Ipinapakita ang mga post na may etiketa na AKB48. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na AKB48. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Hunyo 4, 2018

Unang 16 na miyembro ng MNL48 pinangalanan na




Kuha mula sa ABS-CBN
Buo na ang kauna-unahang girl idol group ng bansa matapos pangalanan ang 16 na miyembro na bubuo ng MNL48 sa pangunguna ni Sheki Arzaga ng Quezon City, ang tinaguriang center girl nito.

Inilabas ang resulta ng kumpetisyon sa unang general election ng idol group sa “It’s Showtime” kamakailan matapos ang isang linggong botohan na siyang tumukoy kung sinu-sino ang bubuo sa MNL47, ang Pinoy version ng popular na grupong AKB48 ng Japan.

Kilala si Sheki bilang ang “powerful stage queen” ng grupo dahil sa kanyang agaw-pansing paghataw at galing sa pagbirit.

Kasama naman niya sa top seven o “Kami 7” sina Abby Trinidad ng Cavite, Sela Guia ng Laguna, Tin Coloso ng Iloilo, Zen Inot ng Cebu, Alice De Leon ng Quezon City, at Trixie Tano ng Marikina.

Nakaabang sa kanila ang international recording at endorsement deals, at sila rin ang mangunguna sa performances ng grupo sa itatayong MNL48 theater. Bukod pa riyan, mayroon din silang pagkakataong mag-perform kasama ang sister group nilang AKB48 at lilipad patungong Japan para sumailalim sa exclusive trainings.

Pasok din sa grupo bilang first generation members ang top eight to 16 girls o “Senbatsu” na sina Ella Amat at Jem Caldejon ng Quezon, Ash Garcia ng Las PiƱas, Gabb Skribikin ng Pasig City, Sayaka Awane ng Legazpi City, Faith Santiago ng Malabon, Lara Layar ng General Santos City, Grace Buenavidez ng Nueva Vizcaya, at Quincy Santillan ng Albay.

Kagaya ng top seven girls, nasungkit din nila ang mga premyo gaya ng recording at endorsement contracts, pati na ang pagkakataong bumida sa music videos ng grupo at mag-perform kasama ang AKB48.

Ang kumpetisyon ay nilikha sa pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at Hallohallo Entertainment (HHE) ng Japan.

May mga sister groups ang AKB48 sa iba’t ibang lugar sa Japan: Ang SKE48 sa Nagoya, NMB48 sa Osaka, HKT48 sa Hakata, at NGT48 sa Niigata. Mayroon din itong sister groups sa ibang bansa: JKT48 sa Jakarta, Indonesia; TPE48 sa Taipei, Taiwan; at BNK48 sa Bangkok, Thailand.


Lunes, Oktubre 2, 2017

MNL48, makikipag-partner sa ABS-CBN


            Nag-perform ang AKB48 performs sa “It’s Showtime” noong
Nobyembre 2015. (Kuha mula sa  MNL28 Facebook)
Nakatakdang umere sa Kapamilya network ang bagong talent show kung saan maghahanap ng miyembro para sa MNL48, ang “sister group” ng Japanese all-girl pop group na AKB48.

Ayon sa Hallohallo Entertainment (HHE), makikipag-partner sila sa Kapamilya network para “showcase a new flavor of entertainment to the Filipino audience.”

Ang MNL48 ay itutulad sa orihinal na konsepto ng AKB48 kung saan pagpapasiyahan ang mga miyembro sa pamamagitan ng public votes.

Inilunsad ang AKB48 noong Disyembre 2005. Ito ay nahahati sa limang grupo: ang A, K, B, 4 at 8 na may konseptong “Idols You Can Meet” kung saan sila ay maaaring makilala at makasalamuha ng mga tagahanga.

Araw-araw na mapapanood ang kanilang mga pagtatanghal sa Akihabara, Tokyo kung sila ay mapapanood na kumakanta at sumasayaw at minsan ay nagsasagawa ng “handshake event” na katumbas ng meet and greet sa mga tagahanga.

Tinatayang 28 sa mga kanta ng AKB48 ay sunud-sunod na nanguna sa music charts sa Japan. Umabot sa 36.158 milyon ang kanilang CD single sales. Sila ay isa sa pinakamatagumpay na idol groups sa Japan.

“We’re very excited for this partnership and with ABS-CBN as the home for our new project, we’re very positive that this will be one of our biggest milestones yet,” ani HHE President Paulo Kurosawa.

Hindi pa inaanunsyo ang mga detalye ng talent show.

Inilunsad ang pagbuo sa MNL48 noong 2016.

May mga sister groups ang AKB48 sa iba’t ibang lugar sa Japan: Ang SKE48 sa Nagoya, NMB48 sa Osaka, HKT48 sa Hakata at NGT48 sa Niigata. Mayroon din itong sister groups sa ibang bansa: Ang JKT48 sa Jakarta, Indonesia at ang inaabangang TPE48 sa Taipei, Taiwan at BNK48 sa Bangkok, Thailand.