Sinalubong ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe
si U.S Vice
President Mike Pence sa Japan kamakailan.
(Kuha mula sa U.S Embassy and Consulates in Japan)
|
Iginiit ni U.S. Vice President Mike
Pence na nananatiling matatag ang alyansa ng Estados Unidos at Japan partikular
na sa panawagan sa North Korea na itigil na ang kanilang nuclear weapons and
missile programs.
Sinabi ni Pence na magkatuwang
ang dalawang bansa sa pagtiyak sa seguridad at kapayapaan sa mundo.
“We will continue to stand
shoulder to shoulder with the people of Japan, the people of South Korea and
our allies and partners across the region until we achieve the global objective
of the denuclearization of the Korean Peninsula,” pahayag ni Pence nang
sandaling bumisita ito sa Japan kamakailan bago tumulak sa South Korea para sa
2018 Pyeongchang Olympics.
Binisita rin ni Pence ang Japanese
Patriot PAC-3 missile battery at nakipagkamay sa mga opisyal at ilang miyembro
ng Self-Defense Forces (SDF). Nakipagpulong din si Pence kay Japanese Prime
Minister Shinzo Abe.
Sa isang joint statement, sinabi
nina Abe at Pence na nagkakaisa sila sa panawagan sa South Korea na huwag itong
magpabuyo sa “smile diplomacy” na ipinapakita ng North Korea.
“Today, I shared the recognition
with Vice President Pence once again that Japan, the U.S. and South Korea need
to maximize pressure against North Korea through every possible measure. I was
able to coordinate our North Korea policy completely,” pahayag ni Abe.
“Security is the foundation of
our prosperities, and security in the Indo-Pacific is the main reason I came to
Japan today. Working together, the United States and Japan will continue to
confront the most dangerous threat in the Indo-Pacific, the rogue regime …
North Korea,” ani naman ni Pence.
“We will continue to intensify
our maximum pressure campaign… The United States is committed to provide Japan
with additional cutting edge defense systems. Our nations are now working
together to deliver these new defense systems as quickly as possible,” dagdag
pa nito.
Para kay Abe, malabo na magkaroon
ng diyalogo sa pagitan ng Japan at North Korea hangga’t hindi nito itinitigil
ang nuclear programs.
“Unless North Korea shows sincere
willingness to denuclearize itself and take concrete steps toward that goal, we
cannot expect any meaningful dialogue,” ani Abe.
“Our alliance between Japan and
the United States has become more robust and unwavering than ever,” giit pa
nito.
Matatandaan na noong nakaraang
taon ay isinagawa ng North Korea ang missile launce kung saan bumagsak ito sa
karagatan ng Japan na mariing kinondena ng huli.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento