang nakaraan sa kani-kanilang naging mga relasyon at mga saloobin sa pagmamahal
mula sa mga karanasan na ito.
“Siguro doon tayo sa tungkol siya sa ano ba ang gusto
mong matutuhan. Ano ba ang mga gusto mong iwasan sa relasyon para maiwasan na
maging mag-ex kayo,” ang kwento ni Angelica sa sentro ng kanilang pelikula.
Reigniting the nostalgic
chemistry of CarGel
Isa ang tambalang Carlo at Angelica sa mga
pinakapaboritong tambalan noong 90s na mula sa kanilang pagsasama sa
youth-oriented shows na “G-Mik” at “Berks.” Parehas na nagsimula sa industriya
bilang mga child stars at nakagawa ng pangalan sa kanilang galing sa pag-arte, sabay
na lumaki ang dalawa at gumawa ng maraming proyekto nang magkasama.
Nauwi sa totohanan ang tambalan ng dalawa at nagtagal
ang relasyon nang anim na taon bago naghiwalay noong 2006. Sa kabila ng
nakaraan nila, nanatili ang malapit na pagkakaibigan sa pagitan ng dalawa
hanggang ngayon.
Kwento pa ng aktor sa Push website, mas kumportable
pa siya ngayon kay Angelica. “Siguro dahil nagsimula
kami sa friendship tapos naging kami kaya rin siguro ganoon kami sa isa’t isa. Kumbaga
kung ano ‘yung meron kami, kumbaga special siya sa akin, kung ano ‘yung
sasabihin ng ibang tao hindi ko na iisipin. And ever since talagang mahal ko
naman si Angelica,” aniya.
Usap-usapan
din ang pagdalo ni Angelica kamakailan sa kaarawan ni Carlo kung saan tinukso
sila ng mga kaibigan, gayon din ang malalim na mensahe ng aktres sa Instagram kung saan niya sinabing “Sayo lang
hindi nagbago ang salitang pagmamahal. Maligayang kaarawan.”
Balik-telebisyon
din ang CarGel sa teleseryeng “Playhouse” ni Angelica at Zanjoe Marudo. Huling
napanood si Angelica sa “Dalawang Mrs. Reyes,” samantalang napanood din si
Carlo sa “Goyo: Ang Batang Heneral” at “Meet Me in St.
Gallen.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento