Lunes, Agosto 7, 2017

Studio Ponoc’s debut feature ‘Mary and the Witch’s Flower’: The familiar Ghibli tale and modern newness


“It’s a delightful children’s fantasy film that perfectly captures the charm and whimsy of a classic Ghibli tale, but with a more updated, modern look,” ang isa sa pagsasalarawan ng Anime News Network sa unang feature film ng bagong Studio Ponoc na pinamagatang “Mary and the Witch’s Flower” na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan dito sa Japan ngayong buwan.

Base ang naturang anime film sa 1971 English novel ni Mary Stewart na “The Little Broomstick” at ito naman ang ikatlong directorial film ni Hiromasa Yonebayashi, direktor ng critically-acclaimed Studio Ghibli films, ang fantasy na “Arrietty” (2010) at drama-mystery na “When Marnie Was There” (2014).

Ang screenplay ay gawa ni Yonebayashi at Riko Sakaguchi (The Tale of the Princess Kaguya) at musika mula kay Takatsugu Muramatsu (When Marnie Was There).

Striking first impression, keeping the spirit of Studio Ghibli

Sentro ng kwento nito ang 10-taong-gulang na si Mary na pinapunta sa bahay ng kanyang tiyahin kung saan niya makikilala ang isang itim na pusa, na magdadala sa kanya sa isang kakaibang bulaklak sa kagubatan. Mula rito, mabibigyan siya ng kakaibang kapangyarihan at madidiskubre ang isang mahiwagang lugar.

Mula pa nang mailabas ang teaser nito noong Disyembre, nakapukaw agad ito ng malaking atensyon sa kanyang nakamamanghang artwork na hindi maikakailang may pagkakahawig sa istilo ng Ghibli ngunit may katangian din na naiiba gaya ng upgraded CG at digital effects at kumbinasyon nito sa hand-drawn animation.

Mula naman sa hand-painted backgrounds ni Kazuo Oga sa Ghibli films, gawa naman ng Studio Pablo ang breathtaking backgrounds ng unang animated feature ng Ponoc.

Kapansin-pansin din ang ‘visual homage’ ni Yonebayashi sa Ghibli partikular na ang reversal transformation ng isang karakter na maihahalintulad ng mga tagahanga kay Madam Suliman mula sa “Howl’s Moving Castle” (2004).

Sa isang panayam ng The Telegraph kay Yoshiaki Nishimura, ang animated film ay “a film for children who are moving into the 21st century. I think we all had a vision of what the world would be like but it’s not the one we’re moving into. So what filmmakers should say at a time when people are losing hope and what kind of film might help restore it in our children – are big themes for right now.”

Carving its own path: The rise of Studio Ponoc

Noong 2014, inanunsyo na hindi na gagawa ang studio ng feature films pagkatapos ng pagreretiro ni maestro Hayao Miyazaki. Sa huling bahagi ng parehas na taon, umalis naman si Yonebayashi, pinakabatang direktor sa Ghibli na 20 taon na sa studio. Sa kabila nito, naglabas ng pahayag noong 2015 si Ghibli producer Toshio Suzuki, “Right now, Studio Ghibli is open, but not in production. We’re worrying over what would be good to make.”

Pumasok ang direktor sa Ghibli noong late 1990s at nagsimula sa paggawa ng clean-up animation (Princess Mononoke - 1997) hanggang sa in between animation (My Neighbors The Yamadas - 1999), key animation (Spirited Away – 2001/Howl’s Moving Castle – 2004/Ponyo – 2008/ From Up on Poppy Hill - 2011), at assistant animation director (Tales from the Earthsea – 2006) bago siya maging direktor sa Arrietty.

At noong Abril 2015 ay inilunsad nina Yonebayashi at Nishimura kasama ang ilan pang dating empleyado ng Ghibli ang Studio Ponoc. Ang pangalan nitong Ponoc ay isang salitang Croatian na ang kahulugan ay ‘midnight’ na may reperensiya sa pag-uumpisa ng bagong araw.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento