Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Studio Ghibli. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Studio Ghibli. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Enero 15, 2018

Bagong animated feature ni Hayao Miyazaki pinamagatang ‘Kimitachi wa Do Ikiru ka’



“Ghibli will continue making movies. That’s the path we follow, and all we can do is continue, until the day we can’t anymore,” ang saad ni Studio Ghibli producer/long-time Miyazaki collaborator Toshio Suzuki sa panayam ng The Japan Times tungkol sa ikalawang beses na “coming out of retirement” ni anime maestro, Hayao Miyazaki.

Sa opening event ng Natsume Soseki Memorial Museum bilang panauhing pandangal na ginanap sa Waseda University sa Tokyo, inanunsyo ni Hayao Miyazaki ang upcoming feature-length animated film na pinamagatang, “Kimitachi wa Do Ikiru ka” (How Will You Live?), na siyang magiging huling pelikula na ng award-winning anime filmmaker.

Matatandaang noong 2013, kasabay ng promosyon ng “Kaze Tachinu” (The Wind Rises), na noo’y inanunsyong huling obra ni Miyazaki, na magreretiro na ang acclaimed anime director. Ngunit nitong nakaraang Pebrero ay muling lumabas sa pagreretiro si Miyazaki, ayon na rin kay Suzuki.

Bagaman tumigil si Miyazaki sa paggawa ng anime features, pinag-aralan nito kung paano mag-animate sa computer at naging abala rin sa CG short film na “Kemushi no Boro” (Boro the Caterpillar).

A story of spiritual revolution

“The film is about how this particular book is featured prominently in the protagonist’s life. It will take three to four years to complete the anime,” ang tugon ni Miyazaki sa panayam ng The Asahi Shimbun.

Hango ang pamagat nito sa 1937 novel ni Genzaburo Yoshino na tungkol sa pakikipagsapalaran sa buhay ng binatang si Koperu sa pamamagitan ng pakikisalamuha nito sa kanyang tiyuhin at mga kaibigan, kung saan matututuhan nito ang kahulugan ng pamumuhay bilang isang tao.

Bagaman parehas ang pamagat at mahalaga ang nobela sa kwento ng pangunahing karakter, hindi ito isang direktang adaptation ng naturang nobela, gaya na lang ng ginawa sa The Wind Rises, na hango ang pamagat naman sa nobela ni Tatsuo Hori.

A grand fantasy

Sa halip, ito ay isang fantasy-action-adventure at magtatampok ng hand-drawn artwork kung saan higit na kilala si Miyazaki, gaya na lamang ng mga naunang Studio Ghibli hits na “Nausicaa of the Valley of the Wind,” “Howl’s Moving Castle,” “Laputa: Castle in the Sky,” “Spirited Away,” at “Princess Mononoke.”

 “The content of the film is very different from what you’d expect from the title. It’s a grand fantasy. Looking at the storyboards, I could easily understand why Miya-san changed his mind about retiring. He couldn’t have his career end with The Wind Rises. His reputation, after all, was built on his fantasy action/adventure works,” ang dagdag pa ni Suzuki sa dahilan ni Miyazaki sa pagbabalik sa paggawa ng animated films.

Inamin din ni Suzuki na mayroon nang 20-minutes’ worth of storyboards na natapos ni Miyazaki. At kamakailan lang din ay naging abala ang Studio Ghibli sa recruitment ng mga bagong animators para tumulong sa pagkumpleto ng pelikula.

Studio Ghibli magic continues

Taong 2014 nang huling maglabas ng animated feature ang Studio Ghibli sa “When Marnie Was There.”

At bagaman medyo natagalan ang pagbabakasyon ng studio simula rito, inanunsyo ni Suzuki na kasabay ng bagong produksyon ni Miyazaki ay abala rin ang studio sa isang CG film na pangungunahan naman ng anak ni Miyazaki na si Goro, na siyang direktor ng 2011 Ghibli anime “From Up on Poppy Hill,” 2006 fantasy film “Tales from Earthsea” at 2014 CG TV series na “Ronja, the Robber’s Daughter.”

Lunes, Agosto 7, 2017

Studio Ponoc’s debut feature ‘Mary and the Witch’s Flower’: The familiar Ghibli tale and modern newness


“It’s a delightful children’s fantasy film that perfectly captures the charm and whimsy of a classic Ghibli tale, but with a more updated, modern look,” ang isa sa pagsasalarawan ng Anime News Network sa unang feature film ng bagong Studio Ponoc na pinamagatang “Mary and the Witch’s Flower” na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan dito sa Japan ngayong buwan.

Base ang naturang anime film sa 1971 English novel ni Mary Stewart na “The Little Broomstick” at ito naman ang ikatlong directorial film ni Hiromasa Yonebayashi, direktor ng critically-acclaimed Studio Ghibli films, ang fantasy na “Arrietty” (2010) at drama-mystery na “When Marnie Was There” (2014).

Ang screenplay ay gawa ni Yonebayashi at Riko Sakaguchi (The Tale of the Princess Kaguya) at musika mula kay Takatsugu Muramatsu (When Marnie Was There).

Striking first impression, keeping the spirit of Studio Ghibli

Sentro ng kwento nito ang 10-taong-gulang na si Mary na pinapunta sa bahay ng kanyang tiyahin kung saan niya makikilala ang isang itim na pusa, na magdadala sa kanya sa isang kakaibang bulaklak sa kagubatan. Mula rito, mabibigyan siya ng kakaibang kapangyarihan at madidiskubre ang isang mahiwagang lugar.

Mula pa nang mailabas ang teaser nito noong Disyembre, nakapukaw agad ito ng malaking atensyon sa kanyang nakamamanghang artwork na hindi maikakailang may pagkakahawig sa istilo ng Ghibli ngunit may katangian din na naiiba gaya ng upgraded CG at digital effects at kumbinasyon nito sa hand-drawn animation.

Mula naman sa hand-painted backgrounds ni Kazuo Oga sa Ghibli films, gawa naman ng Studio Pablo ang breathtaking backgrounds ng unang animated feature ng Ponoc.

Kapansin-pansin din ang ‘visual homage’ ni Yonebayashi sa Ghibli partikular na ang reversal transformation ng isang karakter na maihahalintulad ng mga tagahanga kay Madam Suliman mula sa “Howl’s Moving Castle” (2004).

Sa isang panayam ng The Telegraph kay Yoshiaki Nishimura, ang animated film ay “a film for children who are moving into the 21st century. I think we all had a vision of what the world would be like but it’s not the one we’re moving into. So what filmmakers should say at a time when people are losing hope and what kind of film might help restore it in our children – are big themes for right now.”

Carving its own path: The rise of Studio Ponoc

Noong 2014, inanunsyo na hindi na gagawa ang studio ng feature films pagkatapos ng pagreretiro ni maestro Hayao Miyazaki. Sa huling bahagi ng parehas na taon, umalis naman si Yonebayashi, pinakabatang direktor sa Ghibli na 20 taon na sa studio. Sa kabila nito, naglabas ng pahayag noong 2015 si Ghibli producer Toshio Suzuki, “Right now, Studio Ghibli is open, but not in production. We’re worrying over what would be good to make.”

Pumasok ang direktor sa Ghibli noong late 1990s at nagsimula sa paggawa ng clean-up animation (Princess Mononoke - 1997) hanggang sa in between animation (My Neighbors The Yamadas - 1999), key animation (Spirited Away – 2001/Howl’s Moving Castle – 2004/Ponyo – 2008/ From Up on Poppy Hill - 2011), at assistant animation director (Tales from the Earthsea – 2006) bago siya maging direktor sa Arrietty.

At noong Abril 2015 ay inilunsad nina Yonebayashi at Nishimura kasama ang ilan pang dating empleyado ng Ghibli ang Studio Ponoc. Ang pangalan nitong Ponoc ay isang salitang Croatian na ang kahulugan ay ‘midnight’ na may reperensiya sa pag-uumpisa ng bagong araw.

Martes, Oktubre 13, 2015

‘The Tale of the Princess Kaguya’ nagningning sa Cinemalaya Independents: Asian Showcase

Ni Jovelyn Javier


Isa ang award-winning animated feature na “The Tale of the Princess Kaguya” ng Studio Ghibli at mula sa direksyon at panulat ni Isao Takahata, isa sa founders ng Studio Ghibli ang itinampok sa kamakailang Cinemalaya 2015 sa Independents: Asian Showcase. Kilala si Takahata sa iba pang Studio Ghibli films kagaya ng “Grave of the Fireflies,” “Only Yesterday,” “My Neighbors The Yamadas” at “Pom Poko.” 

Base ang kwento ng The Tale of the Princess Kaguya sa isang ika-10 siglong katutubong kwento na “The Tale of the Bamboo Cutter” at itinuturing na pinakaunang Japanese prose narrative mula sa Tokugawa period. Ngunit sa pagsasapelikula nito, binigyan ito ng bago at modernong pakiramdam na maiintindihan at matatanggap ng mga tao. 

Sentro ng pelikula ang pagkakatuklas ng isang bamboo cutter na si Okina (Takeo Chii) ng isang maliit na sanggol sa loob ng isang kawayan. Naniniwala si Okina na isang espesyal na sanggol ito at regalo mula sa kalangitan. Inuwi niya ang sanggol sa kanyang maybahay na si Ona (Nobuko Miyamoto) at nang kargahin niya ito ay biglang lumaki ang sanggol.

Pinangalanan nilang Kaguya (Aki Asakura) ang sanggol, na ang ibig sabihin ay “radiant night” dahil nang matagpuan siya ni Okina sa loob ng kawayan ay may nakasisilaw na liwanag na nagmula rito.

Napansin ng ibang mga bata ang mabilis na paglaki ni Kaguya at sinimulan siyang tawaging “Takenoko” o little bamboo dahil kagaya ng isang kawayan ay mabilis din siyang lumaki. Naging malapit siya sa mga batang ito lalo na kay Sutemaru (Kengo Kora).

Isang araw, may natagpuang ginto at magagandang tela si Okina mula sa isang kawayan at lalo itong nakumbinse na isang banal na prinsesa si Kaguya. Umalis sila sa nayon patungo sa siyudad, tumira sa isang mansyon na may mga tagasilbi, hanggang sa mga naggagandahang kasuotan at istriktong pagsasanay para maging isang marangal na prinsesa si Kaguya.

Kalaunan, opisyal na siyang pinangalanang Kaguya-hime (Princess Kaguya) dahil sa kakaibang ningning na nagmumula sa kanya kapag nakikita siya ng ibang tao. Habang ipinagdiriwang ang opisyal na pagbibigay pangalan sa kanya, kinutya ng ilang mga bisita ang kanyang ama na isang simpleng dalaga lang naman si Kaguya at ginagamit lang ni Okina ang kanyang pera.

Nang hindi na makayanan ni Kaguya ang mga mabigat at ipinipilit na tungkulin sa kanya bilang prinsesa sa lupa, humingi siya ng tulong sa buwan. Dito napagtanto ni Kaguya na galing siya sa buwan at dumating siya sa lupa dahil sa pagbali niya ng batas sa buwan sa kagustuhang maranasan ang buhay mortal. 

Ipinapakita ng pelikula kung paanong ang isang hindi mortal gaya ni Kaguya ay nakahanap ng kaligayahan sa piling ng kanyang mga mortal na magulang at  mga kaibigan. At bagaman ‘di perpekto ang buhay, nadiskubre niya ang napakaraming kasaganaan ng buhay sa lupa na puno ng kulay at iba’t ibang mga nilalang, dito niya naranasan ang sarap ng buhay at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malapit na koneksyon sa mga tao. 


Kapansin-pansin din ang kakaibang animation style ng pelikula na hand-drawn o brush-troke na animo’y inii-sketch ang bawat eksena sa harap ng manonood habang nangyayari ito. Maihahalintulad din ito sa mga traditional painting ng Japan. Dagdag pa ni Takahata, pinili niya ang istilong ito dahil gusto niyang hindi ito makalimutan ng mga tao at dahil may kakayahan ang mala-painting na animation para pagalawin ang malawak na imahinasyon at kaisipan ng manonood.