Ni
Florenda Corpuz
Isa sa ipinagmamalaking isla ng
Toba Bay sa Mie Prefecture ang kamangha-mangha at pamosong Mikimoto Pearl
Island kung saan isinilang ang pearl cultivation sa buong mundo noong 1893 sa
pangunguna ni Kokichi Mikimoto.
Matapos ang matagumpay na
pag-culture ng semi-spherical pearl sa Ojima, lumipat si Kokichi sa Tatoku Island
para ipagpatuloy ang pearl aquaculture. Matapos ang ginawang pagbisita sa
Amerika at Europa noong unang bahagi ng ika-20 siglo, sa impluwensiya ni Eiichi
Shibusawa, siya ay nagsagawa ng private-sector diplomacy program kung saan
pinalitan niya ang pangalan ng Ojima at tinawag na Mikimoto Pearl Island
pagkatapos ay binuksan sa publiko noong 1951.
Simula noon ay milyun-milyong lokal
at dayuhan na ang naaakit pumasyal sa berdeng isla.
Sa loob nito ay iba’t ibang
pasilidad ang makikita na nagbibigay kaalaman tungkol sa kasaysayan, sining,
craftsmanship at produksyon ng perlas.
May bayad na ¥1,500 ang entrance
fee rito para sa matatanda habang ¥750 naman para sa mga bata.
Ilan sa mga prominenteng tao na ang
nakapasyal dito tulad nina Queen Elizabeth at Prince Philip noong 1975.
Kokichi
Mikimoto Memorial Hall
Ito ay itinayo noong 1993 para
gunitain ang ika-100 anibersaryo ng cultured pearls. Sa pamamagitan ng audio
visual presentation ay malalaman ang kwento ng buhay (mula kapanganakan
hanggang kamatayan) ni Kokichi na tinaguriang “Pearl King” pati na rin ang
kanyang pagmamahal sa bayang sinilangan, ang Ise-Shima, at ang kanyang pag-ibig
para sa perlas.
Pearl
Museum
Nagbukas noong Setyembre 1985,
matututuhan dito ang kasaysayan at iba pang mahahalagang impormasyon tungkol sa
perlas base sa temang “Pearls and People” – mula sa paggawa hanggang sa
pag-produce nito. Iba’t ibang koleksyon din ng perlas ang makikita sa loob ng
museo kabilang ang likha ng mga manggagawa ng Mikimoto.
Pearl
Plaza
Dito ay makakabili ng iba’t ibang
klase ng perlas na may iba’t ibang disenyo at istilo, may kamahalan nga lamang
presyo.
Ama
o women divers
Hindi naman kumpleto ang proseso ng
paggawa ng perlas kung wala ang mga “ama” o women divers na kasama na ni
Kokichi simula pa noong panahon na siya ay naglalagay ng mga mother oysters sa ilalim
ng dagat bago muling hanguin. Mula sa isang silid ay mapapanood ang mga ama na sumisisid
para makakuha ng mga oysters na nagtataglay ng mamahaling perlas.
Kokichi
Mikimoto Statue
Ito ang itinuturing na simbolo ng
isla. Itinayo ito noong 1953 kung saan si Kokichi ay may hawak na Imperial
Award habang suot ang kanyang trademark Yamataka na sombrero at kapa.
Ilang
kaalaman tungkol sa perlas
Ang perlas ay binubuo ng
libu-libong layers ng calcium carbonate crystals at conchiolin na isang uri ng
hard protein. Ang kulay nito ay pangunahing nagmumula sa epekto ng ilaw tulad
ng interference, pigments na taglay ng conchiolin at organic matter.
Ayon sa Mikimoto Pearl Island, sa
pagpili ng perlas, ang nacre thickness ang pinakamahalagang katangian na
tinitingnan para sa kalidad nito. Habang ang laki, hugis, kulay, kinang at degree
of imperfection ay sinusuri naman para malaman ang value nito. Para naman sa
mga finished product, mahalaga ang consistency o matching tulad ng sa kwintas
na kailangan ay may uniformity.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento