Miyerkules, Nobyembre 14, 2018

Kyoko Nakajima debuts Naoki Prize-winning novel ‘The Little House’ in English


Ni Jovelyn Javier


“A delightful and cleverly plotted novel in the form of memoirs written by a maid about her days working for a family in prewar Japan.

Ito ang pagsasalarawan ng Nippon.com sa nobela ni Kyoko Nakajima na pinamagatang “The Little House” (Chiisai ouchi). Inilunsad ang English edition nito kamakailan na mula sa translation ni Ginny Tapley Takemori at Darf Publishers.

Una itong inilathala noong 2010 ng Bungeishunju at ginawaran ng Naoki Prize sa 143rd edition ng naturang literary award sa parehas na taon.

A gentle, nostalgic perspective of the refined middle-class life

Sa loob ng 336 na pahina, sinusundan ng nobela ang kwento ni Taki Nunomiya, isang live-in housemaid na nagtatrabaho sa pamilya Hirai sa isang European-style na bahay na may kulay pula at hugis tatsulok na bubong sa Tokyo. 

Inaalala ni Taki ang mga panahong kasama nito ang mga miyembro ng pamilya noong unang bahagi ng Showa era (1926–89) kung saan tumataas na ang tensyon ngunit hindi pa ito pangkalahatang nasa estado ng giyera.

Kaabang-abang din ang huling bahagi ng nobela na magsisiwalat sa isang malaking sikreto pagkatapos pumanaw ni Taki, na magbubunsod sa mga mambabasa na makaramdam ng pagkagulat at gugustuhing balikan ang emosyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.

Nagkaroon na rin ng film adaptation ang nobela na parehas ang pamagat noong 2014 sa direksyon ni Yoji Yamada at tampok sina Takako Matsu, Haru Kuroki, Hidetaka Yoshioka, Satoshi Tsumabuki, Chieko Baisho, at Takataro Kataoka.

Itinampok ang pelikula sa 64th Berlin International Film Festival kung saan ginawaran si Haru Kuroki ng Silver Bear – Best Actress.

Master of style and technique

Ayon kay Ian McDonald, isa sa mga naging translators ni Nakajima, ang klase ng pagsusulat niya ay inilarawan nitong “deceptively simple prose.” At karamihan sa kanyang mga karakter at lokasyon naman ay base sa sariling karanasan – pangangalaga sa isang magulang na may dementia sa “Nagai owakare” (A Long Goodbye, 2015) at pakikitungo sa isang nakababatang kapatid sa “Kirihatake no endan” (2010).

Ipinanganak sa Suginami, Tokyo noong 1964 sa mga magulang na propesor at translator ng French literature sa Chuo University at Meiji University. Nagtrabaho siya bilang editor sa isang publishing firm hanggang sa naglagi siya sa Amerika ng isang taon bago bumalik sa bansa noong 1997 at nag-umpisang maging freelance writer.

Taong 2003 nang ilunsad niya ang kanyang debut novel sa “Futon” na base sa modern classic ni Katai Tayama na parehas ang pamagat at naging nominado ito sa 2003 Noma Literary New Face Prize.

Nasundan ito ng dalawang nobela at anim na short story collections bago siya nakatanggap ng grant para sa International Writing Program mula sa University of Iowa Center for Asian and Pacific Studies.

Pagkatapos manalo sa Naoki Prize 2010, sunud-sunod ang parangal na natanggap ni Nakajima para sa Izumi Kyoka Prize 2014 (When My Wife was a Shiitake), Shibata Renzaburo Prize 2015 at Kawai Hayao Story Prize 2015 (One-Horn), at Chuo Koron Literary Prize 2015 (A Long Goodbye).

Kabilang din sa kanyang mga obra ang “Ito no koi” (Ito’s Love, 2005), “Heisei dai-kazoku” (One Big Family in the Heisei Era, 2008), “Pasutisu: Otona no Arisu to Sangatsu Usagi no ochakai” (Pastis: A Grown-Up Alice and the March Hare Have Tea, 2016) at selected works nito sa English na “Go, Japanese!” (Granta 114, March 2011), “Things Remembered and Things Forgotten” (Granta 127, April 2014) at “When My Wife Was a Shiitake” (Words Without Borders, March 2015).

Regular naman na mababasa si Nakajima sa opinion essays nito ukol sa kultura at pulitika sa Mainichi Shimbun.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento