Ni
MJ Gonzales
Maaari
pala na ang pagtugtog ng ukulele ay mauuwi sa pagiging isang recording artist. Ito ang isa sa mga interesanteng bagay
tungkol kay Angelina Cruz na naglunsad kamakailan ng debut EP sa ilalim ng
Universal Records (UR) Philippines. Ayon pa nga sa 16-taong-gulang na singer ay
kahit ang kanyang inang si Sunshine Cruz ay nagulat sa kanyang hilig sa
pagkanta.
“When
creating an EP po I get to be more committed than [doing] guestings and variety
shows. I have to practice more and hone my skills more po,” saad ni Angelina sa
panayam ng Pinoy Gazette (PG) tungkol sa hamon o saya sa pagre-record ng mga
awitin.
Dagdag
pa nito na dahil sa EP n’ya nagawa niyang sumubok ng ibang genre. Kaya nga raw espesyal at nakakatuwa ang duet
song nila ni Iñigo Pascual na “Paraiso.” Ito at ang “The Best of You” ang
dalawang upbeat songs sa kanyang EP.
Bukod
sa ito unang pagkakataon na magka-music project, puro orihinal pa ang mga kanta
ni Angelina. Kinabibilangan ito ng “Sumilong Ka,” “Kaya Mo Ba,” “The Boy I Used To Know,” at dalawang bersyon
ng The Best of You.
“Mas
masarap po kumanta ng original because I get to have sense of discovery. Pero
maganda rin po na mag-cover because I get to know singers and what type of beat
or music,” sabi pa dalaga sa PG. “When you sing originals, you start from the
scratch and that’s what I’m really into po. Because I’m looking forward to
write songs in the future po.”
Pagdating
sa pagkatha ng kanta ay ayaw daw niya itong madaliin. Gusto n’yang gawin ito
kung kailan inspirado para masaya sa pakiramdam. Sa kwento pa ni Angelina ay hindi niya nakikita
noon na magiging mang-aawit siya. Nagsimula lang ito nang bumili siya ng
ukulele mga dalawang taon na ang nakararaan.
Iyon
din ang mga panahon na nagustuhan niya gumawa ng covers at i-post online. Aniya, ito ang naging susi para madiskubre ng
kanyang inang si Sunshine at ng Universal Records ang kanyang talento sa
pagkanta. Ano naman kaya ang naipapayo
ni Sunshine sa kanyang pag-awit?
“She
tells me to practice, practice, [and] practice because you are not usually born
to be good in singing. So you have to practice a lot and that’s what I am
doing. Practice makes perfect that’s what my mom tells as well and always be
humble. You should know your place,” pagbabahagi pa ni Angelina tungkol sa
kanyang ina, na mainit na suporta sa media conference ng kanyang EP.
Kasalukuyang
kumukuha ng kursong may kinalaman sa business management si Angelina. Ito rin ang dahilan kung bakit umano ay hinay-hinay
lamang siya sa pagre-record ng kanyang EP at sa showbiz.
Aniya,
sa showbiz ay iilan pa lang ang masasabi niyang kadikit niya gaya ni Frankie
Pangilinan, anak ni Sharon Cuneta, at Leila Alcasid, na anak naman ni Ogie
Alcasid. Subalit kung bibigyan ng
pagkakataon ay sino kaya ang gustong makatrabaho ni Angelina?
“Iyong
mga artists po sa UR sina Donny (Pangilinan), Claudia (Barretto), Kuya Shanti
Dope, Julie Anne San Jose basta iyong
mga taga UR,” saad ni Angelina. “Also my brother, Diego (Loyzaga), we had a
performance in ASAP last year. When we ramped together [recently] in Bench, we
[talked about that] we should do songs together. That’s the one thing we want
to cross out in our list. So I’m looking forward to do songs with him.”
Maliban
sa pagsulat ng kanta, ang isa pang gustong isama ni Angelina sa kanyang mga
susunod na albums ay ang kanyang mga iginuhit.
Aniya, ito ang isang bagay na kanya rin kinahihiligan mula pa noong
siya’y bata pa. Kung ito man ay susunod na plano ng dalaga, sa ngayon ay ang
kanyang layunin ay gumawa ng sariling pangalan. Sinimulan niya na ito sa
kanyang EP na available na para i-download sa iTunes, Apple Music, Deezer,
Amazon, at Spotify.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento