Kinilala ng Nobel
Assembly sa Karolinska Institute ang kontribusyon ng dalawang siyentipiko “for
their discovery of cancer therapy by inhibition of negative immune regulation.”
Nadiskubre ni Honjo ang
PD-1, isang uri ng protina na nag-ambag sa pag-unlad ng immunotherapeutic drug
na Nivolumab na ibinibenta bilang Opdivo at ginagamit laban sa lung cancer at
melanoma.
“I’m very honored to
receive the Nobel Prize in physiology or medicine,” ani Honjo sa isang press
conference matapos ang pag-anunsyo.
Nagpahayag din ng
pagkagalak si Prime Minister Shinzo Abe sa magandang balita.
“This award reflects the
high acclaim given worldwide to Professor Honjo’s discovery of cancer therapy
by inhibition of negative immune regulation,” pahayag ni Abe.
“I take great pride as a
citizen of Japan in the fact that this discovery of truth, achieved through the
creative ideas of a Japanese researcher, has greatly contributed to the
continued progress of humankind and the international community and has been
recognized by the world,” dagdag pa niya.
Paghahatian ng dalawa
ang prize money na nagkakahalaga ng siyam na milyong Swedish crowns.
Si Honjo ang panlimang
Hapon na nanalo ng physiology o medicine prize at pang-26 na Hapon na ginawaran
ng Nobel Prize.
Gaganapin ang awards
ceremony sa Stockholm sa Disyembre 10.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento