Ni
Florenda Corpuz
Simula Mayo 1 ay papasok na ang Japan sa Reiwa
era kasabay nang pag-upo ni Crown Prince Naruhito sa Chrysanthemum Throne bilang
bagong emperador ng bansa kapalit ng kanyang ama na si Emperor Akihito na
bababa naman sa trono sa Abril 30.
Nitong Abril 1 ay inanunsyo ni Chief
Cabinet Secretary Yoshihide Suga ang pangalan ng bagong era pagkatapos ng espesyal
na pagpupulong ng Gabinete kung saan itinaas niya ang isang karatula na
nakasulat ang kanji characters nito.
Ayon kay Suga, ang pangalan na “Reiwa” ay
hango mula sa “Manyoshu,” ang pinakalumang koleksyon ng tula ng Japan. Ang
unang kanji character na “rei” ay sumisimbolo sa “good fortune” habang ang
pangalawang kanji character naman na “wa” ay nangangahulugang “peace” o
“harmony.”
Ang tula kung saan ito hinango ay
naglalarawan sa “ume” (Japanese apricot flower) na namumulaklak sa panahon ng
tagsibol matapos ang panahon ng taglamig.
Ang Reiwa ang pang-248 na era name ng
Japan simula nang itatag ang Chinese-style system noong 645. Ito ang unang
beses na kinuha ang era name ng bansa mula sa classical Japanese literature
imbes na sa Chinese.
“On May 1, His Imperial Highness the
Crown Prince will accede to the Imperial throne, and this new era name will be
used from that day forward. I ask for the understanding and cooperation of the
people on this.
“The government is taking all possible
measures to prepare for this historic succession to the Imperial throne from a
living Emperor – the first such instance in approximately 200 years – to take
place smoothly, and for the Japanese people to celebrate the day with one
accord,” pahayag ni Prime Minister Shinzo Abe sa isang press conference na
ginanap matapos ang pag-anunsyo.
“Era names have, together with the
long-standing tradition of the Imperial Household and a profound wish for the
peace and security of the nation and the well-being of the people, woven
together the history of our nation that spans almost 1,400 years,” aniya.
Ang pangalan ng era o “gengo” sa Japan ay
ginagamit sa mga barya, kalendaryo, papeles at iba pa. Ginagamit din ito sa
Japan sa pagbibilang ng taon.
“Era names are also integrated into the
hearts and minds of the Japanese and support the Japanese people’s inner sense
of unity. It is my sincere wish that this new era name will also be widely
accepted by the public and take root deeply within the daily lives of the
Japanese people,” dagdag pa ng lider ng Japan.
Pagbaba
sa trono
Kasabay nang pagbaba sa trono ni Emperor
Akihito, 84, ay ang pagtatapos din ng Heisei (achieving peace) era na nagsimula
noong Enero 8, 1989.
Nagsimula ang Japan sa pagpili sa
pangalan ng bagong era simula noong Meiji Period tuwing may bagong emperador na
uupo sa trono.
Sa panayam kay Emperor Akihito nitong
Pebrero sa selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng pag-upo niya sa Chrysanthemum
Throne ay sinabi nito na patuloy siya sa pag-iisip kung paano siya magiging
magandang simbolo sa taumbayan.
“Ever since I ascended the throne, I have
spent my days praying for the peace of the country and the happiness of its
people, as well as contemplating how I should behave as a symbol,” pahayag ng
Emperor.
“The journey to figure out the idea of a
symbolic emperor, as defined by the Constitution, has been endlessly long, and
I hope my successors in the next eras to come will keep exploring an ideal form
of this symbolic role and build on the version from this departing era,” aniya.
Matatandaan
na noong 2016 ay nagbigay ng talumpati ang Emperor na nagbibigay senyales ng
kanyang hangarin na bumaba na sa trono dahil sa kanyang edad at kalusugan. Siya
rin ang kauna-unahang emperador na bababa sa kanyang trono sa loob ng 200 taon.
Bagong simbolo ng
Japan
Ipinanganak noong 1960 si Crown Prince Naruhito, 59,
na siyang panganay sa tatlong magkakapatid. Siya ang magsisilbing ika-126 na
emperor sa kasaysayan ng Japan at sinasabing hinog na para mamuno sa Imperial
Throne sa dami na ng ginagawa nitong opisyal na trabaho.
Maging siya mismo ay tahasang nagsasabi na handa na
siya sa mga responsibilidad.
“When I think of what is coming up, I feel very
solemn,” pahayag ni Crown Prince Naruhito noong kanyang kaarawan nitong
Pebrero.
Lumaki sa Tokyo, nagtapos si Crown Prince Naruhito sa Gakushuin
University ng kurso sa kasaysayan. Pagkaraan ay nag-aral siya sa Merton College
ng Oxford University ng kursong history transportation sa loob ng dalawang
taon.
Siya ang kauna-unahang tagapagmana sa trono na pinayagang
mag-aral sa ibang bansa. Nilarawan niya ang kanyang pag-aaral sa Oxford na “happiest
years of my life” sa isang libro na inilathala.
Nakilala rin si Crown Prince Naruhito sa matagal
niyang panliligaw kay Princess Masako at ang pagprotekta niya sa kanya lalo na
noong mayroong matinding pressure na mag-anak ng lalaki.
Mayroong anak sina Prince Naruhito at Princess Masako
na si Aiko, 17.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento