Nag-perform ang AKB48 performs sa “It’s Showtime” noong Nobyembre 2015. (Kuha mula sa MNL28 Facebook) |
Nakatakdang umere sa Kapamilya
network ang bagong talent show kung saan maghahanap ng miyembro para sa MNL48,
ang “sister group” ng Japanese all-girl pop group na AKB48.
Ayon sa Hallohallo Entertainment (HHE),
makikipag-partner sila sa Kapamilya network para “showcase a new flavor of
entertainment to the Filipino audience.”
Ang MNL48 ay itutulad sa orihinal
na konsepto ng AKB48 kung saan pagpapasiyahan ang mga miyembro sa pamamagitan
ng public votes.
Inilunsad ang AKB48 noong Disyembre
2005. Ito ay nahahati sa limang grupo: ang A, K, B, 4 at 8 na may konseptong
“Idols You Can Meet” kung saan sila ay maaaring makilala at makasalamuha ng mga
tagahanga.
Araw-araw na mapapanood ang
kanilang mga pagtatanghal sa Akihabara, Tokyo kung sila ay mapapanood na
kumakanta at sumasayaw at minsan ay nagsasagawa ng “handshake event” na
katumbas ng meet and greet sa mga tagahanga.
Tinatayang 28 sa mga kanta ng AKB48
ay sunud-sunod na nanguna sa music charts sa Japan. Umabot sa 36.158 milyon ang
kanilang CD single sales. Sila ay isa sa pinakamatagumpay na idol groups sa
Japan.
“We’re very excited for this
partnership and with ABS-CBN as the home for our new project, we’re very
positive that this will be one of our biggest milestones yet,” ani HHE
President Paulo Kurosawa.
Hindi pa inaanunsyo ang mga detalye
ng talent show.
Inilunsad ang pagbuo sa MNL48 noong
2016.
May mga sister groups ang AKB48 sa
iba’t ibang lugar sa Japan: Ang SKE48 sa Nagoya, NMB48 sa Osaka, HKT48 sa Hakata
at NGT48 sa Niigata. Mayroon din itong sister groups sa ibang bansa: Ang JKT48
sa Jakarta, Indonesia at ang inaabangang TPE48 sa Taipei, Taiwan at BNK48 sa
Bangkok, Thailand.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento