Ni Jovelyn Javier
Magkaiba man ang tradisyon,
kahit sino ay nag-e-enjoy sa panonood ng romantic movies. At dahil diyan,
narito ang ilang mga pelikulang tinaguriang best romance movies mula taong 2000s
hanggang 2010s.
Quiet
longings, quirky rom-com, best love story ensemble, a Parisian musical
Simulan ito sa “In the
Mood for Love” (2000) ni Wong Kar-wai, pangalawa sa “The 21st Century’s
100 Greatest Films” at “Best Asian Film of the Century” ayon sa BBC survey mula
sa 177 film critics, at tungkol sa unconsummated love ng magkapitbahay na sina
Su Li-zhen (Maggie Cheung) at Chow Mo-wan (Tony Leung) sa 1960s Hong Kong.
Isang time-transcending
love ang “Il Mare” (2000) ni Jun Ji-hyun at Lee Jung-jae na may komunikasyon
lamang sa pamamagitan ng mail box sa isang seaside house. Sinundan ito ni Jun
Ji-hyun sa “My Sassy Girl” (2001) na second highest-grossing Korean film tungkol
kay Gyeon-woo (Cha Tae-hyun), na makakatagpo ng lasing na babae (Jun Ji-hyun)
sa train station.
Forbidden love naman ang
makikita sa award-winning musical na “Moulin Rouge,” isang Parisian cabaret sa
pagitan ng isang writer-poet na si Christian (Ewan McGregor) at sa
pinakamagandang cabaret actress na si Satine (Nicole Kidman).
“To
me, you are perfect.” Ito ang isang ‘di malilimutang eksena sa Christmas-themed
romantic-comedy ni Richard Curtis na “Love Actually” (2003), tampok ang
entwined stories ng walong pares ilang linggo bago ang Pasko sa London na
ginampanan ng isang British ensemble cast.
Sci-fi and destiny, memories of lost love, geeky love
story, and teen melodrama
Sa
“Eternal Sunshine of the Spotless Mind” (2004), gamit ang isang medical
procedure, gustong burahin ni Joel (Jim Carrey) sa memorya nito ang mga alaala
ng dating kasintahang si Clementine (Kate Winslet) nang malaman niyang binura
na siya nito sa kanyang memorya.
Inuulit
naman ni Ian (Paul Nicholls) ang trahedya ng kasintahang si Sam (Jennifer Love
Hewitt) sa pagtatangkang mailigtas ito sa drama-fantasy na “If Only” (2004). Samantalang
sa Japanese film na “Crying Out Love in the Center of the World” (2004), bumalik
sa kanyang hometown si Saku (Takao Osawa) kung saan niya pakikinggang muli ang
audio diaries ng kanyang high school sweetheart (Masami Nagasawa).
Base rin sa nobela ang
“Train Man” (2005) kung saan makikilala ng isang otaku (Takayuki Yamada) ang
sosyal na si Hermes (Miki Nakatani) sa loob ng tren nang iligtas niya ito sa
isang lasing. Itinakda naman ng 9th highest-grossing Korean film na
“Temptation of Wolves” ang breakout role ni Kang Dong-won bilang Taesung, isang
lalaking may sikreto at madadawit sa love triangle sa kanyang karibal at isang
country girl.
War-drama,
distant love and rain, mournful yearning, charmingly-whimsical, time travel
“The story can resume. I will return. Find you,
love you, marry you and live without shame,” ang sinabi ni Robbie (James
McAvoy) kay Cecilia (Keira Knightley) sa award-winning romantic epic na
“Atonement” (2007) na pinaghiwalay ang landas dahil sa panlilinlang ni Briony,
nakababatang kapatid ni Cecilia.
Isang “three-act story about time, distance, loss
of innocence, and forgetting,” naman ang award-winning animated film na “5
Centimeters per Second” (2007), ang definitive masterpiece ni Makoto Shinkai,
na sinusundan ang kwento ni Takaki mula 1990s - 2010s. Sinundan ito ni Shinkai
sa atmospheric “The Garden of Words” (2013) tungkol sa
aspiring shoemaker na si Takao na pumupunta sa isang parke kapag umuulan sa
umaga, dito niya makikilala ang isang misteryosong babae na si Yukari.
Sa “Norwegian Wood” (2010/
from Haruki Murakami’s novel), binabalikan ni Toru (Ken'ichi Matsuyama) ang
buhay noong 1960s, nang magpatiwakal ang bestfriend nitong si Kizuki na nakaapekto
nang lubos kay Naoko (Rinko Kikuchi). Biglang babalik sa buhay niya si Naoko sa
pagkakataong nakilala niya ang masayahing si Midori (Kiko Mizuhara).
Nang
matuklasan ni Tim (Domhnall Glesson) na may abilidad siyang makabalik sa
nakaraan, matututuhan niya kung gaano ang dapat niyang kontrolin sa pag-ibig at
gaano rin ang dapat ay hayaan niyang mangyari sa time-travel romance na “About
Time” (2013). Dahil naman sa maling lunchbox delivery (Mumbai’s Dabbawallahs, lunchbox
delivery system), mabubuo ang koneksyon sa pagitan ng isang malungkot na
maybahay (Nimrat Kaur) at isang widower na
malapit nang magretiro na si Saajan (Irrfan
Khan)
sa Indian film na “The Lunchbox” (2013).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento