Lunes, Marso 5, 2018

Jerwin Ancajas, tagumpay sa ikaapat na IBF junior bantamweight title defense sa Texas



Hindi ko talagang naiisip na ikinukumpara ako kay Sir Manny pero sinisipagan ko sa laban para kahit kaunti man lang maging katulad ni Sir Manny,” ang tugon ni Jerwin “Pretty Boy” Ancajas (29-1-1, 20 KOs) sa post-fight interview nito sa ESPN kaugnay ng nakikitang pagkakaparehas nila ni Filipino champ Manny Pacquiao, partikular na sa karisma at ugali.

Ito ay pagkatapos niyang pabagsakin sa pamamagitan ng technical knockout (TKO) sa 10th round si Israel “Jiga” Gonzalez (21-2, 8 KOs) ng Mexico. Ginanap ang laban ngayong Pebrero sa American Bank Center Corpus Christi, Texas.

A rousing US debut

Pinabilib ng tubong Panabo City, Davao del Norte na boksingero ang mga manonood at boxing experts sa ipinakita nitong bilis at galing sa kanyang U.S debut at kauna-unahang laban simula nang pumirma siya sa Top Rank, na siya rin nasa likod ng mataginting na karera ni Pacquiao, na co-promoter ng laban at itinuturing ni Ancajas na kanyang idolo at mentor.

Ayon sa CompuBox statistics, nakapagtala ang IBF junior bantamweight champion ng kabuuang 130 sa 477 shots o 27 porsyento samantalang si Gonzalez ay may 48 sa 303 shots o 16 porsyento.

Ang naturang tagumpay ni Ancajas ay ang ikaapat na beses nang naidepensa nito ang kanyang IBF junior bantamweight title. Mataginting din ang record ng 26-taong-gulang na si Ancajas dahil kasama na ang laban na ito sa 16 na panalong naitakda niya kung saan 15 rito ay sa pamamagitan ng knockout.

A new force to reckon with

Sa opening round pa lamang ay pinakitaan na agad ni Ancajas ng senyales si Gonzalez na hindi ito padadaig nang naimarka nito ang isang flash knockdown nang tumama ang kaliwang suntok nito sa panga ng Mexicano.

Nagsimulang uminit ang laban pagdating ng 5th round nang naging agresibo si Gonzalez nang ma-corner si Ancajas nang panandalian at naipasok ng Mexicano ang ilang mga kanang suntok nito. Sa kabila nito, mabilis na nakabawi si Ancajas gamit ang kanyang counter left at right hooks sa pagtatapos ng naturang round.

Pagpatak ng 10th round ay inaamok pa rin ni Gonzales si Ancajas na nagbigay ng pagkakataon sa Pinoy na maikasa ang left straight at sinundan niya ito ng looping left na tumama sa sentido ng Mexicano, na tuluyan nang naging hudyat ng pagtatapos ng laban sa loob ng isang minuto at 50 segundo ng naturang round.

Inaasahan naman ni Las Vegas matchmaker Sean Gibbons na kayang lumaban ni Ancajas ng tatlo pa ngayong taon lalo na’t hindi ito madaling tamaan.

Tinitingnan naman na susunod na hakbang ni Ancajas ang umakyat sa 115-pounds kung saan posible nitong makaharap sina WBA champion Khalid Yafai, WBC champion Srisaket Sor Rungvaisai at WBO king Naoya Inoue.

Heir apparent to the throne

Maging ang dating WBO welterweight champion Tim Bradley ay nakikitang si Ancajas ang papalit kay Pacquiao nang makita nito ang laban ng una bilang bahagi ng ESPN TV panel.
“Ancajas looked sharp. This kid will go far. Top Rank will bring him along. He’s got tremendous potential. I thought his 1-2 combinations were on point. It was an impressive showing in his U.S debut,” ani Bradley.

Ngunit inamin din niya malaki rin ang kailangan pang pagbutihin ng baguhang boksingero at iminungkahing, “For one, he should vary his punches. I didn’t see him throw too many uppercuts. He landed jabs, straights and hooks. You don’t want to be predictable. For another, I’d like to see more movement. He fought Gonzalez straight up. I don’t mean jumping out side-to-side. He should try shifting his balance laterally to create angles and find openings. One last thing, he should throw feints.

“It’s that Manny charisma that I see in Jerwin. My final advice to Ancajas is to stay focused,” ang pagbabahagi ni Bradley.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento