Healthline photo |
“We found that by following a Mediterranean diet for just
three years reduced the buildup of Aβ by up
to 60 percent. This tells us that eating a Mediterranean diet could potentially
delay the onset of symptoms of Alzheimer’s disease by years.”
Ito ang tinuran ni lead researcher Dr. Stephanie
Rainey-Smith ng Edith Cowan University sa isang opisyal na pahayag
kamakailan tungkol sa resulta ng bagong Australian research na inilathala sa
Translational Psychiatry medical journal.
Ang tinutukoy na Aβ ay mga
amino acid-related amyloid beta peptides (brain protein) na nakikitang
naiipon sa mga utak ng mga pasyente, na siyang nagdudulot ng Alzheimer’s, isang
neurodegenerative disease na nasa likod ng karamihang mga kaso ng dementia.
The Mediterranean diet’s versatile, simple,
and fun philosophy
Bago pa ang naturang pag-aaral, karaniwan nang kaalaman na
ang tradisyonal na Mediterranean diet ay mainam sa paglaban sa heart attack at
nakakapagpababa sa diabetes risk, ito ay dahil sa healthy unsaturated fats ng
diet mula sa red wine, seafood, at olive oil.
Ito rin ay “good for the gut” dahil sa antioxidants mula sa
healthy fats kung saan hindi lang kalusugan ng puso ang natutulungan nito kundi
pati gastrointestinal issues gaya ng inflammatory bowel at ulcerative colitis.
At ‘di kagaya ng ibang mga diets, reasonable at pinaka-least
restrictive ang Mediterranean. Hindi na kailangan pang mag-calorie counting o
magtanggal ng ilang food groups. Kailangan lang tandaan na binubuo ito ng “sensible, unprocessed,
simply prepared but delicious food.”
High fruit intake provides the
greatest benefit
Kadalasang binubuo ang Mediterranean diet ng gulay, prutas,
isda (rich in heart-healthy fats: salmon, tuna, sardines), itlog, olive oil,
seafood, whole grains, beans and legumes, nuts and seeds, poultry (chicken,
turkey), herbs and spices, at soy (non-processed forms such as tofu and edamame).
Pagdating naman sa dairy, red meat, alcohol, at natural
sweeteners ay dapat “in moderation” lamang ang pagkain ng mga ito. Higit naman
na kailangang iwasan o limitahan ang mga refined oils (sunflower, peanut, corn,
rapeseed, canola, at vegetable oils), processed foods (sausages, deli meat,
store-bought cookies, chips, pre-made meals), at added/artificial sugars
(sweets, sodas).
“While all of the aspects of the Mediterranean diet appear to
be important for reducing Alzheimer's risk, in our study, fruit intake provided
the greatest benefit. Fruit consumption is the most strongly related to a
reduced buildup of the peptides,” ang dagdag pa ni Rainey-Smith.
Aniya, kahit dalawang piraso lamang ng prutas bawat araw ay
malaki na ang maitutulong para labanan ang pagdami ng beta-amyloid. Ilan lamang
sa inirerekomenda ang mga citrus fruits gaya ng orange, grapefruit, mandarin,
at berries.
Sa kabila nito, hinihikayat ni Rainey-Smith na huwag lang
high fruit intake ang pagtuunan ng pansin at
mas maigi pa rin na sundin ang buong Mediterranean diet para sa mas
mawalak na benepisyo nito sa kalusugan.
Kaugnay nito, nadiskubre din ng mga Duke University
researchers ang optical coherence tomography angiography (OCTA), isang eye scan
imaging process (non-invasive diagnosis) para matukoy ang Alzheimer’s nang
maaga, at kung saan natagpuan nila na ang mga pasyente ay nagkaroon ng “thinner
inner layer of retina” at “loss of small retinal blood vessels.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento