Huwebes, Hulyo 5, 2018

CoMix Wave – Haoliners bring memories of the past and present spun together in new anime anthology film ‘Shikioriori’


Ni Jovelyn Javier


Inanunsyo nitong Pebrero ang collaboration project na pinamagatang “Shikioriori” (Poem of Seasons Woven Together) ng Chinese anime studio na Haoliners (To Be Hero/The Silver Guardian) at CoMix Wave Films, ang studio sa likod ng mga animation masterpieces na Koto no ha no Niwa” (The Garden of Words, 2013), “Kimi no Na Wa” (Your Name, 2016),  at Byousoku 5 Centimeter” (5 Centimeters per Second, 2007),  ng tinaguriang bagong animation maestro na si Makoto Shinkai.

Naglunsad na rin kamakailan ang produksyon ng full trailer at nakatakdang magkaroon ng limited three-week theatrical release ang anime anthology film ngayong summer dito sa Japan sa Agosto 4 sa Theater Shinjuku, Cine Libre Ikebukuro, at iba pang sinehan na iaanunsyo pa lang sa website nito.

Maririnig naman ang kantang “Walk” ni Vickeblanka bilang theme song sa nasabing trailer.

Combination of Japanese and Chinese talents, the Shinkai influence

Kitang-kita naman ang impluwensiya ni Shinkai sa napakagandang animation style ng tanawin, mga karakter at ang atmosperang naging marka na ng mga anime films na Shinkai na makikita sa trailer.

Nahahati sa tatlong short films ang anime anthology – ang “Shanghai Koi” (Shanghai Love), “Hidamari no Choshoku (Sunny Breakfast), at “Chiisana Fashion Show” (A Small Fashion Show) kung saan ang mga kwento ay nakatakda sa tatlong magkakaibang siyudad sa China – ang Beijing, Guangzhou, at Shanghai.

Nagsisilbi naman bilang general director ng produksyon si Li Haolin (Haoliners president, Spiritpact), na isang malaking tagahanga ni Makoto Shinkai, simula nang mapanood niya ang 5 Centimeters per Second. Si Haolin din ang direktor sa likod ng Shanghai Koi.

Dagdag pa ng Chinese director, naisakatuparan lamang ang proyekto dahil masugid siyang nakipag-usap at nagpapadala ng mga magagandang konsepto sa CoMix Wave.

Of precious memories, homage to 5 Centimeters per Second  

“The staff created warm stories with poetic pictures depicting a vibrant landscape in order to impress the viewers. The three anime movies will say stories that people across times and borders can sympathize with.” – Manga Tokyo

Dagdag pa ni Li, ang kwento ng Shanghai Koi ay isang special homage para sa paborito nitong Shinkai film na 5 Centimeters per Second, na tungkol sa “living spaces” o “shelter” na nakasentro sa dalawang magkakabata – sina Rimo at Shaoyu sa 1990s Shanghai, ngunit isang pangyayari ang magtutulak para maglayo ang landas ng dalawa; hanggang sa madiskubre ni Rimo ang ilang mga bagay  na nagpaalala sa kanya sa kanyang kabataan na kasama si Shaoyu.

Tungkol naman sa “food” ang kwento ng Hidamari no Choshoku na umiikot kay Xiaomin, isang young adult na nagtatrabaho sa Beijing ngunit naaalala pa rin ang mga panahong kasama niya ang kanyang lola at ang home-cooking nito habang lumalaki sa Hunan Province.

Tema naman ng Chiisana Fashion Show ang “clothing” na isinasakwento ang buhay ng dalawang magkapatid na babae – sina Irin, ang nakakatandang kapatid at isang sikat na fashion model at Lulu, isang vocational school student.

Tampok naman ang mga boses nina Takeo Otsuka (Rimo), Takayuki Nakatsukasa, at Ikumi Hasegawa (Shaoyu) sa Shanghai Koi; Taito Ban (Xiaomin) at Mariya Ise (young Xiaomin) sa Hidamari no Chōshoku; at Hiroki Yasumoto (Steve, Irin’s manager), Minako Kotobuki (Irin, the older sister), at Haruka Shiraishi (Lulu, the younger sister).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento