Martes, Pebrero 28, 2017

The Moffatts Farewell Tour: A happy reunion of sorts

Ni Len Armea

 
Sina Scott, Bob, at Clint Moffatt sa kanilang
Farewell Tour concert na ginanap kamakailan
sa The Big Dome. (Kuha ni Jovy Bajo)



Isang masayang reunion ng 90’s Canadian pop rock band na The Moffatts at kanilang libu-libong fans ang naganap sa The Farewell Tour concert kamakailan sa SMART Araneta Coliseum. Pagpasok na pagpasok pa lamang nina Scott (vocals, guitars), Clint (vocals, bass guitar), at Bob Moffatt (drums) ay hindi na magkamayaw sa pagtili ang mga fans na noo’y mga teenager pa lamang kagaya ng tatlo.

Kaya naman ng nag-umpisa nang tumugtog ang tatlo ay dumagundong ang The Big Dome nang kantahin nila ang dalawa sa kanilang mga kanta na “Crazy” at “I’ll Be There For You” na mula sa kanilang album na “Chapter 1: A New Beginning.”

“Hello, Manila! It feels great to be back!” Bungad ni Clint pagkatapos ng dalawang kanta.

“Who here loves Clint? How about Bob? Who do you love, guys?” Biro naman ng panganay sa grupo na si Scott bilang intro sa susunod nilang kanta na “Who Do You Love” na mula naman sa kanilang “Submodalities” album, na huli nilang ginawa bago mag-disband noong 2001.

Nagkaroon naman ng solo spot si Scott nang kantahin niya ang kanyang mga bagong awitin na kinabibilangan ng “Distract Me,” “Tell Me,” “I Won’t Call,” at “Whenever Not Ever” na nagpapakita ng kakaiba at mas distinct na tunog kumpara sa kanyang lumang awitin.

Bumalik muli ang tatlo para kantahin ang “Bang Bang Boom,” “Call the Doctor,” “Just Another Phase,” at “Girl of My Dreams” na kahit na hindi nakasama ang kanilang nakababatang kapatid na si Dave na siyang keyboardist ay todo hataw pa rin sa entablado.

“This crowd is amazing. You guys are making this an amazing experience for us,” saad ni Clint.

Kinuha naman nina Clint at Bob, ang identical twins sa banda, at ngayon ay isa nang duo sa pamamagitan ng Endless Summer na kantahin ang kanilang cover ng “When You Say Nothing At All” ay kanilang original singles na “Broke” at “I Will.”

Ilan pa sa kanilang kinanta ay ang “Amen for Women,” “Without You,” “Love Isn’t,” “Rainy Afternoon,” “Girls of the World,” at “Love You More.”

Tumayo at sinabayan naman ng buong Big Dome ang The Moffatts ng kantahin nila ang huling apat at pinakapopular na kanta na kinabibilangan ng “Misery,” “If Life is so Short,” “Love,” at “Miss You Like Crazy.”

“Thank you for giving us something and we hope we gave something back. Thank you for making this an amazing experience for us,” pahayag ni Bob bago nila kantahin ang Miss You Like Crazy.

Coming back after 16 years


Hindi ikinaila ng The Moffatts na malaki ang nagawa sa kanilang karera ng tagumpay nila rito sa Pilipinas kaya naman espesyal ang tingin nila sa kanilang mga tagasuporta na sa pagdaan ng taon ay hindi nawalan ng komunikasyon sa kanila.

“The Philippines has been a great place for us. We came here, we didn’t know what to expect. We’ve been living in Germany for a couple of years, and somebody came and just said ‘you guys have the number one record in Southeast Asia in the Philippines’…

“We didn’t really know anything about it. And we got on the plane, came here, and landed, and from that day on, it was like a huge impact on our lives. We played at the Araneta Coliseum, and then it was like we thought we were the Beatles. It was the first time in our career that kind of thing happened, and so it was always an amazing experience coming back [to the Philippines],” pahayag ni Scott sa presscon na ginanap sa Marco Polo Hotel na dinaluhan ng Pinoy Gazette.

Kaya naman ng alukin sila na mag-concert dito sa Pilipinas ay hindi sila nagdalawang-isip na tanggapin ito dahil sabik din silang tumugtog para sa kanilang fans dito sa Pilipinas.

“When the idea was proposed to us, we just thought, ‘You know what? Let’s do this! In 1999, that's probably the last year we were here as The Moffatts, and so we were here, we sold our records. Our stuff is on the radio and all of a sudden, we were done, we kind of split up,” pahayag ni Bob.

“We just thought it would be cool to be back over here because we have so many people who have followed us through the years on Facebook. They kept in touch and let us know that our music is still important to them.

“So we thought, ‘Why don’t we come back over here and do a show and have all these people who have been so supportive to us for 16 years.’”

Beautiful memories in Manila

Sikat na sikat ang The Moffatts sa Pilipinas noong huling mga taon noong 1990s kung saan dinumog ng 40,000 fans ang kanilang mall show at halos magkaroon ng stampede sa Hard Rock Café.

“We’ve never seen anything like that!” There’s so many people there! There were these rafters that you kinda put up and they’re holding speakers and the girls just climbing on them. It was crazy!” Pahayag ni Bob.

Hindi naman makakalimutan ni Clint ang mainit na pagtanggap ng Filipino fans sa kanila at magagandang ngiti sa kanilang mga mukha.

I’ll always remember, flying in for the first time and the Philippines is actually one of our first stops on our Southeast Asian tour, and when the plane landed, I looked out the window and the guy who was waving the plane into the slot where we park just have the biggest smile on his face. And I thought, you'd never see that in the States.

“That visual is always stuck on me and I thought it's just a great trait and I see that a lot with Filipino people.”

Lunes, Pebrero 27, 2017

Pagbabawas ng work hours tuwing ‘Premium Friday’ ipinatupad na




Nitong Pebrero 24 ay ipinatupad na ng pamahalaan ang labor campaign na tinawag na “Premium Friday” kung saan maaari nang umalis ng opisina ng alas-tres ng hapon tuwing huling Biyernes ng bawat buwan ang mga manggagawa. Ito ay upang maiwasan ang “karoshi” o death by overwork at mapalakas ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng consumer spending.

Ipinu-promote ng Ministry of Economy, Trade, and Industry (METI) at 15 pang business organizations ang kampanya kabilang ang Japan Business Federation, Japan Department Stores Association, Japan Chain Stores Association at National Federation of Shopping Center Promotion Associations.
           
Hindi tiyak ang bilang ng mga kumpanya at negosyo na lalahok dito dahil hindi ito mandatory. Hihikayatin naman ng Japan Business Federation (Keidanren) na binubuo ng aabot sa 1,300 kumpanya na lumahok ang mga miyembro nito. Base sa datos noong 2006 ay may mahigit sa 2.5 milyong rehistradong negosyo sa bansa.

Magugunitang naging mainit na usapin ang karoshi ng magbitiw sa pwesto ang pinuno ng Dentsu, isang advertising agency, kasunod nang pagpapakamatay ng empleyado nito na si Matsuri Takahashi, 24, noong Disyembre 2015 matapos ma-depressed nang magtala ng mahigit sa 100 oras ng overtime work kada buwan.


Isa rin si Joey Tocnang, 27, Pilipinong trainee sa Gifu Prefecture na nagtrabaho sa isang casting company, ang nagpakamatay dahil sa karoshi. Ayon sa Gifu Labor Standard Inspection Office, nagtala siya ng 122.5 hours overtime kada buwan bago ito namatay. Pumanaw siya noong 2004 dahil sa heart failure. Ito ang pangalawang pagkamatay sa Japan na may kinalaman sa foreign trainee. Una ay noong 2010 kung saan isang Chinese ang namatay sa Ibaraki Prefecture.

Livelihood program para sa mga biktima ni ‘Yolanda’


Kuha mula sa JICA
 Nagsisilbi bilang susi sa pagbangon ng mga kababaihang biktima ng bagyong Yolanda sa isang remote, coastal barangay sa Sta. Cruz, Tanauan, Leyte ang milkfish (bangus) livelihood program kung saan ang dalawang palapag na processing facility ay bahagi ng technical cooperation project ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Sa proyekto na tinawag na “Urgent Development Study for the Rehabilitation and Recovery from Typhoon Yolanda of the Japan International Cooperation Agency” sinasanay ng JICA at ng Municipal Agriculture Office ang mga kababaihan sa pagbuo, paggawa at packaging ng mga produktong bangus.

Karamihan sa kanila ay maybahay ng mga mangingisda na ang kabuhayan ay nakasalalay sa industriya ng aquaculture ng Leyte. Matapos ang bagyo ay nawala ang kanilang kabuhayan at ang processing facility na itinayo noong nakaraang taon ang nagbigay sa kanila ng oportunidad na muling maisaayos ang kanilang buhay.

“Noong bumalik kami dito pagkatapos ng bagyong Yolanda, akala ko wala na talagang pag-asa. Pero ngayon dahil may sarili na kaming kita, unti-unti na kaming nakakabangon,” kwento ni Menchie Frumencia, ang head ng Sta. Cruz Women Fisherfolk Association. 

Ilan sa mga gawain nila ay ang marinating, cooking at packing ng bangus sa vacuum-sealed packaging bago dalhin sa mga groceries at iba pang mamimili.

Ang soft-boned, pressure cooked bangus ay may kasamang homemade sauce na gawa ng mga kababaihan. Kamakailan ay nakatanggap sila ng orders na mahigit sa 150 piraso mula sa Japan.

“Sana makakuha pa kami ng buyers para tuluy-tuloy ang income namin,” dagdag ni Frumencia.

Tatlong taon matapos ang trahedyang dulot ng bagyong Yolanda ay may kislap na ng pag-asa sa mukha ang mga kababaihang biktima nito dahil batid nila na muling mapapabuti ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng livelihood program tulad nito.


Japan nag-alok ng tulong sa Pilipinas, Indonesia, Malaysia laban sa pamimirata at terorismo

Ni Florenda Corpuz
Kuha mula sa Department of National Defense

 Siniguro ng Japan sa gobyerno ng Pilipinas ang kahandaan nito na tumulong na labanan ang pamimirata at terorismo upang makapag-ambag sa trilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia.

Ito ang inihayag ni Japanese Vice-Minister for International Affairs Ro Manabe kay Undersecretary for Defense Policy Ricardo David Jr. sa ginanap na 5th PH-Japan Vice-Ministerial Meeting na ginanap sa Tokyo kamakailan.

Hiniling ni Manabe kay David na iparating sa gobyerno ng Japan kung paano ang pinakamainam na paraan para sila ay makatulong para labanan ang pamimirata at kidnapping sa shared maritime areas ng tatlong bansa.

Tiniyak din ng Japan ang suporta nito sa Pilipinas sa Chairmanship ng ASEAN ngayong taon. Inulit din niya ang pagnanais ng Japan na palaganapin ang defense cooperation sa ASEAN member states at sinabing handa ang Japan na ituloy ang mas malalim na defense cooperation sa Pilipinas sa pamamagitan ng exchanges at defense equipment transfer.

Kinilala naman ni David ang kontribusyon ng Japan sa capability upgrade ng Philippine defense forces partikular ang pagpapaarkila ng limang TC-90 aircraft para sa maritime surveillance kung saan ang dalawa ay ide-deliver sa Marso. Nagbigay din ang Japan ng capacity building assistance partikular ang humanitarian assistance at disaster response.

Dinagdag pa ni David na kailangang pagtibayin ang lagay ng visiting forces agreement ng dalawang bansa lalo pa’t interesado ang Japan na magsagawa ng pagsasanay kasama ang Pilipinas.

Bago ang pagpupulong ay tinalakay muna ng Japanese delegation sa Philippine delegation ang pinakabagong developments sa South China Sea na mino-monitor ng Japan.

Sinigurado rin ng Japan ang patuloy na pagbibigay ng napapanahong impormasyon sa bansa partikular ang mga paglabag sa mga tuntunin ng batas bilang pagtukoy sa desisyon na inilabas ng Permanent Court of Arbitration noong Hulyo ng nakaraang taon.