Huwebes, Setyembre 7, 2017

Traveling exhibit ‘Manga Hokusai Manga’: Experiencing manga in traditional and modern ways

Ni Jovelyn Javier


Halos lahat ng mga paboritong anime series at animated films noon at ngayon ay nagsisimula muna bilang “manga” (Japanese comics) na may serialization sa mga manga magazines. Ngayon, isinasalin na rin ang mga kwento nito bilang mga drama sa telebisyon at mga bigating pelikula. Ngunit paano at saan nga ba galing ang manga, na hindi lang isang entertainment kundi isang klase ng literatura ng sining?

Sa pamamagitan ng international traveling exhibition na pinamagatang “Manga Hokusai Manga: Approaching the Master’s Compendium from the Perspective of Contemporary Comics,” ipinakita ang kinikilalang pinagmulan ng manga at madidiskubre ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Hokusai Manga at makabagong manga.

Isinagawa ang exhibition kamakailan sa Ateneo Art Gallery at inilunsad na rin sa Rome, Bologna, Brussels, Dublin, Hanoi, Ho Chi Minh at Bangkok (Agosto 17- Setyembre 22, 2017).

The term ‘Manga’ and Hokusai Manga

Ayon sa exhibit guidebook, ang salitang manga ay isinusulat sa dalawang Sino-Japanese characters na (man – diverse, random, ramblings, capricious) at (ga – line drawing, picture) na nagsimulang lumawak ang paggamit nito sa unang bahagi ng 19th century Japan, at tumutukoy sa mga malakihan at sari-saring koleksyon ng larawang-guhit. Ngunit hindi ang ukiyo-e artist na si Katsushika Hokusai ang lumikha ng salita.

“Denshin kaishu” (conveying the spirit, learning the trade), ito ang unang makikita bago ang pamagat na Hokusai Manga (random sketches from life), na tumutukoy sa layunin ng naturang koleksyon. Ito ang itinuturing na unang reference book ng mga estudyante sa pictorial art at design noong early 1900s, na inilathala mula 1814-1878 at binubuo ng 4,000 larawan, 800 pahina at 15 stitched-bound volumes.

Nang madiskubre ito ng mga Europeans, nabighani sila sa mga larawan na nagpapakita ng makatotohanan at malinaw na representasyon ng pang-araw-araw na pamumuhay noong Edo period.
Nagmula sa Hokusai Manga ang inspirasyon ng “How to Draw Manga” manuals gaya na lang ng “Manga College” ni Osamu Tezuka. At maging mga modernong manga ay ginawang karakter si “Hokusai – Sarusuberi” (1983-87/ Sugiura Hinako), “Hokusai” (1987/ Ishinomori Shotaro), “Mugen no Jūnin” (1993-2012/Samura Hiroaki), “Adandai: The Demon Painter” (2012-13/Saeki Konosuke), at “Contemporary Currents of Thought on Ukiyo-e: Even the Sensitive Heart is in Love” (2009/Sakura Sawa).

Manga like Ukiyo-e, Ukiyo-e like Manga

Ang karaniwang Japanese art noon na Ukiyo-e ay nagtataglay din ng parehas na katangian gaya ng modernong manga ngayon – may balloons, symbolic lines, eye size, at paneling ngunit magkaiba ang pamamaraan noon.

Noon, ang speech balloons ay naglalaman ng panaginip at mga iniisip (using the form of prose text, pictorial representation or both) at hindi mga dayalogo; sa halip naman na motion/impact lines ang ginagamit ay iba ang simbolismo ng mga linya noon (black lines to render the release of evil spirits/light streaks to suggest spiritual power); ang depiksyon ng mga tao noon ay ‘di makikitaan ng manga/anime eyes (wide eyed characters) kundi mga karakter na maliliit ang mga mata (seen in courtesans, stage actors) maliban sa warrior prints; at ang paneling/pictorial sequence (breaking down a picture plane into small frames) ay ginagamit na ngunit ‘di nga lang para sa narrative use.

Kaya gumagamit ng malalaking mata ngayon ay dahil nangangahulugan ito ng “trustworthiness,” samantalang ang mga nakakadudang karakter ay almond-shaped naman ang mga mata dahil ang ganitong hugis ay pumipigil sa emosyon na empathy.

Hokusai Manga’s connection to contemporary manga

Ilang contemporary manga artists ang nagbigay ng original work contributions sa exhibit, mula rito ay napagpasiyahan na hindi sa aesthetic qualities ang koneksyon ng nakaraan at ng kasalukuyan, sa halip ito ay sa cultural potential, popular imagery sharing, at high participatory nature ng parehong klase ng manga.

Ayon pa sa The Story of Isobe Isobee: Life is Hard in the Floating World (Nakama Ryo), ang susi ng isang enjoyable manga ay hindi dahil sa pictorial style at character design, ito ay nasa narrative setting, diction, at accessible cultural references gaya ng social phenomenon na “hikikomori” (acute social withdrawal).







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento