“Our goal with the spheres is to create a
unique gathering place where employees could collaborate and innovate together,
and where the Seattle community could gather to experience
biodiversity in the center of the city. I am very
proud and thankful to the entire team who made the spheres a reality – they did
a terrific job from the design all the way to the finishing touches. We are
thrilled to officially open the doors,” ang pahayag ni Amazon vice president of global real estate and facilities John Schoettler
sa panayam ng Design Boom.
Habang
pinagmamasdan ito mula sa labas ay kamangha-mangha na agad ang forward-thinking
vision ng American global architecture, planning and design firm na NBBJ sa
launching event kamakailan ng tinatawag na Amazon Spheres sa Seattle, isang
office space project na bagong headquarters ng Amazon.
Realistic abstract: A mini-rainforest in the city
Pitong
taon din ang ginugol bago matapos ang naturang proyekto na tinatayang
nagkakahalaga ng $4 bilyon, at hango sa resulta ng mga pag-aaral ng Amazon
patungkol sa layunin nito ng “improvement of office spaces by linking them to
nature.”
Mayroon
itong tatlong biosphere domes na binansagang “the spheres” na steel-framed at
glass-enclosed, at ang pinakamalaki rito na nasa gitna ay may taas na 90 feet
at lapad na 130 feet in diameter.
Kabilang
naman sa main features nito ang four-story living wall kung saan makikita ang
25,000 na halaman na nakalagay sa isang 4,000 square feet na mesh panels,
paludariums (type of vivarium incorporating both terrestrial and aquatic
elements), at epiphytic trees (plants that grow on other plants or other
objects, abundant in moist tropical forest such as mosses, ferns, cacti,
orchids, and bromeliads).
Sa
tatlong biospheres ay makikita rin ang mga tree house meeting rooms na nakatayo
sa mga matatayog na puno, mga ilog at talon na may katabing mga stone paths
kung saan masarap maglakad-lakad na dinidekorasyunan ng tinatayang 400 plant
species. Dagdag pa ng Bloomberg News, sa kabuuan ay makikita rito ang mahigit
sa 40,000 na mga halaman na mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
An escape from the everyday office life
Dahil sa
‘di maiiwasang stress na dala ng pang-araw-araw na trabaho, ang Amazon Spheres
ay magiging tropical-like environmental sanctuary ng mga empleyado ng Amazon,
na kahit nasa gitna ng meeting ay nakakapag-relax din sila sa parehas na
pagkakataon.
Maging
ang klima sa loob ng mini-rainforest ay kontrolado at ‘di pabagu-bago na nasa
72 degrees at 60 porsyentong humidity, gayon din ang isang ventilation system
na gumagawa ng simoy ng hangin ng parang ikaw ay nasa labas.
“The
Spheres are a consequence of a lot of deep thought, and we wanted to create
some very special – a unique environment for employees to come and collaborate
and innovate. One thing that is missing between today’s workspace is a link to
nature, and that’s what we’re doing here,” ang paliwanag ni Schoettler sa
Amazon News YouTube page ng kumpanya.
Maliban
sa ecological benefits nito, nakatulong din ang proyekto sa pagbibigay ng 600
na trabaho. Bukas din ang Amazon Spheres sa publiko na gustong pumunta rito, at
dahil dito ay nagbibigay din ito ng oportunidad na pang-edukasyon sa komunidad
ng Seattle sa pamamagitan ng field trips at tours na may kolaborasyon sa mga
eskwelahan, unibersidad at mga institusyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento