Ni
Florenda Corpuz
Naglunsad ang pamahalaang Hapon ng
anti-terrorism intelligence unit kamakailan bunsod ng sunud-sunod na terrorist
attacks sa Paris, France.
Ang bagong specialized unit na
tinawag na Counterterrorism Unit-Japan o CTU-J ay binuo upang mangolekta at
pag-aralan ang mga impormasyon sa mga terrorist attacks sa iba’t ibang bansa sa
mundo.
“The CTU-J will collect and collate
data on international terrorism. The Prime Minister’s Office will act as the
control tower to strongly advance various proactive measures for the prevention
of terrorism, and I would like you all to stand in solidarity to fulfill your
responsibilities,” pahayag ni Prime Minister Shinzo Abe sa ginanap na 23rd
Ministerial Meeting Concerning Measures Against Crime.
Una nang plinano ang paglulunsad nito
sa Abril ngunit ito’y inagahan para mas paigtingin ang seguridad ng bansa bilang
paghahanda sa nalalapit na G7 Summit na gaganapin sa Mayo sa Mie Prefecture at
Tokyo Olympic Games sa taong 2020.
“As Japan prepares for the coming
G7 Summit and Olympic and Paralympic Games, we must cooperate with the
international community and, with a sense of crisis, exert every effort to
implement countermeasures,” ani Abe.
Nangako rin ang lider na gagawin ng
kanyang administrasyon na pinakaligtas na bansa sa buong mundo ang Japan.
“Ensuring safety and security is
the foundation of all our activities. There are still many issues to be
addressed in order to ensure good public order, such as the prevention of
crimes aimed at children, women, and the elderly; and measures to counter
cyber-attacks. I would like each Minister to demonstrate strong leadership and
focus all your efforts towards making Japan the safest country in the world.”
Binubuo ang unit ng 20 eksperto na
nakabase sa opisina sa Tokyo na tututok sa Southeast Asia, South Asia, Middle
East at north at western Africa habang 20 iba pa ang itatalaga sa mga Embahada
ng Japan sa ibang bansa bilang mga intelligence officers. Sila ay mula sa
Foreign Ministry, Defense Ministry, National Police Agency at Cabinet Intelligence
and Research Office ng Japan.
“This is a brand new initiative
that has only just begun. I think this is a challenge we must consider while
keeping a close watch on the outcomes of the initiatives,” sagot naman ni
Foreign Minister Fumio Kishida sa tanong ng isang mamamahayag kung sapat ba ang
bilang ng mga miyembro ng CTU-J.
Maglalaan ang pamahalaan ng ¥126 milyon
mula sa reserve fund nito sa fiscal 2015 budget para pondohan ang operasyon ng
grupo.
Bumuo rin ng dalawa pang ahensya
para ibahagi at pag-aralan ang mga impormasyon na makakalap ng CTU-J sa iba
pang ahensya ng pamahalaan.
Matatandaang dalawang Hapon ang dinukot
at pinatay ng Islamic State group sa Syria habang tatlo naman ang nasawi sa
terrorist attack sa isang museo sa Tunisia noong nakaraang taon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento