Ni Jovelyn Javier
“Part Sherlock Holmes, part Harry
Bosch, Higashino’s hero is a quietly majestic force to be reckoned with.”
Bahagi ito ng review ng Kirkus
Review sa pinakabagong crime mystery novel na pinamagatang “Newcomer: A
Mystery” mula sa binansagang “mystery king” ng Japan na si Keigo Higashino.
Ang naturang nobela ang ikalawang
English translation ng Police Detective Kaga series ni Higashino, na mula naman
sa pagsasalin ni Giles Murray at Minotaur Books ng Macmillan Publishers.
Original, exotic, clever and charming
“He seems to be crafting a chain of
tiny, gemlike short stories – until the tales start intersecting, scaffolding
on one another, and eventually creating a bridge between the lives of the
longtime residents of Kodenmacho and the death of a woman.”
Sentro ng kwento ang detective na
si Kyochiro Kaga, ang parehas na
pangunahing karakter na itinampok sa naunang nobela ng Detective Kaga series na
“Malice: A Mystery” (2015) ng Tokyo Metropolitan Police Department Homicide
Division.
Dahil sa demosyon ay kinailangang bumalik si Kaga sa local
policing duties at inilapat sa isang bagong presinto sa Nihonbashi. Dito ay
iaatas sa kanya ang pag-iimbestiga sa pagpatay sa isang babae na pinangalanang
Mineko Mitsui, na natagpuang binigti sa kanyang apartment sa Kodenmacho.
Kakaiba ang pamamaraan ni Kaga sa pag-iimbestiga, sa halip na
ituon lamang ang pansin sa pinangyarihan ng krimen ay inoobserbahan niya ang mga
pang-araw-araw na pangyayari sa kalsada at mga ginagawa ng mga residente rito.
Ngunit habang palalim nang palalim ang imbestigasyon niya,
tila lumalabas na lahat ng mga taong nakatira rito ay may motibo sa pagpatay sa
biktima. At para mapigilan ang maysala na matakasan ang hustisya, kailangan
matuklasan ni Kaga ang mga sikreto sa likod ng kumplikadong buhay ni Mitsui –
ang kanyang nakaraan, pamilya, at ang mga araw bago ang pagpatay.
Mind-bending mysteries
“Rewarding... [readers] will appreciate Higashino's graceful
prose and willingness to push the limits of the genre.”
Ito ang pagsasalarawan ng Library Journal sa istilo ng
international bestselling author na si Higashino na tanyag sa kanyang mga obra
gaya ng Edgar Award finalist na “The Devotion of Suspect X” (2011), “The
Miracles of the Namiya General Store (Chuo Koron Literary Prize 2012), “Dream
Flower” (Shibata Renzaburo Award 2013), “When the Curtain Falls on Prayer”
(Yoshikawa Eiji Prize for Literature 2014), “Hollow Cross” (2014), at
marami pang iba.
Nagsimulang magsulat ng fiction ang award-winning author
habang siya ay nagtatrabaho bilang inhinyero sa isang auto-parts maker.
Literary debut niya noong 1985 nang mapanalunan niya ang Edogawa Rampo
Prize sa pamamagitan ng “Hokago” (After-School Hours).
Dahil sa tagumpay ay tuluyan nang iniwan ni Higashino ang
karera bilang inhinyero. Pagdating ng mid-90s ay kapansin-pansin na ang kanyang
mga obra sa publiko hanggang sa parangalan siya sa Mystery Writers of Japan
Award noong 1998 sa nobelang “Naoko.”
Kasunod nito ay sunud-sunod nang bestsellers ang naisagawa ni
Higashino at pagkatapos ng limang beses na pagkaka-shortlist niya sa Naoki
Prize ay nakuha rin niya ang parangal noong 2006 para sa The Devotion of
Suspect X na mula sa Detective Galileo series.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento