Ito ang misyon ng Nuro, isang start-up technology
company sa Silicon Valley na itinayo noong 2016 ng dalawang dating principal
engineers – sina Dave
Ferguson at Jiajun Zhung
ng Google sa self-driving car project nito na ngayon ay tinatawag ng Waymo.
Binubuo ang maliit pa lamang na team nito ng mga
eksperto sa robotics,
consumer electronics, autonomous vehicles, at automotive industries na may mga
karanasan mula sa malalaking kumpanya na GM, Uber, Apple, Waymo, Google, at
Tesla. Hinirang din ang mga imbensyon at proyekto ng ilang mga miyembro nito sa
mga kumpetisyon gaya ng DARPA Robotics Challenge, ImageNet, at DARPA Urban
Challenge.
The self-driving vehicle made for local
goods transportation
Maaari itong ilarawan na isang autonomous delivery boy o kaya
ay isang mobile grocery cart ayon sa Design Boom. Hindi rin ito ginawang gaya
ng hugis ng mga sasakyan at maliban dito, wala rin na makikitang kahit anong
manual controls, gears, pedal at steering wheels sa loob nito.
Makikita naman sa bubungan nito ang sensor area kung saan
nakalagay dito ang cameras, radars, at Light
Detection and Ranging (LIDAR) para masigurado na ligtas ito habang umaandar sa
labas. Nag-deploy din ang kumpanya ng
anim na self-driving cars para makakalap ng data at mag-optimize ng ruta na
ipinapadala sa prototype Nuro.
At dahil
fully-autonomous ito (no driver, no passenger), mas maingat at alerto ang
naturang self-driving vehicle sa mga nakapaligid dito – mga taong naglalakad o
kaya ay nagbibisikleta, para mapanitiling ligtas ang mga taong maaaring
makasalubong o makasalamuha. Sa tulong din ng kanyang narrow design sakali man
na may taong biglaang tumawid, ‘di ka mababangga ng Nuro kaya’t nakatutulong
din ang konsepto nito sa pag-iwas sa mga aksidente sa trapiko.
Affordable convenience and electric efficient
“On-road vehicle designed to transport goods — quickly,
safely, and affordably. It delivers life’s needs at a price anyone can afford. With
a flexible interior design, our vehicle handles errands of all kinds — from dinner to dry cleaning.”
Dagdag pa ng Design Boom, nakatuon ang Nuro sa “low-speed,
local at last mile deliveries (when the product hits your nearest depot and needs a little help getting
to your door).”
Ayon
naman sa pag-aaral ng McKinsey, ang industriya ng last-mile deliveries ay
patuloy na lumalaki, at nagkakahalaga nang may $86 bilyon. Patunay nito ang
patuloy na pagbuo ng Amazon ng kanilang drone delivery concepts, gayon din ang
AV cruise ng GM, e-palette concept ng Toyota na ipinakilala sa Consumer Electronic Show (CES) nitong nakaraang buwan, at mga
proyekto ng Ford at Tesla.
Kaugnay nito, layon din ng kumpanya na matugunan ang
pangangailangan ng mga lokal na negosyo para makasabay sa lumalagong
teknolohiya ng pagdadala ng mga produkto sa sektor ng commercial delivery.
Nitong
Disyembre ay idinaos ng kumpanya ang Nuro Proving Grounds para maipakita kung
paano tumakbo ang Nuro, ngunit nakatakda na rin na simulan ang public road
testing sa huling bahagi ng taong ito.
Nakalikom
ang kumpanya ng $92 milyon mula sa fundraising at kasalukuyang nakikipag-diskurso
sa mga retailers at delivery providers para sa posibleng kolaborasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento