Carnation photo |
Palapit nang palapit na naman ang panahon ng
Kapaskuhan ngunit ngayon pa lamang ay mabuti nang pag-isipan at paghandaan nang
maaga ang mga balak gawin sa muli na namang pagsasama-sama ng pamilya sa Noche
Buena para sa pagdiriwang ng Pasko.
At dahil napakahilig ng mga Pinoy sa mga salo-salo at
masasayang kwentuhan sa hapag-kainan, siguradong hindi mawawala ang presensiya
ng kahit anumang lutuin na manok – mapa-lechon, adobo, tinola, sinampalukan,
pininyahan na may gata, sopas, barbecue, curry, kaldereta, asado, salpicao,
inasal, binacol, afritada, chicken ala king, chicken pastel, cordon bleu, lemon
chicken, at siyempre fried chicken.
Hearty and tasty, rich and
creamy
Itinuturing na isa sa paboritong pagkain ang manok ng
mga Pinoy anumang klase ng okasyon. Maliban sa mga popular nang lutuing manok
na madalas nakikita sa mga handaang Pinoy, hindi ba’t nakapupukaw ng pansin at
nakagagawa ng memorableng karanasan ang makatikim ng panibagong putahe?
At dahil diyan, narito ang exciting recipe (good for
6) na Creamy Tomato Garlic Chicken na mula sa Carnation para maging next level
ang sarap ng lutuing manok bilang main dish.
Ihanda ang tatlong piraso ng chicken drumsticks,
tatlong piraso ng chicken thighs, garlic powder, 1 tbsp garlic (chopped
finely), 1/2 cup white onions
(chopped finely), 1 can crushed tomatoes (with juice), 2 tbsp tomato paste, 1/2
can Carnation Evap, 1 pc chicken broth cube, salt (as needed), black pepper (as
needed), 1/4 cup olive oil, fresh basil (as needed), at fresh parsley (as
needed).
Pagkatapos ay ibabad na ang mga piraso ng manok sa garlic
powder, asin, at paminta sa loob ng 30 minuto bago ito lutuin at saka takpan ng
plastic wrap.
Sa isang kawali, mag-init ng olive oil at saka pasuin ang mga
piraso ng manok sa bawat gilid nito para makuha ang brown crust at masipsip
nito nang mabuti ang juices saka tanggalin sa kalan at itabi muna pagkatapos.
Smooth buttery texture with delicious
garlic flavors
Sundan ito ng paggisa ng puting sibuyas at saka dagdagan ng
bawang at sauce hanggang maging light brown ang kulay. Ihalo naman dito ang tomato
paste at sauce (until slightly brown) at isunod ang crushed tomatoes at hayaang
kumulo ng ilang minuto.
Ilagay na rin ang chicken broth cube at pakuluin muli ng lima
pang minuto, isunod ang evaporated milk, at huling isama ang mga piraso ng
manok at hayaang maluto ito nang mabuti saka budburan ng asin at paminta.
At siyempre ‘wag kakalimutan ang fresh basil at parsley
bilang garnish para maganda ang presentasyon nito sa inyong hapag-kainan.
Mainam na ihain ito na may kanin, green salad, pasta o kahit
anong gulay. Maaari rin gumamit ng kahit anong klase ng kamatis sa halip na
canned tomatoes gaya ng cherry at roma tomatoes at kailangan lang hiwain nang
mas maliliit para magawa ang butter-like texture nito.
Pwede rin na alternatibo ang chicken breasts basta lutuin
lang ito sa mas mababang apoy, gayon din ang marinara sauce sa halip na tomato
sauce.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento