Ni
Florenda Corpuz
Kuha mula sa Adachi Museum of Art |
Itinanghal ng isang U.S. magazine
bilang pinakamagandang Japanese garden sa buong Japan ang Adachi Museum of Art
na matatagpuan sa Yasugi City, Shimane Prefecture.
Batay sa Sukiya Living (The Journal
of Japanese Gardening), isinagawa ang ranking bilang bahagi ng Shiosai Project
na binuo upang piliin ang pinakamagagandang Japanese gardens sa pamamagitan ng
pagtuon sa kalidad ng mismong hardin.
Bukod dito ay napili rin ng CNN ang
Adachi Museum of Art bilang isa sa 31 pinakamagandang lugar sa Japan. Nakakuha
rin ang museo ng tatlong stars, ang pinakamataas na antas na nangangahulugang
“worth a trip,” mula sa prestihiyosong Michelin Green Guide Japan at Guide Bleu
Japon.
Kabilang sa Top 5 ang Katsura Rikyu
(Kyoto) na nasa ikalawang pwesto, Yamamoto-tei (Tokyo) sa ikatlo, Yokokan
(Fukui) sa ika-apat at Heian Hotel (Kyoto) sa ikalimang pwesto.
Pasok din sa Top 50 ang lima pang
gardens na matatagpuan sa Shimane Prefecture: ang Kasui-en Minami sa ika-pitong
pwesto, Minami-kan sa ika-12, Choraku-en sa ika-19 at Yuushien Garden sa ika-32
pwesto.
Ito na ang ika-13 taon na nanguna
ang Adachi Museum of Art sa Japanese Garden Ranking. Kabilang din dito ang
mahigit sa 1,000 lugar sa buong bansa, kasama ang mga inns, restaurants at historical
sites na binigyan ng ranking ng mahigit sa 30 eksperto mula sa iba’t ibang
bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento