Ipinapakita ang mga post na may etiketa na teleserye. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na teleserye. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Marso 29, 2016

Bagong teleserye nina Elmo at Janella kinunan sa Japan

Janella Salvador and Elmo Magalona

Lumipad kamakailan sa Japan ang bagong bini-build up na loveteam ng ABS-CBN na sina Janella Salvador at dating Kapuso star na si Elmo Magalona para sa kanilang bagong teleserye na may pamagat na “Born For You.”

Hango ang istorya sa paniniwala ng mga Japanese na mayroong nagkokonekta na invisible red line sa dalawang taong itinadhana para sa isa’t isa. Maraming eksena ang kinunan sa ilang magagandng lugar sa Tokyo kasama ang ilang co-stars na kinabibilangan nina Vina Morales, Ayen Munji-Laurel, Ogie Diaz at Joj Agpangan.

Kahit na bago pa lamang ang tambalan nina Elmo at Janella o “ElNella” sa kanilang mga fans ay makikitaan na ng chemistry ang dalawa at tila nagkakalapit na rin ang kanilang loob. Parehong anak ng singers ang dalawa kaya’t nagkakasundo ang dalawa.

Si Elmo ay anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona habang si Janella naman ay anak nina “Miss Saigon” star na si Jenine Desiderio at singer Juan Miguel Salvador. Aminado si Elmo na excited siya na makatrabaho ang dalaga.

“It’s cool that we come from a family of musicians. Janella is bubbly, very easy to work with, and very energetic that’s why I am really excited to work with her,” saad ng batang Magalona.

“When I saw Elmo, I felt good because I will get to work with someone fresh since we haven’t worked before. I’m excited with the music angle in our teleserye because both our parents are musical people,” dagdag naman ni Janella.


Produced ng Dreamscape Productions ang Born For You na nasa likod din ng ilang popular na teleserye ng ABS-CBN gaya ng “On the Wings of Love,” “FPJ’s Ang Probinsiyano,” “Doble Kara” at “And I Love You So.”

Huwebes, Hulyo 16, 2015

Rhian Ramos: Out of her comfort zone



Isa ang magandang aktres na si Rhian Ramos sa mga parating handa na sumabak sa kakaibang papel sa loob at labas ng showbusiness. Malakas ang loob at bukas sa mga bagong kaganapan na sa tingin niya ay makakatulong sa paglago ng kanyang karera at personalidad, nagbubunga ang pagiging “risk-taker” ng dalaga dahil dagsa ang proyekto sa kanya ngayon.

Matapos ang matagumpay niyang serye na “My Destiny” kasama sina Tom Rodriguez at Carla Abellana, abala ang 24-taong-gulang na si Rhian sa pagganap bilang Jade sa primetime series ng Kapuso network na “The Rich Man’s Daughter” na tungkol sa pag-iibigan ng dalawang babae.

Kung gaano naging maingay at makulay ang naturang serye, ganoon din ang pagpasok ni Rhian dito bilang pangunahing tauhan. Ito ay dahil para sana kay Marian Rivera ang naturang papel ngunit kinailangan nitong mag-backout dahil sa pagbubuntis sa unang anak kay Dingdong Dantes.

Biglaan at wala man sa kanyang plano, walang kagatol-gatol na tinanggap ni Rhian ang proyekto na isang malaking hamon dahil ito ang unang beses na magkakaroon ng ganitong tema sa primetime series ng GMA-7.

“Naisip ko, ‘Lord, may dahilan kung bakit mo binibigay sa akin ito. Kaya kung anong blessing ito galing sa inyo, tatanggapin ko’,” pag-amin ng dalaga hinggil sa pagtanggap niya ng bagong proyekto na ito.

Aminado si Rhian na labis siyang kinabahan dahil wala siya masyadong naging preparasyon sa ginagampanan papel at sa magiging reaksiyon ng mga manonood sa kakaibang teleserye na ito. Umiinog ang istorya sa papel ni Rhian na si Jade, na mula sa mayamang pamilya, na magkakagusto sa isang babae sa katauhan ni Althea na ginagampanan naman ni Glaiza de Castro na pagmumulan ng iba’t ibang kumplikasyon.

“Sobrang natakot ako sa magiging reaksiyon ng mga tao kasi hindi ko talaga siya napaghandaan. Nalaman ko na ako iyong papalit kay Marian two days before the taping day. Kinabahan talaga ako kasi baka magkaroon ng comparison,” bulalas ni Rhian.

Nakahinga ito ng maluwag dahil bukod sa suporta na nakuha niya sa cast and crew tulad nina Glaiza, Luis Alandy, Katrina Halili, Chynna Ortaleza at Direk Dom Zapata ay positibo ang naging reaksiyon ng mga manonood simula ng umere ito noong nakaraang buwan. Sa katunayan ay mataas ang rating ng bawat episode at laging nagti-trending sa Twitter.

“Masaya kasi may approval na siya ng fans. Mas may freedom na ako mag-explore sa character ko, sa bawat scenes dahil kahit paano nawala ang worries ko,” ani Rhian sa kanyang papel na hindi karaniwan sa mga ginagawa niya.

Ibang interes

Hindi lamang nakakahon sa showbiz ang atensiyon ni Rhian. Kapag hindi abala sa shootings at tapings, makikita ang dalaga sa racing track na nag-eensayo. Nito lamang Marso ay sumali si Rhian sa Toyota Vios Cup kasama ang ilang celebrities tulad nina Derek Ramsay, Jasmine Curtis, Kylie Padilla, at Phoemela Baranda.

“Sinubukan ko lang siya and talagang nagustuhan ko na. When I’m racing, I feel so free and wala akong ibang iniisip kundi iyon lang,” pahayag ni Rhian sa isang panayam hinggil sa kanyang mapanganib na interes.

Bukod sa car racing, interes din ni Rhian ang fashion at sa katunayan ay marunong itong mag-design at manahi. Isa sa pinagtutuunan niya ng pansin bago mapasabak sa The Rich Man’s Daughter ay ang pagtatayo ng website kung saan kanyang pagsasamahin ang mga local fashion designers.

“Before I got the call for The Rich Man’s Daughter I was working on a passion project: a website that features the wonderful clothes we have in our backyard.

“I wasn’t expecting to get so busy so quickly and this sudden switch forces me to put this project on hold for a while. But it's coming. Because local talent needs to be discovered, appreciated, and shared,” ani Rhian sa kanyang Intagram account.

Martes, Abril 14, 2015

Enrique Gil at Liza Soberano, ang bagong minamahal na loveteam sa primetime


Patuloy na nagpapakilig ang tambalang Enrique Gil at Liza Soberano o kilala rin sa tawag na LizQuen sa primetime series ng ABS-CBN na “Forevermore.” Ginagampanan ni Enrique Gil ang karakter ni Alexander “Xander” Grande III na rebeldeng anak ng mayamang pamilya na nagmamay-ari ng Grande Hotel. Nagkagusto siya sa isang strawberry farm girl na si Agnes Calay na ginagampanan naman ni Liza.

Maituturing na isang tagumpay na eksperimento ang ginawang pagtatambal sa dalawang young stars. Hindi inaasahan nina Enrique at Liza ang mainit na pagtangkilik ng publiko sa tambalan nila. Bagaman nag-umpisa silang hindi magkakilala at may pagka-ilang sa kanilang unang tambalan, mabuting magkaibigan na ang dalawa sa kasalukuyan.

Bago mabuo ang tambalan

Bago ipinarehas si Enrique kay Liza, nakilala na ito sa kanyang mga ginampanang karakter sa telebisyon sa teleseryeng “Mula Sa Puso,” “Budoy,” “Muling Buksan Ang Puso,” “Mirabella,” “Princess & I” at sa pelikulang Way Back Home,” “The Reunion,” “The Strangers” at “She’s the One.” Nakuha ni Enrique ang kanyang unang TV role sa action-drama series na “Pieta.”

Ayon sa actor-dancer, pinaka-memorable project niya ang “Princess & I,” kung saan gumanap siya bilang si Dasho Jao. Dagdag pa nito, nakatulong sa kanya ang karanasan niya sa naturang teleserye para sa mga proyekto pang darating. Unang inilunsad si Enrique bilang bahagi ng Star Circle Batch 16.

Mas baguhan naman sa industriya si Liza na unang nakilala bilang modelo sa mga print at TV ads. Ipinanganak sa California ang dalaga kung kaya’t hindi ito marunong mag-Tagalog noon ngunit hinakayat siyang pag-aralan ang lengguwahe ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz. Bago naging bahagi ng Star Magic 2013, nauna na itong nakapirma sa GMA Artist Center ngunit kalaunan ay nagdesisyong tanggapin ang alok ng Star Magic. Lumabas na rin siya sa teleseryeng “Got to Believe” at “Kung Ako’y Iiwan Mo” at pelikulang “Must Be… Love” at “She’s the One.”

Espesyal na pagtitinginan

Inamin naman kamakailan ni Enrique na itinuturing niyang malapit na kaibigan ang dalaga ngunit hindi rin naman nito ikinaila ang posibilidad ng pagiging totohanan ng kanilang loveteam. Dagdag pa ng aktor, marami silang pagkakaparehas ni Liza kaya’t mabilis silang naging malapit sa isa’t isa. Ipinaalam na rin ng aktor ang kanyang espesyal na pagtingin kay Liza.

Unang impresyon naman ni Liza kay Enrique ay may pagka-playboy ito ngunit kalaunan ay natuklasan ng dalaga na isa palang family-oriented na tao ang kapareha. Aniya, isang mabuting kaibigan si Enrique na napagsasabihan niya ng problema at tumutulong sa kanya.

Bagaman hindi pa pinapayagang magka-boyfriend ang dalaga, sinigurado naman ni Enrique ang kanilang pagkakaibigan pagkatapos ng kanilang serye. Bukas naman ang dalaga sa posibilidad na maging sila ni Enrique. Dagdag pa nito, hindi mahirap magustuhan si Enrique ngunit sa ngayon ay doon muna sila sa kani-kanilang mga prayoridad.

Sa patuloy na tagumpay ng Forevermore, magsasamang muli ang LizQuen sa isa namang pelikula na adaptation ng Wattpad book na “The Bet.” Gagampanan ni Enrique si Drake na liligawan si Sophia na gagampanan ni Liza dahil sa isang betting game sa kanyang kaibigan at kapag nagtagumpay siyang mapaibig ang dalaga ay kailangan na nitong sabihin na hindi totoo ang lahat.

Umeere ang Forevemore gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng “Dream Dad.” Tampok din sa serye sina Zoren Legaspi, Lilet, Joey Marquez, Irma Adlawan, Marissa Delgado, Almira Muhlach, Michael Flores, Bernadette Allyson, Sofia Andres, Diego Loyzaga, Yves Flores, Kit Thompson at marami pang iba.



Lunes, Hunyo 2, 2014

Madramang telebisyon

Ni Rey Ian Corpuz

 Ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa mga drama sa telebisyon ay nagsimula pa noong unang panahon sa komiks at radyo, bago pa man namayagpag ang mga ito sa telebisyon. Dati-rati noong wala pang live satellite ang dalawang kilalang istasyon, ang drama sa radyo kada umaga ang parati kong naririnig sa aming kapitbahay. At ang mga makukulay na komiks na mula bata hanggang matanda ay ang pinagkakalibangan ng karamihan noon.

Ang mundo ng telebisyon sa Pilipinas ay kinukontrol lamang ng dalawang kilalang istasyon simula’t sapol. Ang mga ito ang nagsisilbing susi kung papano naiibsan at nairaraos ng mga Pilipino ang konsepto ng libangan o entertainment.

Masasabi ko na halos walang kumpetisyon sa mundo ng telebisyon sa Pilipinas. Napapansin ko na simula noong namayagpag ang “Marimar” sa RPN9 ay halos ganitong format ang pamantayan na kanilang sinusunod. May bida, may kontrabida. Kahirapan doon, may mayaman dito. May naaapi, may nang-aapi. Halos lahat parehas. Iba-iba lang ang gumaganap. Nag-iiba lang ang lugar ng istorya at mga karakter pero ang puno’t dulo ng lahat ay pareho pa rin.

Kapag ang isang dramang palabas ay nag-click dahil sa sabunutan o sampalan, lalong pahahabain ito at gagawan pa ng marami at mas matinding sabunutan, sampalan at sapakan. At kapag mataas sa rating ay hahaba pa nang hahaba ang pag-ere nito hanggang ilang taon basta malakas ang hatak sa masa.

Hindi ba nakakasawa minsan? Madrama na nga ang buhay natin, dadagdagan pa ng mas maraming drama. Pagkatapos ng programang balita ay eere ng dalawa hanggang tatlong oras na puro drama. Minsan naman may comedy pero mas marami pa rin ang drama. May mga taon na tadtad ng pantasya ang telebisyon. Samu’t saring mga superheroes ang nagsisilabasan at kahit pabalik-balik na lang ang mga titulo ay ginagawan pa ng comeback at revival.

Ang mga dramang ito ay sumasalamin ba sa totoong buhay ng mga Pilipino? Marahil, dahil nakikita natin ang ating mga sarili sa mga inaaping bida at kapag nakita natin na nalalampasan nito ang mga pagsubok ay nararamdaman natin na tayo rin ay nakakaangat sa ating mga dinadalang problema. Tama po ba?

Pero hanggang saan ba ang ating pagkahilig sa drama? Wala na bang pagbabago? Wala na bang ibang magandang naiisip ang mga manunulat natin na magandang script? Iyon bang mga out-of-the-box stories o kakaiba na kailanman hindi pa natin napanood sa sine o TV series ng Amerika. Iyon bang TV program na hindi gaya-gaya puto maya ang konsepto.  Kailan pa kaya aangat ang kalidad ng ating mga programa?

Oo, may kapupulutang aral ang panonood pero mas may kapupulutang aral ang mga mamamayan natin kung iyong mga educational entertainment programs ang i-produce ng mga malalaking istasyon sa atin. Kailangan ng malaking reporma sa telebisyong Pilipino upang maiangat ang antas ng pag-iisip ng ating mga mamamayan. Hindi nadaragdagan ang kaalaman ng mga masa sa atin sa panonood ng mga drama at kung anu-anong tsismis na mga palabas.

Walang mabuting maidudulot sa mga kabataan ang mga programang puro tambalan ng mga teen stars na nagpapa-cute sa TV. Dahil sa mga ito halos lahat sa atin gustong maging artista. Ika nga ng isang sikat na host sa TV, kung gusto ninyong talagang makatulong sa inyong mga magulang, huwag kayong mag-artista kundi mag-aral kayo ng mabuti.

Kung dito sa Japan, ang kanilang mga palabas sa TV ay iba-iba ang tema at konsepto. Hindi lamang ito nakatuon sa drama kundi sa lahat ng aspeto ng buhay. May paglalakbay na programa, may talk show, may comedy show, may karaoke shows, may cooking shows, may variety, may entertainment, may mga palabas na pagpapahalaga sa kultura, may mga educational shows, may mga palabas na Hollywood films, may mga pambata na anime, may mga news at marami pang iba. Iba-ibang istasyon, maraming pribado, may isang gobyernong istasyon pero sa pangkalahatan ay malaki at malawak ang pagpipilian at maraming kapupulutan ng aral.

Bakit hindi pagtuunan ng ating mga higanteng media corporations ang pagpapalawak ng kulturang Pilipino? Bakit kumokonti na ang mga travel shows? Bakit halos wala nang educational na palabas lalo na sa primetime na pambata? Bakit walang mga palabas na nauukol sa siyensiya, agham at teknolohiya?

Marahil maraming dekada pa ang tatahakin ng ating lipunan upang magising sa pagbabago. Marami pang pagdadaanan ang ating lipunan upang mabago ang kamalayan sa pagpili kung ano ang dapat panoorin at ipapanood sa kanilang mga anak. Masakit sabihin pero mukhang lalong pumapanget at nagiging mababa ang lebel ng kalidad ng ating mga programa sa Pilipinas. 


Kailangan may balanse ang lahat. Hindi lang kita sa advertisements ang dapat pagtuunan ng pansin kundi kung ano ba ang naibibigay na kabutihan sa ating mga manonood at kung ano sa pangkalahatan ang maibibigay nito para sa ating bansa sa mahabang panahon. Ito sana ang pagtuunan at bigyang pansin ng ating mga kababayan. 

Miyerkules, Oktubre 9, 2013

'Akin Pa Rin Ang Bukas': Taking TV drama a notch higher




As GMA Network continues to bring superior and world-class entertainment to its viewers locally and abroad, they have a new offering which elevates drama to a higher plateau. For sure, many Filipinos will be captivated by the grand soap opera titled “Akin Pa Rin Ang Bukas.” 

The show features some of the industry’s finest and respected artists in plum roles. It is headlined by no less than the Kapuso’s “Premiere Actress”, Lovi Poe – as she takes on a winning lead role as Lovelia Villacorta, a woman who turns vengeful against the people who betrayed her. Lovelia is out to prove that everyone deserves equal rights for genuine and real love despite being born out of wedlock.

Lovi has quickly earned her laurels with the recognition and awards from different award giving bodies in the industry and established herself as one of the country’s most in-demand and finest actresses in film and television. She is hungry to make it far and ready to showcase her depth and versatility via her meaty role in the series.

Sought-after leading man Rocco Nacino reunites with Lovi in “Akin Pa Rin Ang Bukas” as he portrays the role of Jerry, a man who will be trapped in a game of lies and deceit orchestrated by his childhood love Agatha played by Charee Pineda.

One of the industry’s most versatile actors Cesar Montano joins the powerhouse cast as Conrad Alperos, the most trusted lawyer of Lovelia’s father, Roel Villacorta to be played by Gary Estrada. Conrad Alperos will eventually fall in love in with Lovelia and will become her protector. Cesar is very happy to be back on GMA and feels very excited working alongside some of the network’s finest artists via the primetime series.

Playing equally important roles in the program are two of the industry’s most esteemed veteran actresses: The Original Queen of Philippine Movies, Ms Gloria Romero as Cristina Alperos, mother to Conrad Alperos and Ms. Liza Lorena as Beatrice Villacorta, mother of Roel.

Beautiful Kapuso star Solenn Heussaff is set to show a new dimension to her acting ability in the series as Jade, the girlfriend of Conrad Alperos. Jade is out to take revenge after being ditched by Conrad. Solenn is very honored to be part of the formidable cast of “Akin Pa Rin Ang Bukas.”

Set to portray the role of Agatha Morales is newest Kapuso Charee Pineda. With her challenging role as one of the antagonists in the series, Charee is ready to deliver an exceptional performance as the ambitious woman who is willing to compromise her integrity and morals for her selfish motives.

GMA Network is proud to present a stellar cast of the country’s most prized artists: Ina Feleo as Emma Ignacio; Glenda Garcia as Jenny; Tia Pusit as Nanay Selya; Steven Silva as Tisoy; Kier Legaspi as SPO 2 Brando Morales; Ruru Madrid as Junior and Freddie Webb as Jaime Villacorta.

To helm this primetime masterpiece is one of Philippine Cinema's all-time best actresses and directors, Ms. Laurice Guillen. GMA takes pride in producing a program with Ms. Guillen as the director who is known in the industry for her outstanding directing style and technique.

In “Akin Pa Rin Ang Bukas”, viewers will witness how Lovelia will reclaim what’s rightfully hers after being deceived by the people close to her. She will learn how to take matters into her own hands and seek revenge against Jerry and Agatha who destroyed her life and acquired all her possessions.

With Conrad on her side, will Lovelia’s love for Jerry eventually fade away? Will Lovelia succeed in her quest for vengeance?

Don’t fail to watch this compelling drama on GMA Pinoy TV!