Ipinapakita ang mga post na may etiketa na feature. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na feature. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Marso 4, 2019

Para sa dagdag na kita, galingan ang ‘cross-selling’ at ‘upselling’


Ni Lorenz Tecson


Halos sa bawat kalye ngayon sa Pilipinas ay mayroong sari-sari at grocery stores. Parami na rin nang parami ang mga negosyong itinatayo kahit saang sulok ng bayan o lalawigan. Isang indikasyon na ito na kailangang itaas ang antas ng paraan ng pagbebenta dahil mas matindi na ang kumpetisyon.  Kaya naman mainam na palakasin ang paraan ng pagbebenta sa pamamagitan ng “cross-selling” at “upselling.”

Kung nakakain ka na  sa ilang nangungunang food chains ay madalas ay maririnig mo sa service crew ang kanilang pagtatanong at pagmumungkahi na dagdagan moa ng iyong order.  Dahil madalas ay parang masarap o bagay sa inorder mo ang ibang inaalok nitong produkto ay mapapabili ka na rin. Ang  tawag sa ganitong uri ng pag-aalok ay cross-selling at ginagawa na ito ngayon sa halos anong klaseng retail business. 

Para magawa ang cross-selling ay dapat gawin ito nang tama at may istratehiya. Paano?

Maging magaling sa pagterno ng mga produkto. Isang klase ng cross-selling ay ang pagdi-display ng produkto nang magkakasama at bagay sa isa’t isa. Ang halimbawa nito ay ang pagte-terno ng damit at burloloy na isinusuot sa mannequin. Kung magaling sa pagdi-display o pag-iistilo ay maaakit ang customers na bilhin ang bawat produktong suot ng mannequin.

Maging mahusay sa pagpapaliwanag sa produkto.  May mga customer na may gusto lamang bilhin pero hindi ganoon kaalam sa produkto o iba pang magandang kasama nito. Kaya naman ang salesman ay dapat hindi lang marunong mag-alok kundi magaling din na maipaliwanag  at gumabay sa customer para bumili pa ito ng ibang produkto.  Halimbawa nito ay ang pagbibigay suhestiyon ng salesman ng pagkuha rin memory card, screen protector, casing,  o monopod kung bibili ng smartphone.

Mag-alok ng diskwento kung isang package o grupo ng produkto ang bibilhin.   Matagal na rin paraan para lumaki ang kita ay ang bultuhang  pagbebenta.  Kinakagat ito ng customers dahil  tiyak na sila ay makakamura sa wholesale kaysa  patingi-tinging pagbili.

Maaari mong ipakete ang magkakaibang produkto na mabibili ng may diskwento kung bibilhin ng magkakasama.  

May dalawang bentahe sa ganitong istratehiya. Una ay magkakaroon ng kamalayan ang customer sa iba pang produktong mabibili na swak sa  mismong produktong gusto niya. Pangalawa ay mahihirapan siyang tumanggi lalo na kung malaki ang diskuwento na makukuha niya. Isang halimbawa nito ay grocery package na may items gaya ng pasta, tomato sauce, cheese, at corned beef. Mapapadali ang kanyang pagbili dahil lahat ng sangkap sa pagluluto ng spaghetti ay narito na, may basket pa siya.

Itodo ang benta sa upselling

Balik  tayo sa  pag-aalok ng  mga service crew sa food chains.  Hindi ba nagsusuhestiyon din sila na “upsize,” o palakihin pa ang sukat ng pagkain. Kadalasan litanya nila ito sa mga produktong French fries, hamburger, sundae ice cream, at soft drinks.  

Dahil mas mabubusog ka nga naman at mas malinamnam ang soda na may sundae na kahalo kaya pihadong mapapa-order ka na rin. Kung ginawa ni service crew iyon sa iyo, ang tawag  doon ay upselling.  Upselling kasi pareho ang produkto pero mas malaking sukat o mainam na bersyon.  Siyempre kapag itinaas ang bilang o kalidad ay mabibili rin ito sa mataas  na halaga kaya mas tataas ang kita ng kumpanya.

Martes, Pebrero 12, 2019

Makarami ng benta? Simulan paramihin ang koneksyon



Isang katotohanan na kapag nagnenegosyo ay kailangan na magkaroon ng benta.  Magiging madali  ito  kung unang-una ay kumportable kang makihalubilo sa iba’t ibang klase ng tao. Kung paano mo sisimulan ang kuwentuhan, gayon din kung paano mo makukuha na maging bukas silang makipagkomunikasyon sa iyo.  

Matutong bumati nang kusa at may giliw. Sa panahon ngayon ay bibihira na ang ngingitian ka o babatiin ka.  May ibang tao ang takot na baka kapag nginitian ka o nginitian mo ay pag-isipan pa nang masama. Subalit sa karaniwan na interakasyon ay kung ano ang iyong aksyon ay iyon lang din ang makukuha mong reaksyon at impresyon sa iba. 

Halimbawa ay ano ang iisipin mo sa  makikita mong  taong tahimik na nasa gilid lamang ng kuwarto, seryoso ang mukha, at nakahalukipkip ang mga braso? Hindi ba’t baka mahiyain, abala, o ayaw niyang makipag-usap?  Iyan ay kahit na baka ang totoo ay naghihintay lamang ito ng may makakausap.  Kaya kung matututuhan na maging palabati, palangiti,  makipagkamay, at pagkakaroon ng magiliw na dating ay dadali para sa iyo na makipagkilala.

Maging maingat at piliin ang paksang pag-uusapan.  Para sa dalawang taong matagal nang magkakilala  ay  mayroong  mga paksang sensitibong pag-usapan at iba naman para sa dalawang taong bago pa lang magkakilala. Kailangan matantiya kung ano ang kanilang parehong interes o paksang ayos na pag-usapan.

Ang isang hakbang para magawa ito ay mangamusta at magtanong ng simple pero interesante.  Ang intensyon ay maintindihan at magkaroon kayo ng interaksyon sa isa’t isa.  Makinig nang maigi at hayaan siyang dahan-dahan na magbukas ng kanyang saloobin. Sa pamamagitan nito  ay malalaman mo kung ano pa ang maaaring itanong, paano makukuha ang kanyang atensyon, at kung sakali ay saan kayo nagkakatugma. 

Balang araw kung gusto mo na itong alukin ng produkto o serbisyo ay malalaman mo na kung ano ang iyong gagawin. Tandaan na sa pagbebenta ngayon, ang pag-aalok ay hindi kung ano ang serbisyo o produkto. Sa halip ay kung ano ang solusyon na maibibigay mo sa isang tao sa pamamagitan ng iyong negosyo.  

Patatagin ang iyong koneksyon, ang iyong merkado. Sa mas malalim na aspeto ng koneksyon, hindi lang dapat titigil sa pagkilatis ng interes. Kung iuugnay na ito sa iyong negosyo ay dapat maipaunawa mo rin sa bagong kakilala  na ikaw ay mapagkakatiwalaan at maibibigay mo ang hinahanap niya.

Kung sakali man na humingi ito ng tulong na walang kinalaman sa iyong negosyo ay huwag kang mag-atubiling tumulong sa abot ng iyong makakaya.   Ang iyong magagawa, malaki man o maliit, ay magiging pundasyon para sa mas malawig ninyong  ugnayan.  Indikasyon din nito na ikaw ay malalapitan at hindi lang basta-bastang kakilala.  Ang balik nito ay maaaring tulong din sa ibang paraan  o sa hindi mo inaasahang pagkakataon. Halimbawa ay pagrerekomenda sa  iyo sa kanilang kakilala.

Tandaan din na ang malawak na koneksyon ay nangangahulugan din ng malawak na personal mong merkado.  Kung hindi mo  man mabentahan ang ilan sa kanila ay sa susunod na mga araw ay magkakaroon sila ng papel sa pag-usad ng iyong negosyo. 

Martes, Pebrero 5, 2019

English version ng ‘The Frolic of the Beasts’ ni Yukio Mishima inilabas muli


Ni Jovelyn Javier




Inilathala kamakailan ng Vintage International ang maikling nobela na pinamagatang “The Frolic of the Beasts” ni Yukio Mishima, isa sa mga tinaguriang ‘greatest avant-garde Japanese writers of the 20th century’ at ito ang kauna-unahang pagkakataon na mababasa ang naturang nobela sa English mula nang orihinal na  inilathala ito noong 1961.

Sa kumbinasyon ng thriller, historical at psychological fiction, umani ng magagandang reviews ang nobela sa nakakabighaning kwento nito ng isang love triangle sa pagitan ng isang literary critic at isang babaero na si Ippei Kusakado, si Kōji na estudyante ni Ippei, at ang misteryosong si Yuko, ang asawa ni Ippei.

Isang istorya ng pag-ibig pagkaraan ng giyera

Isang parody ang nobela ng 14th century Japanese Noh play na pinamagatang “Motomozuka” na tungkol din sa isang love triangle kung saan dalawang lalaki ang magmamahal sa babaeng si Unai.

Hindi matapos-tapos ang pagtatagisan ng dalawang ginoo para makuha ang kamay ni Unai dahil sa palaging patas ang kinalalabasan. Sa gitna nito ay naiipit si Unai sa isang mahirap na sitwasyon na kalauna’y nagtulak sa kanya para magpatiwakal. At dulot ng matinding kalungkutan sa pagkawala ng babaeng kanilang minamahal, sinundan ng dalawang lalaki ang kapalaran ni Unai.

Ngunit sa kwento ni Mishima, inilarawan itong ‘updated and modernized’ kumpara sa naging source material nito, subalit nananatili pa rin itong konektado sa orihinal na kwento ayon sa tema. Samantala, ang pagkakasalaysay naman nito ay pabaliktad.

Nakikitaan ang kwento nito ng mga paksa ukol sa kapalaran, malayang kalooban, at materyalidad habang nagpapakita rin ito ng magagandang eksena sa kung paanong ang mga maliliit na bagay ay nakakaapekto sa buhay ng mga tao.

Isang batikang manunulat

Lumaki sa isang samurai family si Mishima, na ang tunay na pangalan ay Kimitake Hiraoka, kaya’t maaga siyang namulat sa mahahalagang alituntunin gaya ng katapatan sa Emperador. Nagtapos sa School of Jurisprudence ng Tokyo Imperial University (University of Tokyo) noong 1947, inilathala niya ang kanyang unang akda na “The Forest in Full Bloom” (1944) ngunit nakilala siya dahil sa “Confessions of a Mask” (1949).

Maliban sa 33 plays na isinulat niya, nagawa niya ang short story collections na “Death in Midsummer” (1953) at “Acts of Worship” (1965); mga nobelang “Thirst for Love” (1950), “The Temple of the Golden Pavilion” (1956), “Forbidden Colors” (1951), “After the Banquet” (1960), “The Sound of Waves” (1954), at “The Sailor Who Fell From Grace with the Sea” (1963).

Kinikilala si Mishima sa kanyang obra maestro na “Sea of Fertility” tetralogy na binubuo ng mga nobelang “Spring Snow” (1969), “Runaway Horses” (1969), “The Temple of Dawn” (1970), at “The Decay of the Angel” (1971).

Kilala rin si Mishima bilang actor, model at director at marami na sa kanyang mga obra ang isinalin sa pelikula.

At bilang makabayan, itinatag niya ang “Tatenokai” at sinubukang magsagawa ng kudeta na tinatawag na “Mishima Incident” para ibalik ang kapangyarihan ng Emperador ngunit nabigo siya.

Pumanaw si Mishima sa pamamagitan ng “seppuku” (ceremonial suicide)  noong 1970 sa edad na 45-taong-gulang.

Martes, Enero 8, 2019

Tanghalang Pilipino stages ‘Manila Notes’: Hirata Oriza’s cosmos of our lives


Ni  Jovelyn Javier


“I believe this play can be relatable in any city, because when the country develops and middle-income people are increasing, they always have the same kind of problem - like women have to work or a mother or with family, who’s gonna take care of the aging parents; so all these kind of problems that we showed are relatable to whatever kind of city we do the play.”

Ito ang ibinahagi ni internationally acclaimed Japanese playwright-director at Seinendan Theater Company founder Hirata Oriza sa isang talk session pagkatapos ng isang pagtatanghal ng “Manila Notes” – ang Filipino adaptation ng kanyang award winning play na “Tokyo Notes.”

A fitting finale presentation by an ensemble cast

Itinanghal ang Manila Notes, na mula sa pagsasalin ni Palanca Hall of Famer Rody Vera, bilang 32nd season production ng Tanghalang Pilipino (TP) na kolaborasyon nito sa Cultural Center of the Philippines (CCP) at Japan Foundation, Manila.

Tampok sa naturang dula sina dating TP artistic director Dennis Marasigan, PETA actress Meann Espinosa, TP Actors Company alumna Mayen Estanero, Jonathan Tadioan, Marco Viaña, Lhorvie Nuevo,  Antonette Go, Joshua Tayco, at Manok Nellas (TP Actors Company), at mga university theater arts alumna na sina Micah Musa (University of the Philippines Los Baños), Manuel Tinio (De La Salle University), at Manjean Faldas (College of St. Benilde) na personal na pinili ni Hirata.

Fragmentary conversations in an art museum

“I would like to focus on the middle class, their feelings of loneliness and dissatisfaction. In making this play for East Asia, there’s the common theme about family. In the past, the eldest son took care of the parents – everyone else knew their place. Nowadays, the familial relationship has become more complicated – some people would carry burdens, some with guilt, so there’s this conflict within the family.”

Ginaganap ang kwento ng Manila Notes sa isang art museum sa Maynila kung saan makikita ang mga painting ng Dutch painter na si Johannes Vermeer, pagkatapos ilipat ang mga ito mula sa Europa dahil sa isang giyera sa rehiyon. Nakatakda ang dula sa taong 2034 kung saan isa nang developed country ang Pilipinas at mas may kaya na ang middle class.

Sa museo ay makikitang nagtipun-tipon ang mga miyembro ng pamilya Tenorio, mga magkaibigan at magkakilala na matagal hindi nagkita, at mga magkasintahan na nag-uusap tungkol sa samu’t saring paksa.

Nariyan ang mga itinatagong ‘di pagkakasunduan ng mga magkakapatid, sama ng loob ng isang maybahay, pamana, karera, pagpapakasal, pag-ibig, hinaharap, sa pamilya at sa pangangalaga sa tumatandang magulang.

Mula sa backdrop ng malayong giyera, mabubunyag sa mga pag-uusap ang klase ng pamumuhay ng mga Pinoy, mga problemang kinakaharap nila at kanilang mga saloobin sa isang modernong lipunan.

A Yasujirô Ozu-inspired work, the contemporary colloquial theater 

“My idea was if his creation is “Tokyo Story” (1953) then why not make something a step before the story, which is “notes” so it’s Tokyo Notes. I stayed true to the structure of the story and depicted the struggles or sadness that the ordinary Japanese go through on a daily basis.”

Itinuturing ang Tokyo Story ni Yasujirô Ozu na isa sa “greatest films of all time” na tungkol sa isang ageing couple, sina Shukishi at Tomi at kanilang malayong paglalakbay para dalawin ang kanilang dalawang malalaking anak sa Tokyo ilang taon pagkatapos ng giyera.

Dagdag pa ni Hirata, tila mala-dayuhang bagay ang giyera sa isip ng batang henerasyon, layon ng dula na maiparating sa mga manonood ang mga implikasyon ng isang giyera bagaman hindi man direktang apektado.

“In the world of colonization, within that is a person or people who are colonizing a group of people – that kind of relationship of colonizer and colonized also exists in our daily lives.”

Taong 1994 naman ng inilunsad ang Tokyo Notes, na isang “contemporary colloquial theater” na malayo sa istilo ng Japanese theater at walang malaking pangyayari o hidden plots, sa halip ipinapakita ang ordinaryo at pang-araw-araw na usapan na gaya sa totoong buhay.

Isinalin na sa 13 wika ang dula at nagkaroon ng adaptations sa Europe, U.S., Canada, France, at sa Asia – Seoul Notes (2004), Taipei Notes (2017) at Bangkok Notes (2017).

Nakatakda naman gawin ang international version nito sa susunod na taon at itatampok ang mga aktor mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya.



‘Awakenings’ exhibition: An artistic expanse of changes in Asian societies




Nagbukas nitong Oktubre ang “Awakenings: Art in Society in Asia 1960s-1990s” exhibition sa National Museum of Modern Art in Tokyo (MOMAT) at nagtapos noong Disyembre 24, 2018 bago ito tumulak sa South Korea  at Singapore sa susunod na taon.

Bukas naman ang MOMAT mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-singko ng hapon at may admission ticket na ¥1,200 (adults), ¥800 (university students) at libre sa mga high school students, at persons-with-disability at kanilang kasama.

Makikita ang exhibition sa Art Museum Special Exhibition Gallery ng MOMAT na matatagpuan sa 3-1 Kitanomaru-koen, Chiyoda-ku.

An exploration of different responses to shared problems

Nahahati ito sa tatlong tema: Questioning “Art”: Development of New Ways of Artistic Expression, Artists and “City”: Places Where New Arts Developed, at In Pursuit of New “Solidarities”: The Formation of Artist Collectives.

Sa una, bunsod ng paglaki ng campus activism sa mundo, sinimulan nito ang kritisismo sa modernisasyon at pagkwestiyon sa konsepto ng “art.”  At sa halip na umayon sa kilala nang pamamaraan noon gaya ng paintings at iskultura, nabuo ang mga bagong klase ng artistic expression gamit ang mga pang-araw-araw na materyales at katawang-tao.

Sentro naman ang imahe ng mga siyudad bilang “nurturing environment for artistic experiements” noong 1960s at pagkatapos ng dekada sa ikalawang tema, kung saan binago ng mabilis na modernisasyon ang pamumuhay ng mga tao. Ngunit nagkaroon naman ng mga problema sa kahirapan, consumer society, at ethnic conflicts.

Tampok naman sa ikatlong tema ang paglitaw ng mga artist groups na may adbokasiya ng pagkakaisa at mga grupong may cross-genre activities, gayon din ang “communicative power of art.” At sa paglalayong maibahagi ang realidad sa maraming tao, nadiskubre ang bagong pamamaraan ng ekspresyon ng sining nang magsimulang gumamit ng mga billboards, banners, murals, at videos.

The transitional period of modern art to contemporary art

Kulminasyon ito ng limang-taong proyekto ng MOMAT, National Gallery Singapore, National Museum of Modern and Contemporary Art Korea (MMCA), at Japan Foundation Asia Center.

Tinipon dito ang 140 obra (paintings, sculptures, prints, photographs, performances, videos, installations) ng mahigit sa 90 artists/groups na mula sa iba’t ibang panig ng Asya kabilang ang Japan, Hong Kong, South Korea, Taiwan, Malaysia, Indonesia, Thailand, India, China, Singapore, at Pilipinas.

Sa loob ng 30 dekada, marami ang naging mga kaganapan sa rehiyon dahil sa pagkakaroon ng kalayaan mula sa kolonisasyon, modernisasyon, at mga ideolohikal na kumprontasyon sa panahon ng Cold War, Vietnam War, pagbagsak ng mga rehimen, at pag-usbong ng pro-democracy movements gaya ng People Power Movement sa Pilipinas noong 1986.

Ilang halimbawa ng mga obrang tampok ang “Fullness of Time” ni Filipino artist Renato Habulan, mga posters/paintings ng United Artists’ Front ng Thailand, experimental short film na “Eyes” ni Rajendra Gour ng Singapore, at “The White Hare of Inaba” (1970/2012), isang video pieces digest ng performance group Zero Jigen ng Japan.


Huwebes, Hulyo 5, 2018

CoMix Wave – Haoliners bring memories of the past and present spun together in new anime anthology film ‘Shikioriori’


Ni Jovelyn Javier


Inanunsyo nitong Pebrero ang collaboration project na pinamagatang “Shikioriori” (Poem of Seasons Woven Together) ng Chinese anime studio na Haoliners (To Be Hero/The Silver Guardian) at CoMix Wave Films, ang studio sa likod ng mga animation masterpieces na “Koto no ha no Niwa” (The Garden of Words, 2013), “Kimi no Na Wa” (Your Name, 2016),  at “Byousoku 5 Centimeter” (5 Centimeters per Second, 2007),  ng tinaguriang bagong animation maestro na si Makoto Shinkai.

Naglunsad na rin kamakailan ang produksyon ng full trailer at nakatakdang magkaroon ng limited three-week theatrical release ang anime anthology film ngayong summer dito sa Japan sa Agosto 4 sa Theater Shinjuku, Cine Libre Ikebukuro, at iba pang sinehan na iaanunsyo pa lang sa website nito.

Maririnig naman ang kantang “Walk” ni Vickeblanka bilang theme song sa nasabing trailer.

Combination of Japanese and Chinese talents, the Shinkai influence

Kitang-kita naman ang impluwensiya ni Shinkai sa napakagandang animation style ng tanawin, mga karakter at ang atmosperang naging marka na ng mga anime films na Shinkai na makikita sa trailer.

Nahahati sa tatlong short films ang anime anthology – ang “Shanghai Koi” (Shanghai Love), “Hidamari no Choshoku” (Sunny Breakfast), at “Chiisana Fashion Show” (A Small Fashion Show) kung saan ang mga kwento ay nakatakda sa tatlong magkakaibang siyudad sa China – ang Beijing, Guangzhou, at Shanghai.

Nagsisilbi naman bilang general director ng produksyon si Li Haolin (Haoliners president, Spiritpact), na isang malaking tagahanga ni Makoto Shinkai, simula nang mapanood niya ang 5 Centimeters per Second. Si Haolin din ang direktor sa likod ng Shanghai Koi.

Dagdag pa ng Chinese director, naisakatuparan lamang ang proyekto dahil masugid siyang nakipag-usap at nagpapadala ng mga magagandang konsepto sa CoMix Wave.

Of precious memories, homage to 5 Centimeters per Second  

“The staff created warm stories with poetic pictures depicting a vibrant landscape in order to impress the viewers. The three anime movies will say stories that people across times and borders can sympathize with.” – Manga Tokyo

Dagdag pa ni Li, ang kwento ng Shanghai Koi ay isang special homage para sa paborito nitong Shinkai film na 5 Centimeters per Second, na tungkol sa “living spaces” o “shelter” na nakasentro sa dalawang magkakabata – sina Rimo at Shaoyu sa 1990s Shanghai, ngunit isang pangyayari ang magtutulak para maglayo ang landas ng dalawa; hanggang sa madiskubre ni Rimo ang ilang mga bagay  na nagpaalala sa kanya sa kanyang kabataan na kasama si Shaoyu.

Tungkol naman sa “food” ang kwento ng Hidamari no Choshoku na umiikot kay Xiaomin, isang young adult na nagtatrabaho sa Beijing ngunit naaalala pa rin ang mga panahong kasama niya ang kanyang lola at ang home-cooking nito habang lumalaki sa Hunan Province.

Tema naman ng Chiisana Fashion Show ang “clothing” na isinasakwento ang buhay ng dalawang magkapatid na babae – sina Irin, ang nakakatandang kapatid at isang sikat na fashion model at Lulu, isang vocational school student.

Tampok naman ang mga boses nina Takeo Otsuka (Rimo), Takayuki Nakatsukasa, at Ikumi Hasegawa (Shaoyu) sa Shanghai Koi; Taito Ban (Xiaomin) at Mariya Ise (young Xiaomin) sa Hidamari no Chōshoku; at Hiroki Yasumoto (Steve, Irin’s manager), Minako Kotobuki (Irin, the older sister), at Haruka Shiraishi (Lulu, the younger sister).

Career tips & tricks: Kamtin ang pinakamahusay na bersyon mo sa pamamagitan ng personal routine



Negosyante man o hindi, napakahalaga nang tamang paggamit ng oras ay. Ito sa lahat ng kayamanan ang lumilipas at hindi na maibabalik pa.  Kaya naman ang isang inirerekomendang paraan para masulit ang iyong kakayahan at oras ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng personal routine.

Ang routine ay kalakaran o hilera ng mga gawain na kadalasang sinusunod sa araw-araw. Kung isa kang regular na empleyado,  ang routine mo ay iikot sa  paggising sa umaga, pagbiyahe papuntang opisina, pagtatrabaho sa oras na itinakda ng kumpanya, pagbiyahe pauwi,  pagkain, at pagtulog.  Ang ganitong kalakaran ay maaaring nakakapagod at nakakabagot pero kung susumahin ito ay nagbibigay ng disiplina, nag-oorganisa ng iyong schedule at nagpapadali rin ito ng pagsusunud-sunod o pagpaprayoridad ng iyong mga gawain.

Kaya nga kahit sa mga negosyante, freelancers, at para sa personal na buhay ay mainam ang pagkakaroon ng personal routine.

Pagkakaroons ng personal routine

 Kung tutuusin ang bawat tao ay may iba’t ibang sistema.  May iba na mas produktibo sa umaga, hapon, o sa gabi.  Kaya kung kaya mong ikaw ang gumawa ng iyong routine ay mainam na ilagay mo ang iyong pagtatrabaho sa oras na ganado ka. Dito ay mas makakagawa ka ng maraming bagay kahit pa iyong mabibigat at madalas mong kinatatamaran gawin.

 Sa ibang banda, pwede rin ibase ang iyong personal routine sa ninanais mo gaya ng pag-iwas sa stress kapag nagtatrabaho.  Pwedeng sa halip na magbasa ng email at balita sa umaga ay ilagay mo sa bandang hapon ang mga ito.  Kung gusto mo namang  palaging makasagap ng mga ideya ay maaaring bahagi ng routine mo ang magbasa ng may isang oras sa umaga, maglakad-lakad ng 15 minuto sa hapon o magkaroon ng brainstorming session sa iyong ka-grupo kada isang linggo. 

Anu-ano pa ang positibong epekto ng personal routine?

Para sa kalusugan.  Isa sa positibong epekto ng personal routine ay may kinalaman sa kalusugan. Mas naaayos ng taong may routine ang oras ng kanyang pagkain, ehersisyo, at pagkamit ng kumpleto at magandang tulog.  Mahirap ang mga ito para sa isang taong walang sinusunod na routine. Dahil hindi niya naisasaayos ang kanyang oras at limitasyon kaya nauuwi ito sa pagiging malilimutin, walang nagagawa, palaging tinatamad, at stressed.

Hirap din itong makatulog dahil sa panahon na dapat tulog siya ay gising na gising ang kanyang diwa. Kapag inaantok naman siya ay pinipilit niyang magising at kadalasan sinasabayan ng sobrang pag-inom ng kape. Iba ang senaryo kapag nasanay na ang katawan at isipan sa takdang oras ng pagtulog at pagkain.

Para mas maging produktibo. Ang isa pang bentahe ng personal routine ay ang mapaglaanan din ng oras ang iba-ibang bagay sa iyong buhay. 

Ang problema din kasi sa kawalan ng klarong routine ay pagkunsumo ng sobrang oras sa mga bagay na halos walang saysay araw-araw.   Halimbawa ay bahagi ng iyong dating routine ay manood ng TV na gagawin mo pagkauwi mula sa trabaho hanggang sa antukin ka na.  Bunsod niyan ay ibinuhos mo na ang natitirang oras at enerhiya sa pag-upo lang sa harap ng TV.  Maaaring gawin itong isang oras na lamang at isabay sa pagkain, at ilaan ang ibang oras sa ibang bagay gaya ng paglilinis, pagliligpit ng iyong gamit at pagdarasal.

Sa umpisa ay nakakatamad ito pero dahil susundin mo ang ganitong kalakaran ay unti-unti nitong  mababali ang iyong dating mga nakasanayan. Tandaan din na hindi mag-iiba ang resulta kundi muna mag-iiba ang aksyon sa iyong ginagawa. 

Para sa magandang pagbabago. Dahil kung tutuusin ay walang pangarap na nakukuha nang mabilisan, kailangan itong trabahuin ng may determinasyon.  Kaya kung gusto mong makamit ang iyong mga nilalayon ay ngayon pa lang ay simulan na itong isama sa ayos ng iyong routine.

Halimbawa na gusto mong magnegosyo ng pagkain sa hinaharap pero sa kasalukuyan ay namamasukan ka bilang empleyado, maaaring araw-araw ay may isa o hanggang dalawang oras kang magbasa tungkol sa pagluluto at pagnenegosyo.   Isingit mo rin sa iyong linggo-linggong araw ng pahinga ang pagbisita sa mga kainan, paglikha ng recipe, at pagpapatikim ng iyong mga luto sa iyong kakilala.

Ang  isang ideya rin  kasi sa personal routine ay ipursige ka na gumawa ng hakbang kahit maliit lang para sa iyong layon.  

Bakit hindi mo dapat itinatabi ang iyong pera?


Ni MJ Gonzales



Nag-trending sa Youtube ang video na “Kapuso Mo Jessica  Soho: Inanay na pera, mapapalitan pa ba?” Dalawa sa itinampok na paksa rito ay nasira ang mga perang papel na itinabi nila sa kanilang cabinet kung saan ang isa ay gumamit ng leather wallet habang isa naman ay kawayang alkansya.  

Ang nasabing segment episode ay hindi nagsasabing huwag mag-impok ng pera.  Tama ang disiplina at hangarin na maging masinop sa pera subalit ipinaaalala nito kung paano maging wais sa pag-iipon. Katunayan, ang pagkasira ng mga  perang papel dahil sa anay at bukbok ay ilan lamang sa pisikal na pwedeng mangyari sa iyong pera.  Maaari rin itong mawaglit sa isipan, manakaw ng iba at mawalan ng halaga.

Ano ang pakinabang ng perang ibinabangko?

Matrabaho ang pagdedeposito at pagwi-withdraw ng pera lalo na’t may regulasyon ang mga kumpanya ng bangko.  Ang kapalit naman nito ay magagandang bentahe, isa na rito ang insurance sa iyong deposito. Sa Pilipinas, ang bahala rito ay ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na kung saan sinisuguro ang deposito basta hanggang Php 500, 000.

Dagdag pa sa bentahe ng pagbabangko ay mas mabilis na pakikipagtransaksyon sa negosyo, trabaho at  pagkakaroon ng mas malawak na kaalaman sa pananalapi.  Hindi nga ba’t kapag nagbabangko ay nakilala mo ang mga terminong deposit, withdrawal, time deposit, credit card, house/car loan, autodebit, internet banking, at marami pang iba. Bukod sa kaalaman ay mas makatutulong ang pagbabangko sa iyong disiplina sa pag-iipon.   

Mga epekto ng pagtatago ng pera

Ang pag-iipon ay hindi lang tungkol sa pagtatabi ng pera. Ito ay tungkol din sa layunin sa buhay  o iyong  tinatawag na financial goals at  disiplina.  Ilan sa mga halimbawa na kadalasan na pinag-iipunan ay edukasyon, retirement, pagpapakasal, at iba pa.   Kaya masasabing may silbi pa rin naman ang pag-aalkansya at wallet, partikular na sa maliliit at short-term goals. Pero bakit nga hindi dapat itinatabi ang pera nang matagal o para sa mga long-term goals?

Dagdag gastos para sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) o gobyerno. Sa panig ng BSP ay nagkakaroon sila ng dagdag na gastos dahil sa “warehousing” o pagtatago ng pera lalo na ang mga barya.   Kapag kasi may “artificial shortage” o kakulangan ng umiikot na pera sa merkado ay kailangan gumawa ng pera gaya ng mga barya. Alam mo bang mas malaki pa sa halaga sa piso (Php 1) ang gastos sa paggawa  ng kada piraso nito (Php 1.55).  

Noong 2014 ay ipinasa sa kongreso ang House Bill 4411, akda ni Batangas Rep. Sonny Collantes, na may kinalaman sa “anti-hoarding of coins.”  Ang mapapatunayan na magkakasala rito ay maaaring makulong nang may walong taon at pagmumultahin ng Php 300,000.  Ito ay laban na rin sa mga taong iniimbak ang mga baryang pera para ikalakal.  Lalo na ang mga naunang inilabas noon, gawa sa copper at nickel ang mga barya na pwedeng tunawin para magamit na materyales sa ibang bagay.

Pahirap sa pamimili at pagbebenta.   Hindi lahat ng binibili sa mall ay sakto o sarado ang presyo. May ilan dito ay may butal gaya halimbwa Php 499.75 o kaya Php 499.95. Kung walang maibibigay na barya o maipapanukling pera ay mapipilitang mabili ito sa presyong Php500.

Mas bumababa ang tunay na halaga ng pera.  Ang isa pang masasabing “anay” sa itinatabing pera ay ang pagpapababa ng halaga nito ng hindi namamalayan. Ito ay dahil na rin sa pagtaas ng mga bilihin na humihila pababa ang halaga ng pera o tinatawag na “inflation.” 

Halimbawa na nakakapagtabi ka ng Php 10, 000 kada buwan at ginawa mo ito sa buong taon mula pa noong Mayo 2017.  Kung susumahin ay aabot sa Php 120,000 nitong Mayo 2018. Pero dahil sa inflation rate na ayon sa huling tala ng BSP at Philippine Statistics Authority ay pumalo na sa 4.6 porsyento nitong Mayo 2018 ang aktuwal na halaga nito ay Php 114,480. 

Ito ang dahilan kung bakit hinihikayat ng mga financial experts na subukan ang pamumuhunan para hindi matulog ang pera at sa halip ay mapalago pa ito at malabanan ang inflation rate.  Sa bangko ay naglalaro lamang sa .63 porsyento hanggang 1.85 porsyento ang interest rate sa iyong perang ipinapatabi. Wala pa rito ang ibabawas na buwis.

Negosyo 101: Pagpaparami ng customers


Ni Lorenz Tecson


May panahon matumal ang bentahan sa tindahan lalo na kung may pinipiling panahon ang iyong produkto o serbisyo.  Kung inaasahan mo na mababa ang iyong benta dahil sa tag-ulan o tag-araw na ay isasara mo ba muna ang iyong tindahan? Hindi naman ito kailangan kung mayroon kang mga taktika partikular na kung pinapalawak mo ang iyong merkado.

Ang pagpapalawak ng merkado ay may dalawang bagay – pagpapalaki ng bilang ng iyong mga customers at pagpapalawak mismo ng inaalok ng iyong negosyo.  Ang pagtutuunan ng artikulong ito ay ang pagpaparami ng customers bagaman may mga  bahagi rito na maaaring salik din sa pagpapalawak  ng negosyo.  

Mag-alok ng iba para makaakit ng iba. Kung ang iyong produkto ay mga school supplies, ang inaasahan mong customers ay mga estudyante. Para makaakit ng iba pa, ang isang hakbang na mainam na gawin ay magdagdag ng iba pang klase ng paninda. Hanggang maaari ay hindi iyong mga tipo na nalalayo sa mga tinatangkilik ng iyong regular na parokyano. Para sa iyong school supplies store ay puwede kang magdagdag ng photocopy, giftwrapping, o computer rental services.

Ganito rin naman ang ginagawang taktika ng mga seasonal businesses gaya ng mga resorts. Lalo na pagkatapos ng tag-init na maituturing nilang peak season ay asahan ang iba pa nilang kampanya. May nag-aalok ng gawing venue ang kanilang resort sa halos anumang klaseng okasyon.

Magkaroon ng iba pang klaseng negosyo 

Hindi nakakapagtaka na yumaman ang mga kagaya nina Henry Sy, Tony Tan Caktiong, John Gokongwei, at Jaime Zobel de Ayala.  Iyan ay dahil sa sari-sari na linya ng kanilang mga negosyo.  

Si Henry Sy, ayon sa tala ng Forbes Magazine, ay “Richest Man in the Philippines” simula pa taong 2005. Siya rin ang “Richest Man in Southeast Asia” at ngayong 2018 ay tumuntong na sa top 52 sa hilera ng mga bilyonaryo sa buong mundo.  

Tinataya na may $20 bilyon ang kanyang netong yaman kung pagsasamahin ang magkakaibang  korporasyon sa  ilalim ng kanyang  SM Investments Corporation. Bukod sa malls, mayroon din silang ibang retail business, bangko (Banco de Oro at China Bank), at real estate (commercial at residential). Ngayong taon ay pinasok na rin nila ang cement business.  

Ang ideya sa bahaging ito ay simple at ito ay magkaroon ng magkakaibang negosyo  para iba-iba rin ang mapukaw mong customers.  Isang halimbawa rito ay kung may water refiling station ka ay pwede ka rin mag-laundry shop, mag-food cart business, at iba pa.  Ang tawag sa mga negosyanteng may ganitong istratehiya ay serial entrepreneur.

Magbukas ng negosyo sa magkakaibang lokasyon

Napakahalaga ng lokasyon sa isang negosyo na may pisikal na opisina.  Kaya kung sa tingin mo ay sa ibang lugar din na tatangkilik sa iyong negosyo ay pwede kang magtayo doon at sa iba pang lugar na matao. Ito rin ang simpleng ideya sa pagkakaroon ng branch at franchise ng iisang negosyo sa magkakaibang lugar.

 Gumamit ng mga daan at paraan

Kung pipiliing gamitin ang tektnolohiya ay mas maaari rin na maparami ang customers.  Bagay ito sa mga kabuhayan na nagsimula bilang tradisyonal na maaari rin gawan ng online store.  

Kung sa tradisyonal na tindahan ay para na sa iyong mga regular at malalapit na customers, ang iyong online store  ay maaaring para doon sa malalayo at hindi pa nakakakilala sa iyo. Magagawa ito kung sasamahan ng pagkakaroon ng online payment options, delivery services, at sistema para mapabilis ang pag-o-order.