Nagbukas nitong Oktubre ang “Awakenings: Art in Society in
Asia 1960s-1990s” exhibition sa National Museum of Modern Art in Tokyo (MOMAT)
at nagtapos noong Disyembre 24, 2018 bago ito tumulak sa South Korea at Singapore sa susunod na taon.
Bukas naman ang MOMAT mula alas-diyes ng umaga hanggang
alas-singko ng hapon at may admission ticket na ¥1,200 (adults), ¥800 (university students) at libre sa mga high school
students, at persons-with-disability at kanilang kasama.
Makikita ang exhibition sa Art Museum Special Exhibition Gallery ng
MOMAT na matatagpuan sa 3-1 Kitanomaru-koen, Chiyoda-ku.
An exploration of different
responses to shared problems
Nahahati ito sa tatlong tema: Questioning “Art”:
Development of New Ways of Artistic Expression, Artists and “City”: Places
Where New Arts Developed, at In Pursuit of New “Solidarities”: The Formation of
Artist Collectives.
Sa una, bunsod ng paglaki ng campus activism sa mundo,
sinimulan nito ang kritisismo sa modernisasyon at pagkwestiyon sa konsepto ng
“art.” At sa halip na umayon sa kilala
nang pamamaraan noon gaya ng paintings at iskultura, nabuo ang mga bagong klase
ng artistic expression gamit ang mga pang-araw-araw na materyales at
katawang-tao.
Sentro naman ang imahe ng mga siyudad bilang “nurturing
environment for artistic experiements” noong 1960s at pagkatapos ng dekada sa ikalawang
tema, kung saan binago ng mabilis na modernisasyon ang pamumuhay ng mga tao.
Ngunit nagkaroon naman ng mga problema sa kahirapan, consumer society, at
ethnic conflicts.
Tampok naman sa ikatlong tema ang paglitaw ng mga artist
groups na may adbokasiya ng pagkakaisa at mga grupong may cross-genre
activities, gayon din ang “communicative power of art.” At sa paglalayong
maibahagi ang realidad sa maraming tao, nadiskubre ang bagong pamamaraan ng
ekspresyon ng sining nang magsimulang gumamit ng mga billboards, banners,
murals, at videos.
The
transitional period of modern art to contemporary art
Kulminasyon ito ng
limang-taong proyekto ng MOMAT, National Gallery Singapore, National Museum of Modern and Contemporary Art Korea (MMCA), at
Japan Foundation Asia Center.
Tinipon dito ang 140 obra (paintings, sculptures, prints,
photographs, performances, videos, installations) ng mahigit sa 90
artists/groups na mula sa iba’t ibang panig ng Asya kabilang ang Japan, Hong
Kong, South Korea, Taiwan, Malaysia, Indonesia, Thailand, India, China, Singapore,
at Pilipinas.
Sa loob ng 30 dekada, marami ang naging mga kaganapan sa
rehiyon dahil sa pagkakaroon ng kalayaan mula sa kolonisasyon, modernisasyon,
at mga ideolohikal na kumprontasyon sa panahon ng Cold War, Vietnam War,
pagbagsak ng mga rehimen, at pag-usbong ng pro-democracy movements gaya ng
People Power Movement sa Pilipinas noong 1986.
Ilang halimbawa ng mga obrang tampok ang “Fullness of Time”
ni Filipino artist Renato Habulan, mga posters/paintings ng United Artists’
Front ng Thailand, experimental short film na “Eyes” ni Rajendra Gour ng
Singapore, at “The White Hare of Inaba” (1970/2012), isang video pieces digest
ng performance group Zero Jigen ng Japan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento