Janella Salvador and Elmo Magalona |
Lumipad kamakailan sa Japan ang
bagong bini-build up na loveteam ng ABS-CBN na sina Janella Salvador at dating
Kapuso star na si Elmo Magalona para sa kanilang bagong teleserye na may
pamagat na “Born For You.”
Hango ang istorya sa paniniwala
ng mga Japanese na mayroong nagkokonekta na invisible red line sa dalawang
taong itinadhana para sa isa’t isa. Maraming eksena ang kinunan sa ilang
magagandng lugar sa Tokyo kasama ang ilang co-stars na kinabibilangan nina Vina
Morales, Ayen Munji-Laurel, Ogie Diaz at Joj Agpangan.
Kahit na bago pa lamang ang
tambalan nina Elmo at Janella o “ElNella” sa kanilang mga fans ay makikitaan na
ng chemistry ang dalawa at tila nagkakalapit na rin ang kanilang loob. Parehong
anak ng singers ang dalawa kaya’t nagkakasundo ang dalawa.
Si Elmo ay anak ng yumaong rapper
na si Francis Magalona habang si Janella naman ay anak nina “Miss Saigon” star
na si Jenine Desiderio at singer Juan Miguel Salvador. Aminado si Elmo na excited
siya na makatrabaho ang dalaga.
“It’s cool that we come from a
family of musicians. Janella is bubbly, very easy to work with, and very
energetic that’s why I am really excited to work with her,” saad ng batang
Magalona.
“When I saw Elmo, I felt good
because I will get to work with someone fresh since we haven’t worked before.
I’m excited with the music angle in our teleserye because both our parents are
musical people,” dagdag naman ni Janella.
Produced ng Dreamscape
Productions ang Born For You na nasa likod din ng ilang popular na teleserye ng
ABS-CBN gaya ng “On the Wings of Love,” “FPJ’s Ang Probinsiyano,” “Doble Kara”
at “And I Love You So.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento