Ipinapakita ang mga post na may etiketa na opinion. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na opinion. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Nobyembre 6, 2016

Dignidad at totoong kalayaan

Ni Al Eugenio

Ipinagmamalaki ng mga Japanese na ang kanilang bansa ay isa sa mga kinikilala at iginagalang sa buong mundo. Ito ay dahil sa naipakilala nila sa buong mundo na kaya nilang gumawa ng paraan na maitaguyod ang kapakanan ng kanilang bayan na hindi lubusang aasa sa tulong ng ibang bayan.  

Nang matapos ang World War II, naging masunurin sila sa kanilang mananakop na hanggang sa ngayon, ang saligang batas na kanilang sinusunod ay ang saligang batas na isinulat pa ni  dating Heneral Douglas McArthur na pinakamataas na pinuno ng pwersang nagpasuko sa Japan.

Bagamat sila ay nasakop ng Estados Unidos, hindi sila nagpabaya na lagi na lamang maging sunud-sunuran sa bansang Amerika. Gumawa sila ng paraan kung papaano nila muling maitatayo ang kanilang lipunan at maibalik ang dignidad at dangal ng kanilang bayan.  

Dahil sa kanilang matinding pagnanais na makatayo, hindi nila hinintay ang mga tulong mula sa kanilang mananakop at iba pang bayan, gumawa sila ng sarili nilang pamamaraan upang maitaas ang tingin sa kanila ng ibang bansa kahit na ang Japan ay salat sa likas yaman at kulang ang kaalaman sa salitang banyaga na sa larangan ng komersyo ay pangunahing kailangan.

Mula pa noong ang Pilipinas ay binigyan ng kalayaan, may mahigit ng 100 taon ngayon ang nakararaan, nananatili pa rin sa kaisipan ng marami nating kababayan na maging sunud-sunuran sa mga gawi ng mga bansang sumakop sa atin.

Noong araw, marami ang mga gustong nagsasalita ng EspaƱol at nang lumaon ay pa-Ingles-Ingles naman. Lagi nating ginagaya ang kanilang mga gawi tulad ng pananamit, mga galaw at pati na kanilang kultura at pagsasalita na halos pati na ng ating sariling wika ay atin nang ikinahihiya.

Kahit na sa mga pagbabalangkas ng mga binubuong batas, madalas lumalabas ang mga katwiran, tulad halimbawa ng same-sex marriage, sabi ng iba, maaari na rin daw nating ipatupad sa Pilipinas dahil sa ito ay ipinatutupad na sa ibang bansa.

Bakit kailangan nating laging sinusundan ang mga dayuhan? Wala ba tayong tiwala sa ating mga kakayahan na maging bansa na may sariling pagkakakilanlan?

Nang unang magpahayag ang ating Pangulong Rodrigo Duterte sa ibang bansa na huwag tayong pakialaman, kasabay ng makukulay na insulto sa kanilang mga pinuno, marami sa ating mga kababayan ang nagulat at nagpahiwatig ng pag-aalala. Ito ay dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon tayo ng pinuno na gustong ipakilala sa buong mundo na tayo ay isang bansang maaaring mabuhay kahit na walang tulong mula sa ibang bansa.

Nasanay na ang ating mga kababayan sa mga pamamaraan ng ating mga nakaraang pinuno na laging umaasa sa proteksyon ng ibang bansa.

Sa pagkakataong ito, nagkaroon tayo ng bagong pangulo na nais ipakilala sa buong mundo na ang mga Pilipino ay hindi mga alipin. Hindi mga nagpapalimos.  Nangyari lamang sa atin ang pagkakakilanlang ganoon dahil sa mga maling pananaw ng ating mga nakaraang mga namumuno.

Sa pagkakataong ito, marami sa ating mga kababayan ang magigising sa bagong pananaw na tayo ay isang lahi na may sariling pagkakakilanlan na hindi katulad ng mga alipin na inuutus-utusan.

Sa pagkakataong ito, pagkatapos na mawala ang mga mapagsamantalang namumuno sa ating bayan, maipapakilala natin sa buong daigdig na tayong mga Pilipino ay may naiibang kakayahan,  unti-unting tumitindig sa ating sarili na may dignidad at totoong  kalayaan.


Ang tunay na kahulugan ng Pasko

Ni Elvie Okabe, DBA/MAE

Pagsapit ng Setyembre ay naaamoy na sa atin sa Pilipinas ang simoy ng Pasko dahil sa mga tugtugin sa radyo o mga dekorasyon sa department stores ngunit dito sa Japan kahit mismong Pasko na na ay ‘di pa rin mararamdaman.

Subalit ano nga po ba ang tunay na kahulugan ng Pasko? Pinaghahandaan ba natin ito sa magagarbong materyal na bagay para sa ating sarili, tahanan, at para sa ating mga bisita? O ‘di kaya ay upang makapagbahagi ng ating mga biyaya mula sa Diyos para sa mga ulila at kapus-palad? Alin ang mas nakakapagpaligaya sa atin sa dalawang puntos na nabanggit?

Ang salitang Christmas ay mula sa salitang “Christ,” na ang ibig sabihin ay “Kristo Hesus” at “mas,” na salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay “more.” So, in other words, Christmas really means “more of Christ,” that is why we say that Jesus is the reason for the Christmas season and all seasons of every year.

Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos Ama ay niloob Niya na magkatawang tao sa pamamagitan ni Hesus, na Diyos Anak na isinilang na batang paslit sa sabsaban ng mga hayop.

Ipinararating nito na kailangan natin isipin at maintindihan ang mga paraan para sa ikaluluwalhati o ikalulugod ni Hesus at hindi ng pansariling pangangailangan lamang. Ang isa pa pong ibig sabihin ng Pasko ay ang pagkakaroon ng “spirit of poverty” anuman ang katayuan sa buhay. Ito ay ang ugaling simple sa buhay at hindi magarbo sa pagkain, pananamit o sa mga gamit upang higit pa nating maalala at matulungan ang iba.

Narito po ang ilang mga mungkahi o ideya kung paano tayo magkaroon ng mas makahulugang Pasko na puno ng pagmamahal at biyaya:
1.      Maglaan ng budget para makapagbigay sa mga ulila o may kapansanan na mga bata o matatanda;
2.      Kung kapos sa pera, mag-isip ng mga ideya upang madagdagan ang kita para makapag-donate gaya ng pagtitipid o karagdagang overtime sa trabaho;
3.      Mag-isip na kung anong charity organization o simbahan tayo makapagbibigay ng ating donasyon at kung maaari po ay makibahagi ng personal sa kanilang Christmas project;
4.      Kung mayroong mga gamit sa bahay na mga bago o hindi pa nagagamit ay napakasaya sa puso kung babalutin natin ito bilang regalo;
5.      Marami pong flea market o bazaar dito sa Japan, pumunta po tayo upang makabili tayo ng mga mura at bago na pwedeng pang-regalo;
6.      Ipamigay ang mga gamit na hindi na ginagamit, bago man o hindi, para sa mga nangangailangan o iambag sa charity bazaar ng inyong pinakamalapit na simbahan;
7.      Mag-organize ng charity group party for a particular cause gaya ng “Potluck Party with Bazaar” kung saan ang mga bisita ay bibili ng pagkain at mga gamit at ido-donate ang pera sa isang mahirap na lugar sa Pilipinas.

From the ideas mentioned above you can even think of better ideas. Best of all, being kind always with our words and actions to one and all would be the best gift we can give all year round not only on Christmas season.


Halina po at tularan natin si Hesus by giving Himself to us every day sa bawat Misa na ipinagdiriwang ng mga pari sa buong mundo, at higit sa lahat ay nagkatawang tao Siya at nagpapako Siya sa Krus upang tubusin tayo sa ating mga kasalanan. 

Huwebes, Nobyembre 3, 2016

Showbiz sa Senado at Kongreso


Cesar V. Santoyo

Hindi maiiwasan na bigyan ng pansin ang mga balita sa social media hinggil sa mga kaganapan sa Mababa at Mataas na Kapulungan na naging kakumpitensya ng mga teleserye sa telebisyon.

Ang unang eksena ay ang pagpapatawag ng Senate committee on justice na noon ay pinangungunahan ni Senador Leila De Lima upang imbestigahan ang nagaganap umano na extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Lumantad ang aminadong “hired killer” na si Edgar Matobato na siya raw ay kabilang sa DDS o Duterte Death Squad. Hindi kapani-paniwala ang testimonya ni Matobato at lumabas na nasa isang panig lamang ang hearing para sirain ang reputasyon ng Pangulo. Ito ang naging hudyat para ipanukala ni Senador Manny Pacquiao na ideklarang bakante ang posisyon ng committee on Justice ng Senado.

Pinalitan ni Senator Dick Gordon si Senador de Lima at makalipas ang matagal na deliberasyon ay inilantad ng una na may nakasampang kaso ng kidnapping for ransom laban kay Matobato.

Wika ng nanggigigil na Senador Gordon, “ang kasong kidnapping for ransom ni Matobato ay napakaimportanteng impormasyon. Isang kritikal na impormasyon na dapat naisiwalat dito sa senado… at upang makaiwas sa paguuusisa, nalinlang tayo ni Matobato.”

Pagkatapos ng mainit na pagtatalo sa pagitan ni Senador Gordon at Senador De Lima, muling nag-walkout ang huli sa pangalawang pagkakataon. At nang tatawagin muli ni Senator Gordon si Matobato para hingan ng paliwanag ang kanyang kasinungalingan ay napag-alaman na wala na ang “whistleblower.”

Ayon sa opisina ni Senator Trillanes kung saan nakasailalim sa proteksyon si Matobato na wala na ito para sagutin ang tanong ng panel dahil kailangan nitong umalis para hindi makumpromiso ang seguridad.

Ikinagalit ito siyempre ni Senator Gordon na nagwikang “Para bang noong mabuko na, biglang nawala na.”

Sa Kongreso rin ay may pagdinig ukol naman sa paglaganap ng ilegal na droga sa Bilibid Prison sa panahon ng pamamahala ng dating Justice secretary Leila De Lima. Kabaligtaran ng hearing sa Senado, ang sa Kongreso ay mas maraming may sinumpaang testigo patukoy sa katiwalian na ikinakaso kay De Lima. Patuloy pa rin ang pagdinig na ito at kung nasusundan, parang showbiz din ang paglalarga kung saan pati sex video ay pampadagdag sa interes ng publiko.

Showbiz ang dating ng Senado at Kongreso. Para bang nakalimutan na ang kasalukuyang pamahalaan at ang pamamalakad nito ay humahakbang pa lamang sa ika-100 araw ng panunungkulan.

Bilang ordinaryong mamamayan ay mahirap maghusga o kaya naman ay maniwala na lamang sa mga nagaganap. Subalit ang masasalamin sa bagong presidente ay ang paninindigan sa pagkakaroon ng kapayapaan sa bansa.

Isang malaking hakbang sa loob ng 100 araw ng panunungkulan ng Pangulo ay ang pagpirma ng kasunduan tungo sa tigil-putukan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ang pagwawakas ng dekadang armadong pakikipaglaban ng National Democratic Front, New People’s Army at Communist Party of the Philippines.


Isa itong makasaysayang yugto ng ating bansa na may mas makabuluhang pagdinig na mas dapat igawad mula sa ating mga mambabatas. At sa ika-100 araw kung saan naganap ang pirmahan para sa kasunduan pang-kapayapaan ay patunay lamang na ang Pangulo ay tunay sa kanyang paniniwala at pangako ng kapayapaan sa bansa.

Pagsilip sa colonial mentality ng mga Pilipino


Ni Rey Ian Corpuz

Sa mga nakaraang buwan, ang mga salitang “colonial mentality” ay matunog na matunog sa mundo ng balita sa Pilipinas at sa mga talumpati ng ating Pangulong Rodrigo Duterte. Ano ba ang salitang ito? Ang salitang kolonyal ay nagmula sa salitang kolonya na ang ibig sabihin ay ang pagsakop at ang pamumuno ng isang dayuhang bayan o bansa sa isang mas maliit o mahinang bansa upang kontrolin nito ang ekonomiya, militar, pananalapi, kultura at iba pa.

Sa kasaysayan, ang Pilipinas ay naging kolonya ng Espanya sa loob ng 400 na taon. Sumunod nito ang mga Amerikano noong 1898 noong ibinenta tayo ng Espanya ayon sa Treaty of Paris. At sumunod naman ang mga Hapon noong World War II hanggang 1945.

Pagkatapos nito mas naging malapit ang mga Pilipino sa mga Amerikano dahil marami silang naitulong sa atin, unang-una, ang sistema ng ating edukasyon, istilo ng gobyerno, pamamahala, pananalapi, komersiyo at iba pa.

Dahil sa impluwensyang ito, mas naging bihasa tayo sa wikang Ingles kaysa sa ating sariling wika. Simula’t sapol, hindi man lang napagtuunan na dapat ang mga bagay sa wikang Ingles ay dapat may katumbas na salita sa Filipino. Ang ating Konstitusyon, mga nasusulat na batas, ang paglilitis sa korte at hudikatura, pananalapi, edukasyon at halos lahat ng aspeto sa buhay ay may bersyon sa Ingles.

Ano ba ang naging epekto nito sa atin? Marami. Ang mga Pilipino ay nasanay na nakasandal sa mga Amerikano. Hindi natin napagtuunan ang paglinang ng ating kultura dahil masyado tayong nakatutok sa kung ano ang uso sa ibang bansa.

Wala tayong masasabing totoong tradisyonal na mga laro o sports maliban sa arnis. Ang sungka, saranggola, holen, at iba pa ay nagmula sa bansang Tsina dala ng mga sinaunang nangangalakal. Hamak na tinatangkilik ng mga Pinoy ang American drama series at Hollywood movies.

Noong bata pa ako, naaalala ko na may mga komiks akong binabasa sa wikang Filipino. Dahil doon ay mas natuto akong magbasa sa wikang Filipino. Ngayon, wala na masyadong nagbabasa ng komiks. Mas pinapakinggan na rin ang mga usong kanta sa Amerika kaysa OPM. Kung ano ang teknolohiya sa Amerika ay dapat gagamitin din sa Pilipinas.

Puro na lang lahat nakadepende sa Amerika. ‘Pag sinabi ng Amerika, sunod kaagad ang mga Pilipino.
Ito ang kolonyal na pag-iisip.

Wala ba kayong napansin? Ang ating bansa sa kabuuan ay isang “consumer country” lamang. Wala tayong sariling kakayahan sa agham at teknolohiya para gumawa ng mga bagay-bagay. Ang mga sasakyan natin ay halos lahat imported. Bakit ang ibang maliliit na bansa ay may sariling car industry?

Ang bansang Hapon ay bumangon pagkatapos ng pagkatalo sa digmaan. Kasama nila ang Amerika sa pagbangon pero kahit kailanman ay hindi naging “dependent” ang mga Hapon sa mga Amerikano. Nakagawa sila ng mga sasakyan kahit pa man may Ford o Cadillac ang Amerika noon. Ang mga Hapon ay tinatangkilik ang Mizuno kahit pa man mas sikat ang Adidas o Nike. Matatag ang kanilang industriya sa pelikula at musika. Kahit pa man sabayan ng Hollywood film ang kanilang mga palabas o ‘di kaya ay bibisita si Ariana Grande sa Japan, ‘di hamak na mas malaki pa rin ang kita ng kanilang mga pelikula at mga musikero.

Ang kolonyal na pag-iisip ay tila isang sakit na kumakain sa kamalayang Pilipino. Kaya karamihan sa atin ngayon, lalo na ang media, ay pilit na hinahanapan ng “Filipino link” ang mga sikat. Halimbawa, may isang nakakuha ng gold medal na Singaporean, gagawan kaagad ng artikulo na dahil ang yaya ng naka- gold medal na Singaporean ay isang Pilipino. May isang magaling na kumanta sa isang sikat na talent show sa Amerika at UK, hahanapan kaagad ng link na may dugo itong Pinoy.


Ang mga bagay na ito ay isang pruweba na uhaw na uhaw ang mga Pilipino sa pagkilala. Bakit? Dahil ito sa mahabang panahon ng colonial mentality. Gumising na po sana tayo!

Linggo, Hunyo 12, 2016

Epekto ng social media sa mga OFWs

Ni Rey Ian Corpuz

Ang social media ay ang paggamit ng mga website o applications na nagbibigay ng oportunidad sa mga tao upang makipag-usap o makisalamuha sa pamamagitan ng pag-post o pagsagot ng mga nilalaman nito tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at marami pang iba.

Simula nang naging mas pangkaraniwan ang iPhone kaysa sa mga flip-top cellphones dito sa Japan, mas dumami ang gumagamit na mga OFWs ng social media sites. Lalo pa nitong pinarami ang bilang ng mga gumagamit noong nagkaroon ng lindol noong March 11, 2011 na kung saan mas naging mainstream ang pagpasa ng impormasyon at komunikasyon ng mga OFWs sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa Japan at maging sa kanilang kamag-anak sa Pilipinas at ibang bansa.

Sa ngayon walang aktwal na datos ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) o Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) o kahit embahada kung ilan ang mga OFWs dito sa Japan ang may e-mail, Facebook, Twitter o Instagram upang makipag-ugnayan sa kamag-anak o kaibigan. Pero ang tiyak ay halos lahat ng mga Pilipino ay nagbababad sa social media halos buong araw. Sa realidad, mas nakadepende tayo sa social media para sa halos lahat ng bagay.

Benepisyong naibibigay ng social media sa mga OFWs
1. Balita at impormasyon. Noon, kailangan pa nating i-access ang websites ng bawat news agencies like Inquirer at GMA pero ngayon, kailangan mo lang i-like at i-add ang kanilang mga pages o accounts at automatic na lalabas ang kanilang mga news sa iyong Facebook page.

2.  Palabas sa TV tulad ng drama at sitcom sa Pilipinas. May mga free content minsan na ina-upload ang mga sikat na channels sa Pilipinas na pwede nating panoorin. Pero mas marami pa rin ang mga illegal na ina-upload sa iba’t ibang sites pati na rin sa Facebook. Sa pamamagitan nito, mas nakakatipid ang mga OFWs kaysa mag-subscribe sa kanilang produkto.

3. Tawag, video call at chat sa mga kaibigan at kamag-anak. Noon, kailangan mong bumili ng call cards tulad ng KDDI na pang-tawag abroad o ‘di kaya ay mag-load ng Brastel. Ngayon kailangan lang may internet ka upang matawagan o makausap mo sila. Maliban sa LINE at Viber, ang Skype, Yahoo Messenger, at Facebook ay mas sikat para sa mga video calls. Mas tipid sa gastos dahil hindi mo na kailangan bumili ng call cards hindi kagaya noon.

4.  Nalalaman natin ang lokasyon ng bawat isa. Dahil sa check-in feature ng Facebook, pwede nating ipaalam na pumunta ka sa ganitong lugar. Malalaman din natin kung sino sa mga kaibigan o kamag-anak natin ang nakapunta na sa ganitong lugar sa pamamagitan ng feature na ito.


5.   Alam natin ang pagkain o lugar dahil sa litratong kinuha. Ang turo ng mga madre sa amin dati sa Catholic school ay dapat magdasal muna bago kumain. Ngunit sa panahon ngayon, picture muna ng pagkain o selfie bago kumain. Nakakatakam at minsan nakakainggit ang mga pino-post ng mga kaibigan natin sa social media.

6.  Nakakapanood tayo ng live broadcast dahil sa Facebook. Sa panahon ng kampanya noong eleksyon, nakakapanood tayo ng live broadcast sa kampanya ni Mayor Duterte sa tulong ng live streaming ng Facebook.


7.   Nakakahingi kaagad tayo ng saklolo sa oras ng kagipitan. Ang mga OFWs sa ibang bansa na namaltrato o naabuso ay pwedeng mag-record ng video at i-post ito sa Facebook para humingi ng saklolo. Marami nang mga OFWs ang na-rescue dahil naging “viral” ang kanilang mga videos.

8.   Nakakakuha tayo ng kasagutan at opinyon sa ibang tao. Malaking tulong ang social media upang sumangguni sa opinyon ng ibang tao. Tulad ng mga tanong na, “Okay ba sumakay sa Jetstar pa- Manila?,” “Anong resort ba ang pinakamura at maganda sa Boracay?,” “Bukas ba ang embassy this Friday?” at marami pang iba.

9.   Kahit sino pwedeng maging blogger o reporter. Kahit sino pwedeng maging reporter o blogger. Gawa ka lang ng page at mag-post ka ng mga updates with pictures.

10. Mas naging mapagmasid tayo sa mga kalokohan ng nasa posisyon. Sa nakaraang limang taon, maraming mga kalokohan na ang nakunan ng video na nai-upload sa Facebook at YouTube ang kumalat na kung saan ito ay nagbigay ng kasagutan sa mga naging biktima.  

11. Mas madaling sumikat sa social media. Maraming naging instant sikat sa social media. Kung hindi napapansin ang iyong talento subukan mong i-upload ito sa Facebook o Youtube.

12. Pagbebenta ng mga produkto o serbisyo. Noon, kailangan house-to-house o word of mouth. Limang taon noon, kailangan may website ka kung gusto mong magbenta ng mga produkto. Ngayon, social media lang ang kailangan mo. Lahat pwedeng i-benta (pwera lang illegal), picture lang at i-post. Sa Japan, karaniwang negosyo ng mga OFWs ay mga bags, damit, mga 2nd hand na gamit at minsan mga decorative cakes na pang-birthday.


13. Public information campaign/support group ng komunidad. Kung kayo ay may organisasyon, pwede kayong gumawa ng Facebook page na pwede ninyong gamitin upang magpalitan ng mga ideya at impormasyon.

Huwebes, Hunyo 9, 2016

Kalagayan ng Pinoy nurses at caregivers sa Japan

Cesar V. Santoyo

Naging tampok na usapin sa ilang mga pahayagan sa Japan ang mga Pilipino nurses at caregivers na kumuha ng mga pagsasanay at examination subalit bumalik sa Pilipinas kabilang ang mga nagpakahirap at nakapasa.  Hindi biro ang paglalakbay ng ating mga kababayang nurse at caregiver na halos hindi maisip kung papano maipapasa ang programang aral-trabaho.

Sa isang pahayagan ay may nakalathalang winika ang isa nating kababayan na umuwe ng bansa matapos ang isang taong deployment sa Japan, “ang aming paglalakbay ay imposibleng misyon. Hirap na hirap kami sa aming pisikal, isip at emosyonal na kalagayan habang nag-aaral para pumasa sa Board Exam kasabay ng aming pagtatrabaho. Puwersado kaming mag-aral kahit sa araw ng aming pamamahinga.”

Ang 33-taong-gulang na nurse na ayaw magpakilala ay isa lamang sa mahigit 1,200 Filipino nurses at caregivers na tinanggap ng Japan simula taong 2009 sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Agreement (JPEPA).

Sa ilalim ng kasunduan ang ating mga kababayang nurse at caregivers ay sasailalim sa pag-aaral at pagsasanay ng Japanese, training ng Japan health facilities, at sa huli ay ang pagkuha ng licensing at exam bilang nurse at caregiver. Ang mga pumasang kandidato ay nabibigyan ng working visa, lisensya para sa trabaho at tumulong sa papatandang populasyon ng Japan at paglaki rin ng kakulangan ng mga manggagawang pangkalusugan.

Sa kasalukuyan habang isinusulat ito, sa mga bagong batch ng 60 nurses at 275 caregivers ay kailangan na kumpletuhin ang anim na buwan na kurso sa Japanese language at culture sa Pilipinas bago mai-deploy sa Japan sa susunod na buwan ng Hunyo.

Isang reklamo rin ang papalit-palit na kundisyon sa pagpapasahod at kasunduan sa kontrata kapag nagsimulang magtrabaho sa Japanese hospital. Para mahimok na tapusin ang programa ay hinahayaan na lamang gayahin ang ginagawa ng Japanese na kasama sa trabaho imbes na matoka sa ibang gawain.

“Kung maibabalik ko lamang ang oras ay hindi ko pipiliin na isakrapisyo ang aking career bilang public nurse sa Pilipinas at ang aking pamilya,” wika ng ating kababayang nurse.

Mayroon din naman na ilan sa ating mga kababayan ang mga nakapasa ng nursing board exam. Naging dahilan ito para makapanatili sa Japan subalit hindi kasama ang pagtaas ng suweldo. Dahil sa iba’t ibang rason, marami rin sa kakarampot na bilang ng mga nakapasa sa nursing board exam ng Japan ang nagdesisyon na umuwi na lamang sa lupang tinubuan.

Sa pagsusuri sa laman ng mga pahayagan na naglathala ng kalagayan ng mga Pinoy nurses at caregivers ay nagsasabing hindi epektibo ang programang ito. Hindi nabibiyayaan ang mga nurses at caregivers sa maayos na sweldo at matiwasay na pamumuhay na may sapat na araw ng pahinga.

Ang buong kalakaran, proseso at pagpapatupad sa pagpapadala ng mga nurses at caregivers ay itinakda sa ilalim ng JPEPA, ang bilateral na kasunduan ng Japan at Pilipinas na nilagdaan noong taon 2008. Sa kasunduan, ang mga Filipino nurses ay pinahintulutan na magtrabaho sa Japan sa level ng trainee at sa pinakamababang posisyon sa linya ng gawain ng nurse. Sa panahon na isinusulat ang mga probisyon sa JPEPA, ang sahod na itinakda ay US$400.00 kahit na ang minimum living standard ay US$1,000.00.

Ang JPEPA ang nagtakda ng imposibleng panahon upang ang ating mga kababayang nurse ay makatugon sa mga pangangailangan. JPEPA ang nagtakda ng anim na buwang pag-aaral ng Nihongo at maging ang pag-aaral at pagtatrabaho ng sabay-sabay. At dahil sa isang kasunduan ng dalawang bansa ang ginagalawan ng mga kababayan nating nurses ay wala rin itong probisyon kung saan idudulog ang mga karaingan lalo na’t may pang-aabuso o iba pang kadahilanan kagaya ng paglabag sa karapatan ng tao.

Hindi binigyan ng mga naghuhubog ng kasunduan JPEPA na magkaroon ng pinakaposibleng probisyon sa mga Pinoy nurses dahil sa ang mga nurses mula sa Indonesia ay required lamang ng dalawang taong work experience at tatlong taon na kurso sa nursing na walang nursing board exam. Bago ang ating mga kababayan na nurse ay makatuntong sa Japan, kailangan muna ang tatlong taong work experience pagkatapos ipasa ang Philippine Nursing Board Exam.

Sa kagustuhan ng marami sa ating mga kababayan sa Pilipinas ay makapagtrabaho sa Japan, maaaring ang pagpapadala mula Pilipinas ng mga Pinoy nurses ng Japan ay ginamit bilang palamuti lamang para maging popular at katanggap-tanggap sa publiko ang JPEPA lalo na sa panahon na malakas ang pagtutol laban sa JPEPA. Sa ilang libong nurses na hindi makapasa at makatagal sa Japan, milyon-milyong dolyar naman ang natitipid ng mga Japanese corporation sa free trade at tax exemption sa ilalim ng JPEPA.

Kung sakali man na ang mga pahayagan sa Japan ay nakikitang ang ating mga kababayan nurses ay hindi masaya sa gawain, dapat lamang na maging malinaw sa atin na ang kadahilanan ng mga ito ay nag-uugat sa JPEPA. Ang hindi pantay na kasunduan ng Pilipinas at Japan na walong taon nang ipinapatupad.

Marami pa na mga hindi patas na kasunduan ang nilagdaan ng mga nagdaang pangulo ng Pilipinas. Sa tagumpay ng bagong presidente ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte, ang sigaw ng pagbabago ay kailangan na itagos sa patas na kasunduan sa mga bansa. Maililigtas sa kahirapan ang sambayanan sa pagbabago ng mga hindi patas na kasunduan ng Pilipinas sa mayayamang bansa.




Paano kakayanin ang kawalan at pagluluksa?

Ni Elvie Okabe, DBA/MAE

Napakabilis ng panahon kaya hindi natin namamalayan na tumatanda na tayo at nagiging mahina kung hindi man masasakitin, bakit nga kaya? Ito ay dahil sa ating mga iniisip, kinakain, at kaugalian lalung-lalo na kung tayo ay malayo sa ating mga minamahal sa buhay gaya nating mga nasa abroad na tinatawawg na mga modernong buhay na bayani.

Samakatuwid, kung hindi man tayo ang naiwan o nawala ay maaaring ang kabaligtaran nito ang mangyayari sa ating buhay. Kailangan nating tanggapin na walang ligtas sa kamatayan katulad na lamang ng pagpanaw ng aking ama kamakailan. Ang pagkawala ng minamahal sa buhay ay isa sa pinakamasakit at pinakamahirap harapin. Subalit, kailangan nating harapin ang pagluluksa at kawalan.

Ang ating pag-iisip ay dapat unti-unting matanggap o matanto na lahat ng mga pangyayari sa ating buhay ay may dahilan at mas maging positibo dahil kung hindi ay tayo naman ang magkakasakit o mawala ng wala sa panahon.

Sabi nga ng mga psychologists, “loss is an inevitable part of life, and grief is a natural part of the healing process. The reasons for grief are many, such as the loss of a loved one, the loss of health, or the letting go of a long-held dream. Dealing with a significant loss can be one of the most difficult times in a person’s life.”

Gaano ba dapat katagal ang ating pagluluksa?

Ang haba ng pagluluksa ay iba’t iba sa bawat tao. Ang mahalaga ay unti-unti nating tanggapin ang mga pangyayari at ipaubaya sa Diyos ang lahat.

Dagdag pa ng mga psychologists, “although it can be quite painful at times, the grief process should not be rushed. It is important to be patient with yourself as you experience your unique reactions to the loss. With time and support, things generally do get better. However, it is normal for significant dates, holidays, or other reminders to trigger feelings related to the loss. Taking care of yourself, seeking support, and acknowledging your feelings during these times are ways that can help you cope. ”

Ano ang mga normal o common grief reactions? One may feel sad or depressed; experience separation anxiety, nervousness, or fearfulness; sumasakit o nanghihina ang katawan lalo na ang puso; nagkaka-allergy sa balat dahil sa dinadalang emosyon; nagiging tulala paminsan-minsan; nawawalan ng pag-asa sa buhay; galit sa buhay o nawawala ang pananampalataya sa Diyos.

Ang pagluluksa ay dapat tingnan bilang proseso para sa paggaling physically, emotionally, psychologically, and spiritually.  Ayon sa University of Texas Counseling and Mental Health Center (UTCMHC), “it is important to note that the grief process is not linear, but is more often experienced in cycles. Grief is sometimes compared to climbing a spiral staircase where things can look and feel like you are just going in circles, yet you are actually making progress.”

How can one be of help to others who are grieving? Iyong ibang tao kung hindi sila ang namatayan o nawalan ay parang wala lang o walang pakialam. Ngunit dapat nating isipin na ang pakikiramay sa iba hindi lang sa salita kundi na rin sa pagdarasal sa mga yumao ay para na rin sa taong nag-aalay ng dasal o sumusuporta sa mga nangungulila.

Kung kausap natin ang isang nangungulilang tao, ang mga sumusunod na payo ng UTCMHC ay dapat nating gawin: “be a good listener, ask about their feelings, just sit with them, share your feelings, ask about their loss, remember the loss, make telephone calls, acknowledge the pain, let them feel sad, be available when you can, do not minimize grief, talk about your own losses.”

Lagi po nating tandaan that “no man is an island,” lahat po tayo ay konektado sa bawat isa, magkamag-anak man o hindi, magkakilala man o hindi. Kaya mahalaga pong ipagdasal din natin ang mga maysakit, nangungulila, at mga yumao, upang sa gayon ay mabiyayaan din po tayo ng Diyos ng awa at pag-asa sa buhay.

   

Lunes, Mayo 2, 2016

Anong uri ng botante ka?

Ni Al Eugenio

Dito sa Japan, alam ba nating mga Pilipino kung kailan ang kanilang halalan? Kung hindi lang dahil sa ang karamihan sa atin ay sumasakay ng tren, marahil ay wala tayong kaalam-alam na may nagaganap palang eleksyon.

Ang panahon ng eleksyon dito sa Japan ay malayung-malayo sa Pilipinas.  Walang naglalakihang mga karatula at patalastas sa radyo o telebisyon tungkol sa mga tumatakbong kandidato at lalong walang meeting de avance.

Malalaman lang natin na nalalapit na ang eleksyon kapag mayroon ng mga pailan-ilang nakatayo at nagsasalita sa loud speaker sa mga lugar na maraming tao. Kahit na para bang sa kanila ay walang interesadong sila ay pakinggan. Ang pangunahing lugar na pinipili ng mga kandidato ay ang mga liwasan na malapit sa mga train station, sa mga shotengai o mga daang may mga tindahan at kung saan mayroong maraming dumaraan. 
           
Hindi rin tulad sa Pilipinas  na ang mga kandidato ay may napakaraming mga alalay o mga kapartido na nag-iingay kung saan-saan. Walang pakialam kung sila ay nakagagambala. Dito sa Japan ay may hangganan ang oras ng pag-iingay. Ang oras na iyon ay nakatakda hanggang alas-diyes ng gabi lamang.

Nagtatayo ang pamahalaan ng bayan ng animo’y billboard na yari sa plywood upang mapagdikitan ng mga poster ng mga tumatakbo sa halalan. Hindi sa mga puno,  hindi sa mga pader, hindi sa mga public transportation at lalong hindi sa mga lugar na pag-aari ng mga pribadong mamamayan. Kung makakakita man tayo ng mga litrato ng mga kandidato sa bakod o dingding ng isang tahanan, asahan natin na may pahintulot ito ng may-ari ng bahay.

Kitang-kita sa panahon ng eleksyon dito sa Japan na ang mga kumakandidato ay may mga tunay na hangaring makatulong sa kapakanan ng mamamayan at ang mapaunlad ang kanilang bayang paglilingkuran. Walang milyun-milyong ginagastos, walang babawiing pinuhunan. Tanging ang layunin ay ang makapaglingkod sa bayan.

Paano natin ihahambing ang eleksyon sa Pilipinas sa mga mauunlad na bansa? Sa atin lamang mayroong kandidato na patung-patong na ang kaso ng kurapsyon ay patuloy pa rin sa  kanyang pagkandidato. Dahil sa marami rin naman ang naniniwala sa kanya ay maaari pa rin na siya ang mahalal na pangulo. Ano ang pinanghahawakan ng mga ganitong pulitiko? Ang bagay na inaasahan nila ay ang kamangmangan ng karamihan sa mga bumoboto.

Mula pa noong magkaroon ng diktatorya sa ating bayan, ginawa na ng mga  pamunuan na iiwas sa mga kaalaman ang karamihan ng ating mga mamamayan. Bukod sa mga pag-torture sa mga inaakalang laban sa pamahalaan, sa mga namatay at sa mga nawala at hindi na natagpuan. Isa sa pinakamalaking perwisyo na idinulot ng Martial Law sa ating lipunan ay ang panlilinlang sa ating mga mamamayan na huwag magkaroon ng tamang kaalaman. Dinaan tayo noon sa mga entertainment at mga palabas na puro  kalokohan upang libangin ang lahat upang huwag mapansin ang tunay na nangyayari sa bayan. 

Hanggang ngayon ay mas marami pa rin sa ating mga kababayan ang tumanda na at mahina pa rin ang kakayahan na mailahad ang tunay niyang gustong sabihin. Hirap ang mga Pilipino na magpaliwanag. Hirap din ang nakararaming Pilipino na ituon ang kanilang pag-iisip upang makarating sa isang maayos na desisyon.

Matagal na tayong pinagkaitan ng nararapat na edukasyong para sa lahat, hindi  lamang  para sa may mga kaya sa buhay. Hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ng maraming pulitiko ang taktikang panatilihing mangmang ang maraming Pilipino. Sa pagiging mangmang ng nakararami ay makadaragdag sa mga botanteng aasa ng awa sa mga mananalo. Kaunting tulong tulad ng Php500, gasino na lang ba ang halagang iyon sa makukulimbat ng mga pulitiko habang nakaupo ng ilang taon sa kanyang pinanaluhang pwesto. Ang kawawang Juan, balik sa dating gawi, matapos maubos ang hindi nagtagal na Php500.

Marami sa ating mga mamamayan ang hindi talaga marunong pumili ng kanilang iboboto. Ang karamihan sa kanila ay may pananaw na “Hmm, pare-pareho lang na mga magnanakaw iyang mga ‘yan. Kahit sino man ang iboto mo. Mayroon din namang  sumasabay na lamang kung sino ang iboboto ng nakararami at hindi na kinikilatis mabuti kung dapat nga ba na ang  popular na pulitiko ang dapat iboto.

Marami rin naman na ang hinahanap sa kandidato ay ang personalidad nito tulad halimbawa kung ang pulitiko ba ay mabait, maayos sa pananamit, maayos kumilos at ang ganda ng pananalita nito.

Ano ba ang kahalagahan ng ating boto?


Kung tulad tayo ng mga bumoboto na hindi naman talagang pinag-aaralan muna  ang  isang kandidato kung mayroon nga ba itong kakayahan na maging lider at dalhin  ang ating bansa sa isang tunay na pagbabago para sa patuloy na kaunlaran ng bawat Pilipino, walang halaga ang isang boto. Ngunit kung ang isang botante ay binibigyan ng panahon na pakinggan at kilatisin ang mga tumatakbo, maikumpara ang bawat isa ayon sa laman ng kanilang mga sinasabi at damahin kung sino ba talaga sa kanilang palagay ang  tunay  na  sinsero sa mga inilalahad nito, makapagbibigay ng malaking halaga ang kahit na isang boto. 

Sakripisyo at pag-asa ng mga dayuhang English Teacher

Ni Cesar V. Santoyo

Maraming mga napabalitang milyon ang kinakailangan para punuan ang mga bakanteng trabaho sa Japan at isa rito ay ang English teacher. Puspusan na rin kasi ang pangangailangan ng bansa na matuto ang kaniyang mamamayan na magsalita ng English at makapantas sa kumpetisyon sa sinasabing globalisasyon.

Mas lalong tumitindi ang pangangailangan ng dayuhang English teacher dahil sa inilabas na direktiba nuong taon 2013 ng Ministry of Education, Culture and Sports, Science and Technology (MEXT) ng Japan kung papaano itataas ang kapasidad ng mga Japanese na gumamit ng wikang English para sa pandaigdigang negosyo. Nakasaad sa nasabing direktiba ng MEXT na simula sa April 2018 ang mga bata sa elementarya na nasa pang-lima at pang-anim na baitang ay mayroon ng tatlong araw na regular na English subject sa loob ng isang linggo.

Sa nasabing direktiba noong 2013 ng MEXT, lalo pang darami ang pangangailangan sa mga sinasabing Assistant Language Teacher o ALT na umiikot sa mga pampublikong elementarya at high school. Libo-libo na rin ang mga kababayan natin sa Japan ang nagtatrabaho at nakikinabang bilang ALT.

Team teaching kasama ang Japanese English teacher para mapahusay ang abilidad sa English communication ng mga mag-aaral ang dahilan ng pagkakaroon ng ALT na sinimulan 30 taon na ang nakalipas. Ang mga ALT ay mula sa Japan Exchange Program o JET na mga direktang ni-recruit ng mga ahensya ng pamahalaan mula sa bansang pinanggalingan. Upang makatipid ang mga lokal na Board of Education ay kumukontrata sa mga dispatch agency ng ALT. Dumarami na rin na mga lokal na Board of Education na umiiwas sa dispatch agency at direktang nagre-recruit ng ALT.

Ang lahat ng ALT, ang mga nasa JET Program, dispatch agency at direct hired ng local Board of Education, lahat ay permanenteng part-time job workers na hindi kasama sa social benefits katulad ng mga guro sa paaralan. Pag-ikot sa iba-ibang paaralan ay ang karamihang reklamo sa gawain ng mga ALT.

Marami rin sa ating mga kababayan ang nabibiyayaan ng gawain bilang ALT. Kumpara sa ibang mga dayuhan na nasa industriya ng ALT, ang mga kababayan natin bilang asawa at ina ng Japanese ay may bentahe at kakaibang kalagayan at sitwasyon bilang ALT. Sapagkat marami sa mga dayuhang ALT ang nagsasabing gutom ang kanilang sinasapit na napasukan na gawain bilang ALT.

Lumaganap ang isang Youtube video mula sa Fukuoka General Union at Chris Flynn na nagdidetalye ng buwanang kita ng isang ALT. Sa video na mahigit pitong libo na ang nakapanood habang sinusulat ang artikulong ito ay nagsasabing isang libong yen na lamang ang budget ng ALT bawat araw ang natitira pagkatapos bawasin ang mga buwis, renta sa bahay at iba pa mula sa ¥225,000 na kita.

Sa nasabing Youtube video, ang Kitakyushu Board of Education at ang dispatch agency ay nagbibigay ng ¥225,000 na buwanan kita. Subalit siyam (9) na buwan lamang ang kontrata ng ALT at sa pagtutuos ay walong (8) buwan lamang ang pagtatantos ng halaga ng kita. Kaya sa suma tutal ang taunan na kita ay aabot lamang sa ¥150,000 kada buwan. At kung ibabawas ang tax, upa sa bahay ng dispatch agency, insurance, at bayarin sa kuryente, tubig, telepono, ay ¥30,000 na lamang ang natitira sa sahod kada buwan. Kulang ang ¥1000 kada araw para mamuhay sa Japan.

Subalit ang pagiging ALT at sa libo-libong bilang ng ating mga kababayan sa linya ng gawain na ito ay nabuo na bilang industriya at pinagkakakitaan ng ating mga kababayan. Nararapat lamang na ang linya ng gawain bilang ALT ay kilalanin bilang propesyon na may sapat na pangangalaga sa kagalingan at karapatan. Lalo na sa ngayon na ang mga anak natin na Japanese-Filipino ay siya ng pumapasok sa larangan ng pagtuturo ng English na dapat lamang na suportahan.

Malaki pa rin ang bilang ng ating mga kababayan na asawa at ina ng mga Japanese ang walang trabaho. At marami rin sa kanila ang nag-aasam na maging English teacher. Naglipana ang mga training program para maging English teacher subalit salat o halos wala ang kumakalinga sa karapatan at kagalingan ng mga ALT.

Maaring magandang balita na ibinukas na ang posisyon bilang English teacher sa Japan mula sa Pilipinas subalit maaaring hindi rin maganda ang hinaharap ng mga naninirahan sa Japan na nagnanais na maging English teacher at maging ALT. At kung sakaling dumagsa na ang ating mga kababayan mula sa Pilipinas para magtrabaho bilang ALT, papaano naman kaya ang kanilang kalagayan kung makakapareho ng kalagayan ng mga ALT na idinudulog sa publiko ng nasabing video ng Fukuoka General Union at Chris Flynn?

Ang ALT ay industriyang ginawa ng mga BOE at dispatch agency para makatipid ang una at makinabang sa kita ng mga teacher ang pangalawa. Sa pagpasok ng mga ALT mula sa Pilipinas ay may pangatlo at pang-apat na mga ahensya na babawas pa sa kita ng mga English teacher – ang mga recruitment agencies at bayarin sa mga singilin ng gobyerno ng Pilipinas. Sa hinaharap ay hindi nalalayo na ang mga gawain ng mga volunteers na mga tagapayo at mga unyon ng mga teacher ay ang pagharap sa mga posibleng problemang iluluwal dahil sa kawalan ng proteksyon sa larangan ng gawain ng ALT.

Sa kabilang banda, mayroon din naman tayong mga kababayan na self-employment sa pagtuturo ng English ang paraan bilang kabuhayan. Marami na rin sa ating mga kababayan ang matagumpay at asensado sa pagtayo ng sariling English school na ginagawa sa loob ng sariling bahay o kaya ay umuupa ng silid-aralan. Maliban sa magandang kita, umaangat pa ang imahe ng ating mga kababayan sa mga komunidad na pinagsisilbihan ng sariling English school. Kaya para sa ating mga kababayan na English teacher sa Japan, nasa atin ang hamon: gawing pag-asa ang sakripisyo sa pagtuturo ng English.

Mga dapat mong malaman tungkol sa My Number system

Ni Rey Ian Corpuz

Noong nakaraang taon, naging matunog at pinag-usapan ang bagong sistemang tinatawag na “My Number.” Ano nga ba ang “My Number?”

Ang My Number ay ang sistema na ipinatupad ng gobyerno ng Japan kung saan lahat ng mamamayan (Hapon man o dayuhan) ay binibigyan ng isang kakaiba o unique na numero kung saan ang lahat ng impormasyon tulad ng health insurance, pension, residence information, tax, at immigration records (para sa mga dayuhan) ay pinag-isa para sa madaling pag-trace at pag-verify ng mga impormasyon ng bawat ahensiya ng gobyerno.

Ang My Number ay ang epekto ng naging pagkakamali ng gobyerno noong 2007 kung saan marami ang hindi nabigyan ng pensyon dahil sa pagkawala ng impormasyon sa database. Kung kayo ay may temporary na My Number card na, may option pa rin kayo na kumuha ng card na may IC chip sa likod nito at may picture ninyo.

Napakamabusisi at mahigpit ang proseso. Ang anak ko na apat na taong gulang ay dalawang beses na naibalik ang application dahil ang kanyang litrato ay hindi pantay at tabingi. Pati sa bata, walang kunsiderasyon. Kung ang residence card ng city hall ay hindi kailangan ng litrato ng may-ari na may edad 18 pababa, ang My Number na card ay kailangan na.

Mga benepisyo ng My Number (ayon sa gobyerno)

Mapapadali ang pagbahagi ng impormasyon sa bawat ahensiya ng gobyerno. Halimbawa, kung may gustong malaman ukol sa iyong tax payments ang Immigration ay mas madali nitong mahahanap ang impormasyon dahil isang  natatanging numero lamang ang hahanapin at hindi na kailangan ng ibang impormasyon.

Ang ganitong konsepto ay halos parehas ng tinatawag na indexing. Kumbaga, lahat ng may mga records at numero ukol kay Juan dela Cruz ay itatalaga sa numerong XXX-XXX-XXX. Sa America ang tawag dito ay Social Security Number o SSN. Kung mag -aply ka ng credit card sa America, kailangan lang tingnan ang iyong SSN kung may utang ka ba o wala. Kung hindi ka nagbayad ng tax, kailangan lang ng SSN upang ma-check kaagad ang iyong records. Ito na ang magiging numero mo habambuhay. Lahat ng populasyon na naninirahan sa Japan, kabilang ang mga Hapon na nasa ibang bansa, may naka-assign na My Number.

Mababawasan din ang risk ng pagkakamali sa personal na datos. At dahil nga naka-link lahat ng ibang impormasyon sa iisang numero, siguradong walang maling mangyayari. Kung mayroon mang pagkakamali, madali lang itong maiwawasto dahil iisa lang ang impormasyon.

Makakatipid din ang gobyerno dahil mas mabilis ang pagproseso at paghahanap ng impormasyon.

Mga negatibong pananaw ukol sa My Number

Isa sa negatibong pananaw hinggil sa My Number ay ang kawala ng privacy. Dito sa Japan, kahit litrato o pangalan lang ang lumabas ng walang pahintulot ay agad na issue na sa privacy. Paano pa kaya kung ang mag-leak ay ang personal mong numero upang malaman ang iyong tax payments o ‘di kaya ang iyong sahod?

Sa pananaw ng maraming IT experts, walang IT system na hindi naha-hack. Sa mga nagaganap na hacking incidents sa mga kalapit bansa tulad ng China at Russia, hindi imposible na may magtangka na i-hack ang online database ng gobyerno kung saan nakalagay ang lahat ng ating impormasyon sa My Number. Kahit nga Google ay naha-hack, website pa kaya ng gobyerno?

Positibo para sa gobyerno at negatibo para sa mga mamamayan

Bilang mga dayuhan dito sa Japan na may working visa, kailangan natin na i-declare lahat ng ating trabaho kabilang na ang part-time. Lahat ng mga kumpanya ay nagsasagawa ng nenmatsu chosei tuwing Nobyembre at kailangan mong isulat ang iyong My Number doon. Sa madaling sabi, maaaring masilip ng Immigration ang iyong pinagtatrabahuan. Ngayon, kung ikaw ay walang “Permit to Work Other than the Designated Activity” ay tiyak na kalaboso ang haharapin mo.

Isa pa ay kung kayo ay gumagawa ng “kakutei shinkoku” o declaration of tax payments tuwing Pebrero at sinasabi ninyo lang na ang pera na padala ninyo sa Pilipinas ay nasa ¥50,000 a month, sa bagong sistema ay dapat nang i-submit sa mga remittance companies ang iyong My Number. Sa madaling sabi ay makikita ng tax office kung magkano ang pinadala mo na pera, walang labis, walang kulang. Hindi kagaya noong wala pang My Number na kahit magkano lang sabihin mo ay okay lang sa tax office (depende din minsan sa tax office).


Darating din siguro ang panahon na pwede na rin na silipin ng gobyerno kung magkano ang pera na nasa bangko mo. Sa ngayon base sa mga nababasa ko online, sa nalalapit na panahon ay balak na rin ng gobyerno na i-integrate ang My Number sa mga bank accounts. Sa ganitong sistema, bawal ang money laundering at tiyak na alam ng gobyerno ang dapat mong bayaran base sa iyong perang natanggap sa bangko.

Etiquette in social media

Ni Elvie Okabe, DBA/MAE

Pabongga ng pabongga talaga ang teknolohiya ngayon dahil sa dumaraming social media platforms gaya ng Fabebook, Twitter, Instagram, Pinterest, LinkedIn, Viber, Line, Snapchat, at marami pang iba.

Nariyan din ang mga free websites for those who would like to have their own blog site like Blogspot, Wordpress, Weebly at Wix. Libre pa nga ang tawag o messaging basta may line or wi-fi ang smartphone mo. At dahil dito ang karamihan sa mga gumagamit ng internet ay tila nahumaling na sa pagpo-post ng status, pictures, posters, videos, at iba pa.

Pero ang nakakaalarma at nakakasakit ng damdamin o nakakatakot ay pati ang sariling galit o masamang damdamin ay binubulgar ng iba sa social media. Gaya ng pag-repost o pag-share ng mga negative o bullying remarks, pag-comment sa mga conversations online ng pamimintas o pagmumura kahit hindi naman kasali sa usapan o ‘di naman alam ang buong katotohanan.

Marami nga pong mga nag-aaway sa social media dahil sa mga komento na wala namang katuturan. Siguro naman nakabasa na rin kayo ng mga komento na pinag-aaway-away ang mga tao o ginagawan ng walang basehang kuwento ang iba.

Kung tayo ang tatanungin, gusto po ba natin ang nagbabasa o nakakakita sa internet ng mga galit, inggit, mura, kabastusan o kalaswaan? Gusto rin po ba natin sumasali sa pakikipag-away, pakikipagmurahan o nagagalit na may pinapatamaan sa mga posts natin sa internet? Kung ayaw natin ang mga nabanggit, narito po ang mga ilang paalala na marahil ay nabasa na natin ngunit kung minsan ay umiiral pa rin ang ating emosyon, personal issue, o personal problem sa buhay:

1.      “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.” Kung gusto nating igalang tayo ng iba, kailangan nating igalang muna ang ating kapwa lalo na kung ito ay in writing.  Ang pagsabi o pagbanggit ng greetings for the day, at iba pang positive expressions or emoticons ay more friendly at inspiring sa nakababasa.
2.      Alamin o basahing mabuti at gawin ang mga rules ng bawat social media na karaniwan ay pare-pareho naman.
3.      Huwag magpost ng mga negatibong messages na magpapagalit sa iba. Kung ang ugali natin ay prangka at palaaway, kontrolin na lang natin ang ating emosyon at huwag gawin pati sa mga social media ang magparinig sa iba na walang binabanggit na pangalan. Remember, mabuti man o masama ang ating ugali o ginagawa ay nasasalamin ng iba kung paano tayo itinaguyod o pinalaki ng ating mga magulang.
4.      Kung hindi maiiwasan at nakabasa tayo ng posts ng iba, huwag personalin ang mga negative posts. Para sigurado ay i-unfriend o i-unfollow ang mga contacts sa social media na mahilig mag-complain at matataray mag-post. At higit sa lahat ay huwag gawing capital letters lahat ang message unless it is a title, heading, or acronym of a write-up dahil ang ibig sabihin ng typewritten in all capital letters ay pasigaw o pagalit.
5.      Huwag manloloko ng ibang tao. Kung ikaw ay married na o may girlfriend/boyfriend na, huwag nang maghanap o tumanggap ng ibang karelasyon sa buhay through social media.
6.      Huwag mapanghusga o mag-comment kung hindi tayo tinatanong. “Don’t judge a book by its cover” sabi nga sa kasabihan, dahil hindi natin alam ang mga pinanggagalingan at pinagdaanan o pinagdadaanan ng iba.
7.      Makisali lang sa mga groups o pages na puro pangaral ng Diyos at motivational, inspirational, at positive thinking ang tema. Mag-post lang ng mga larawan o messages na masasaya o hindi makakasakit/makakaapi sa ibang tao.
8.      Huwag ma-addict sa social media o gawing hobby ng mahabang oras araw-araw unless ito ay parte ng ating hanapbuhay gaya ng internet marketing. Ibalanse o gawing prioridad ang sariling buhay.
9.      Huwag magbasa ng newsfeed o i-turn-off na lang ang notifications sa social media na nakakaubos ng ating oras upang makagawa pa ng mga makabuluhang bagay sa pamumuhay.


Kaya nga po ating tandaan, “kung ano ang itinanim, siya ang aanihin.” Kung nagtatanim tayo ng galit, inggit, away, mura at kalaswaan sa ating buhay lalung-lalo na kung ito ay nakasulat ay hindi tayo magiging maligaya at hindi pagpapalain ng Diyos sa ating buhay. Lahat ng ating mga pagsisikap ay parang bulang nawawala ayon sa nababalitaan natin sa ating mga nababasa o napapanood sa television news.

Etiquette in social media

Ni Elvie Okabe, DBA/MAE

Pabongga ng pabongga talaga ang teknolohiya ngayon dahil sa dumaraming social media platforms gaya ng Fabebook, Twitter, Instagram, Pinterest, LinkedIn, Viber, Line, Snapchat, at marami pang iba.

Nariyan din ang mga free websites for those who would like to have their own blog site like Blogspot, Wordpress, Weebly at Wix. Libre pa nga ang tawag o messaging basta may line or wi-fi ang smartphone mo. At dahil dito ang karamihan sa mga gumagamit ng internet ay tila nahumaling na sa pagpo-post ng status, pictures, posters, videos, at iba pa.

Pero ang nakakaalarma at nakakasakit ng damdamin o nakakatakot ay pati ang sariling galit o masamang damdamin ay binubulgar ng iba sa social media. Gaya ng pag-repost o pag-share ng mga negative o bullying remarks, pag-comment sa mga conversations online ng pamimintas o pagmumura kahit hindi naman kasali sa usapan o ‘di naman alam ang buong katotohanan.

Marami nga pong mga nag-aaway sa social media dahil sa mga komento na wala namang katuturan. Siguro naman nakabasa na rin kayo ng mga komento na pinag-aaway-away ang mga tao o ginagawan ng walang basehang kuwento ang iba.

Kung tayo ang tatanungin, gusto po ba natin ang nagbabasa o nakakakita sa internet ng mga galit, inggit, mura, kabastusan o kalaswaan? Gusto rin po ba natin sumasali sa pakikipag-away, pakikipagmurahan o nagagalit na may pinapatamaan sa mga posts natin sa internet? Kung ayaw natin ang mga nabanggit, narito po ang mga ilang paalala na marahil ay nabasa na natin ngunit kung minsan ay umiiral pa rin ang ating emosyon, personal issue, o personal problem sa buhay:

1.  “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.” Kung gusto nating igalang tayo ng iba, kailangan nating igalang muna ang ating kapwa lalo na kung ito ay in writing.  Ang pagsabi o pagbanggit ng greetings for the day, at iba pang positive expressions or emoticons ay more friendly at inspiring sa nakababasa.
2.  Alamin o basahing mabuti at gawin ang mga rules ng bawat social media na karaniwan ay pare-pareho naman.
3.   Huwag magpost ng mga negatibong messages na magpapagalit sa iba. Kung ang ugali natin ay prangka at palaaway, kontrolin na lang natin ang ating emosyon at huwag gawin pati sa mga social media ang magparinig sa iba na walang binabanggit na pangalan. Remember, mabuti man o masama ang ating ugali o ginagawa ay nasasalamin ng iba kung paano tayo itinaguyod o pinalaki ng ating mga magulang.
4.  Kung hindi maiiwasan at nakabasa tayo ng posts ng iba, huwag personalin ang mga negative posts. Para sigurado ay i-unfriend o i-unfollow ang mga contacts sa social media na mahilig mag-complain at matataray mag-post. At higit sa lahat ay huwag gawing capital letters lahat ang message unless it is a title, heading, or acronym of a write-up dahil ang ibig sabihin ng typewritten in all capital letters ay pasigaw o pagalit.
5.   Huwag manloloko ng ibang tao. Kung ikaw ay married na o may girlfriend/boyfriend na, huwag nang maghanap o tumanggap ng ibang karelasyon sa buhay through social media.
6.   Huwag mapanghusga o mag-comment kung hindi tayo tinatanong. “Don’t judge a book by its cover” sabi nga sa kasabihan, dahil hindi natin alam ang mga pinanggagalingan at pinagdaanan o pinagdadaanan ng iba.
7.   Makisali lang sa mga groups o pages na puro pangaral ng Diyos at motivational, inspirational, at positive thinking ang tema. Mag-post lang ng mga larawan o messages na masasaya o hindi makakasakit/makakaapi sa ibang tao.
8.   Huwag ma-addict sa social media o gawing hobby ng mahabang oras araw-araw unless ito ay parte ng ating hanapbuhay gaya ng internet marketing. Ibalanse o gawing prioridad ang sariling buhay.
9.  Huwag magbasa ng newsfeed o i-turn-off na lang ang notifications sa social media na nakakaubos ng ating oras upang makagawa pa ng mga makabuluhang bagay sa pamumuhay.


Kaya nga po ating tandaan, “kung ano ang itinanim, siya ang aanihin.” Kung nagtatanim tayo ng galit, inggit, away, mura at kalaswaan sa ating buhay lalung-lalo na kung ito ay nakasulat ay hindi tayo magiging maligaya at hindi pagpapalain ng Diyos sa ating buhay. Lahat ng ating mga pagsisikap ay parang bulang nawawala ayon sa nababalitaan natin sa ating mga nababasa o napapanood sa television news.