Lunes, Pebrero 4, 2019

‘Touch Your Heart’: Bagong tvN drama na pagbabalik ng ‘Goblin’ couple na sina Lee Dong-wook at Yoo In-na


Ni  Jovelyn Javier


“The romantic chemistry between Lee Dong-wook and Yoo In-na, along with the holiday atmosphere in the teaser made hearts flutter. The stars can be seen decorating a Christmas tree under a romantic atmosphere, while the ‘fingertip touch’ scene especially had viewers’ hearts flurrying with excitement followed by an eye contact and an exchange of smiles between the two.”

Ganito ang mga ipinasilip na eksena sa unang teaser ng isa sa most anticipated Korean dramas ngayong taon na pinamagatang “Touch Your Heart” na pinagbibidahan ng popular Korean actors na sina Lee Dong-wook at Yoo In-na. Magsisimulang umere ang drama sa Pebrero 6 at mapapanood sa Viki (with English subtitles).

Mula sa direksyon ni Park Joon Hwa, na nasa likod din ng mga tvN hit dramas na “What’s Wrong With Secretary Kim” (2018) at “Because This is My First Life” (2017) sa panulat nina Lee Myung-suk at Choi Bo-rim at produksyon ng Studio Dragon, ito ang isa mga unang drama offerings ngayong taon ng cable TV na tvN.

Pagtatagpo ng isang abogado at aktres

I’ve always thought that it was charming how lawyers treat their clients with sincerity. In ‘Touch Your Heart,’ a star who previously lived a glamorous life ends up working at a law firm under false pretenses, and together with a lawyer, she meets [the firm’s] clients with a sincere heart. I was drawn to the story because of how the two characters recognize each other’s sincerity during those kinds of everyday moments,” ang pagsasalarawan ni director Park sa Soompi.

Base ang serye sa isang web comic na pinamagatang “Reach of Sincerity” na unang inilathala noong 2016 sa Kakao Page, isang mobile content platform ng Kakao Corp.

Umiikot ang kwento nito sa pagtatagpo ng landas ng isang perfectionist elite lawyer na si Kwon Jung-rok (Lee Dong-wook) at top actress na si Oh Yoon-seo (Yoo In-na).

Pagkatapos masangkot sa isang dating scandal ay nahaharap ang karera ng aktres sa isang krisis kaya’t mauuwi siya bilang sekretarya sa isang law firm, dito ay makikilala si Jung-rok, isang istriktong workaholic lawyer na mataas ang pagpapahalaga sa reputasyon ng kanyang law firm.

Kaabang-abang naman ang mga nakakatawang pag-uumpisa ng relasyon ng dalawang karakter na ipinakita sa dalawa pang teasers.

Paboritong K-drama couple

Watching Lee Dong-wook and Yoo In-na together warms your heart. I cast [the two actors] because I thought that they would warm not only my heart, but viewers’ hearts as well. I’d be lying if I say there isn’t a certain amount of pressure that comes with casting the two, but I have faith that the two actors will do a great job,” ang kwento pa ng direktor ukol sa casting.

Isang biyaya naman mula sa mga casting gods at mala-“stars aligned” para sa mga tagahanga ang naganap bago ang kumpirmasyon  ng serye. Ito ay dahil ibang aktor ang unang napabalitang bibida sa serye, ngunit kalaunan ay napunta rin sa aktor ang pagganap.
Ngayon ay opisyal na ang pagbabalik-tambalan ng tinaguriang Pichi Couple na pinasikat nina Lee Dong-wook at Yoo In-na, bilang star-crossed lovers na sina King Wang Yeo/Grim Reaper at Sunny/Kim Sun mula sa megahit romance-comedy-fantasy-drama na “Goblin: The Lonely and Great God” ( tvN /2016-2017). Dahil dito, lubos na natuwa ang mga tagahanga ng Goblin sa muling pagsasama ng dalawa.

Napansin din ng mga tagahanga na ang kwento nito at karakter ng dalawang bida ay tila epilogue o spin-off ng kanilang mga sikat na pagganap sa Goblin.

Ito naman ang ikalima nang pagganap ni Yoo bilang aktres na nauna na niyang ginampanan sa mga dramas na “The Greatest Love” (MBC/ 2011), “Queen In-hyun’s Man” (tvN / 2012), “My Love from the Star” (SBS / 2013-2014), at pinakahuli sa “Goblin” ng tvN.  
Ikalawang beses na pagganap naman ito ni Lee bilang isang abogado, ang una ay sa “The Partner” (KBS/ 2009) at huling napanood sa medical drama na “Life” ng jTBC.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento