Miyerkules, Disyembre 5, 2018

Brighten up your festive food this holiday season with Creamy Tomato Garlic Chicken

Carnation photo

Palapit nang palapit na naman ang panahon ng Kapaskuhan ngunit ngayon pa lamang ay mabuti nang pag-isipan at paghandaan nang maaga ang mga balak gawin sa muli na namang pagsasama-sama ng pamilya sa Noche Buena para sa pagdiriwang ng Pasko.

At dahil napakahilig ng mga Pinoy sa mga salo-salo at masasayang kwentuhan sa hapag-kainan, siguradong hindi mawawala ang presensiya ng kahit anumang lutuin na manok – mapa-lechon, adobo, tinola, sinampalukan, pininyahan na may gata, sopas, barbecue, curry, kaldereta, asado, salpicao, inasal, binacol, afritada, chicken ala king, chicken pastel, cordon bleu, lemon chicken, at siyempre fried chicken.

Hearty and tasty, rich and creamy

Itinuturing na isa sa paboritong pagkain ang manok ng mga Pinoy anumang klase ng okasyon. Maliban sa mga popular nang lutuing manok na madalas nakikita sa mga handaang Pinoy, hindi ba’t nakapupukaw ng pansin at nakagagawa ng memorableng karanasan ang makatikim ng panibagong putahe?

At dahil diyan, narito ang exciting recipe (good for 6) na Creamy Tomato Garlic Chicken na mula sa Carnation para maging next level ang sarap ng lutuing manok bilang main dish.

Ihanda ang tatlong piraso ng chicken drumsticks, tatlong piraso ng chicken thighs, garlic powder, 1 tbsp garlic (chopped finely), 1/2 cup white onions (chopped finely), 1 can crushed tomatoes (with juice), 2 tbsp tomato paste, 1/2 can Carnation Evap, 1 pc chicken broth cube, salt (as needed), black pepper (as needed), 1/4 cup olive oil, fresh basil (as needed), at fresh parsley (as needed).

Pagkatapos ay ibabad na ang mga piraso ng manok sa garlic powder, asin, at paminta sa loob ng 30 minuto bago ito lutuin at saka takpan ng plastic wrap.

Sa isang kawali, mag-init ng olive oil at saka pasuin ang mga piraso ng manok sa bawat gilid nito para makuha ang brown crust at masipsip nito nang mabuti ang juices saka tanggalin sa kalan at itabi muna pagkatapos.

Smooth buttery texture with delicious garlic flavors

Sundan ito ng paggisa ng puting sibuyas at saka dagdagan ng bawang at sauce hanggang maging light brown ang kulay. Ihalo naman dito ang tomato paste at sauce (until slightly brown) at isunod ang crushed tomatoes at hayaang kumulo ng ilang minuto.

Ilagay na rin ang chicken broth cube at pakuluin muli ng lima pang minuto, isunod ang evaporated milk, at huling isama ang mga piraso ng manok at hayaang maluto ito nang mabuti saka budburan ng asin at paminta.

At siyempre ‘wag kakalimutan ang fresh basil at parsley bilang garnish para maganda ang presentasyon nito sa inyong hapag-kainan.

Mainam na ihain ito na may kanin, green salad, pasta o kahit anong gulay. Maaari rin gumamit ng kahit anong klase ng kamatis sa halip na canned tomatoes gaya ng cherry at roma tomatoes at kailangan lang hiwain nang mas maliliit para magawa ang butter-like texture nito.

Pwede rin na alternatibo ang chicken breasts basta lutuin lang ito sa mas mababang apoy, gayon din ang marinara sauce sa halip na tomato sauce.

Mediterranean diet, susi sa higit na mas mababang tsansa ng Alzheimer’s disease

Healthline photo


“We found that by following a Mediterranean diet for just three years reduced the buildup of by up to 60 percent. This tells us that eating a Mediterranean diet could potentially delay the onset of symptoms of Alzheimer’s disease by years.”

Ito ang tinuran ni lead researcher Dr. Stephanie Rainey-Smith ng Edith Cowan University sa isang opisyal na pahayag kamakailan tungkol sa resulta ng bagong Australian research na inilathala sa Translational Psychiatry medical journal. 

Ang tinutukoy na ay mga amino acid-related amyloid beta peptides (brain protein) na nakikitang naiipon sa mga utak ng mga pasyente, na siyang nagdudulot ng Alzheimer’s, isang neurodegenerative disease na nasa likod ng karamihang mga kaso ng dementia.

The Mediterranean diet’s versatile, simple, and fun philosophy

Bago pa ang naturang pag-aaral, karaniwan nang kaalaman na ang tradisyonal na Mediterranean diet ay mainam sa paglaban sa heart attack at nakakapagpababa sa diabetes risk, ito ay dahil sa healthy unsaturated fats ng diet mula sa red wine, seafood, at olive oil.

Ito rin ay “good for the gut” dahil sa antioxidants mula sa healthy fats kung saan hindi lang kalusugan ng puso ang natutulungan nito kundi pati gastrointestinal issues gaya ng inflammatory bowel at ulcerative colitis.

At ‘di kagaya ng ibang mga diets, reasonable at pinaka-least restrictive ang Mediterranean. Hindi na kailangan pang mag-calorie counting o magtanggal ng ilang food groups. Kailangan lang tandaan  na binubuo ito ng “sensible, unprocessed, simply prepared but delicious food.”

High fruit intake provides the greatest benefit

Kadalasang binubuo ang Mediterranean diet ng gulay, prutas, isda (rich in heart-healthy fats: salmon, tuna, sardines), itlog, olive oil, seafood, whole grains, beans and legumes, nuts and seeds, poultry (chicken, turkey), herbs and spices, at soy (non-processed forms such as tofu and edamame).

Pagdating naman sa dairy, red meat, alcohol, at natural sweeteners ay dapat “in moderation” lamang ang pagkain ng mga ito. Higit naman na kailangang iwasan o limitahan ang mga refined oils (sunflower, peanut, corn, rapeseed, canola, at vegetable oils), processed foods (sausages, deli meat, store-bought cookies, chips, pre-made meals), at added/artificial sugars (sweets, sodas).

“While all of the aspects of the Mediterranean diet appear to be important for reducing Alzheimer's risk, in our study, fruit intake provided the greatest benefit. Fruit consumption is the most strongly related to a reduced buildup of the peptides,” ang dagdag pa ni Rainey-Smith.

Aniya, kahit dalawang piraso lamang ng prutas bawat araw ay malaki na ang maitutulong para labanan ang pagdami ng beta-amyloid. Ilan lamang sa inirerekomenda ang mga citrus fruits gaya ng orange, grapefruit, mandarin, at berries.

Sa kabila nito, hinihikayat ni Rainey-Smith na huwag lang high fruit intake ang pagtuunan ng pansin at  mas maigi pa rin na sundin ang buong Mediterranean diet para sa mas mawalak na benepisyo nito sa kalusugan.

Kaugnay nito, nadiskubre din ng mga Duke University researchers ang optical coherence tomography angiography (OCTA), isang eye scan imaging process (non-invasive diagnosis) para matukoy ang Alzheimer’s nang maaga, at kung saan natagpuan nila na ang mga pasyente ay nagkaroon ng “thinner inner layer of retina” at “loss of small retinal blood vessels.”

Tambalang Richard Gomez at Sharon Cuneta nagbabalik sa ‘Three Words to Forever’



“Alam mo ang pagsasama ng mag-asawa parang kasing-tibay ng kamang ito. Kayang kargahin ‘yung nakaraan, ‘yung kasalukuyan, at ‘yung hinaharap.

Ito ang maririnig sa trailer ng pinakabagong family drama ng Star Cinema na pinamagatang “Three Words to Forever” tampok ang pagbabalik-pelikula ng isa sa pinakamamahal na tambalan sa showbiz noon at ngayon – ang tambalang Richard Gomez at Sharon Cuneta mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, na ipinapalabas na sa mga sinehan ngayon.

Bahagi rin ng cast ang mga beteranong sina Freddie Webb at Liza Lorena, gayon din sina Tommy Esguerra, Joross Gamboa, Marnie Lapus, Tobie Dela Cruz, at Kathryn Bernardo.

Tampok din sa pelikula ang theme song na “Show Me A Smile” na kinanta ng mga Tawag ng Tanghalan boys na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, at Kiefer Sanchez.

Kilala ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina hindi lang sa mga minahal na love stories kundi pati sa mga hit family dramas, mula sa “Four Sisters and a Wedding” (2013) tungkol sa apat na babaeng magkakapatid at pagpapakasal ng kanilang bunso at nag-iisang lalake sa pamilya, at “Seven Sundays” (2017) na umikot naman sa apat na magkakapatid at kung paanong nagsama-sama muli ang mga ito nang malamang may taning na ang buhay ng kanilang ama.

Ngayong taon, pamilya muli ang sentro ng kwento kung saan tinatalakay din nito ang mga totoong pagsubok sa isang kasal at pagsasama na umiikot sa tatlong henerasyon ng isang pamilya.  
Dito ay magsasama-sama muli ang mga miyembro ng pamilya para ipagdiwang ang ika-25 anibersaryo ng mga magulang ni Tin (Kathryn Bernardo) na ginagampanan nina Richard at Sharon at kasama ang kanyang kasintahan na si Kyle (Tommy Esguerra) at Lolo Cito (Freddie Webb) at Lola Tinay (Liza Lorena).

Sa kabila ng tila perpektong pamilya, lingid sa kaalaman ng lahat ang mga sikreto at tototong saloobin ng bawat isa na matagal na nilang itinatago na unti-unting magdudulot ng lamat sa samahan ng buong pamilya.