“Ghibli
will continue making movies. That’s the path we follow, and all we can do is
continue, until the day we can’t anymore,” ang saad ni Studio Ghibli producer/long-time
Miyazaki collaborator Toshio Suzuki sa panayam ng The Japan Times tungkol sa
ikalawang beses na “coming out of retirement” ni anime maestro, Hayao Miyazaki.
Sa
opening event ng Natsume Soseki Memorial
Museum bilang panauhing pandangal na ginanap sa Waseda University sa Tokyo,
inanunsyo ni Hayao Miyazaki ang upcoming feature-length animated film na
pinamagatang, “Kimitachi wa Do Ikiru
ka” (How Will You Live?), na siyang
magiging huling pelikula na ng award-winning anime filmmaker.
Matatandaang
noong 2013, kasabay ng promosyon ng “Kaze
Tachinu” (The Wind Rises), na noo’y
inanunsyong huling obra ni Miyazaki, na magreretiro na ang acclaimed anime
director. Ngunit nitong nakaraang Pebrero ay muling lumabas sa pagreretiro si
Miyazaki, ayon na rin kay Suzuki.
Bagaman
tumigil si Miyazaki sa paggawa ng anime features, pinag-aralan nito kung paano
mag-animate sa computer at naging abala rin sa CG short film na “Kemushi no
Boro” (Boro the Caterpillar).
A story of spiritual revolution
“The
film is about how this particular book is featured prominently in the
protagonist’s life. It will take three to four years to complete the anime,”
ang tugon ni Miyazaki sa panayam ng The Asahi Shimbun.
Hango
ang pamagat nito sa 1937 novel ni Genzaburo Yoshino na tungkol sa
pakikipagsapalaran sa buhay ng binatang si Koperu sa pamamagitan ng
pakikisalamuha nito sa kanyang tiyuhin at mga kaibigan, kung saan matututuhan
nito ang kahulugan ng pamumuhay bilang isang tao.
Bagaman
parehas ang pamagat at mahalaga ang nobela sa kwento ng pangunahing karakter, hindi
ito isang direktang adaptation ng naturang nobela, gaya na lang ng ginawa sa
The Wind Rises, na hango ang pamagat naman sa nobela ni Tatsuo Hori.
A grand fantasy
Sa halip,
ito ay isang fantasy-action-adventure at magtatampok ng hand-drawn artwork kung
saan higit na kilala si Miyazaki, gaya na lamang ng mga naunang Studio Ghibli
hits na “Nausicaa of the Valley of the Wind,” “Howl’s Moving Castle,” “Laputa:
Castle in the Sky,” “Spirited Away,” at “Princess Mononoke.”
“The content of the film is very different
from what you’d expect from the title. It’s a grand fantasy. Looking at the storyboards,
I could easily understand why Miya-san changed his mind about retiring. He couldn’t
have his career end with The Wind Rises. His reputation, after all, was
built on his fantasy action/adventure works,” ang dagdag pa ni Suzuki sa
dahilan ni Miyazaki sa pagbabalik sa paggawa ng animated films.
Inamin
din ni Suzuki na mayroon nang 20-minutes’ worth of storyboards na natapos ni
Miyazaki. At kamakailan lang din ay naging abala ang Studio Ghibli sa
recruitment ng mga bagong animators para tumulong sa pagkumpleto ng pelikula.
Studio Ghibli magic continues
Taong
2014 nang huling maglabas ng animated feature ang Studio Ghibli sa “When Marnie
Was There.”
At
bagaman medyo natagalan ang pagbabakasyon ng studio simula rito, inanunsyo ni
Suzuki na kasabay ng bagong produksyon ni Miyazaki ay abala rin ang studio sa
isang CG film na pangungunahan naman ng anak ni Miyazaki na si Goro, na siyang
direktor ng 2011 Ghibli anime “From Up on Poppy Hill,” 2006 fantasy film “Tales
from Earthsea” at 2014 CG TV series na “Ronja, the Robber’s Daughter.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento