Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Japan Overseas Cooperation Volunteers. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Japan Overseas Cooperation Volunteers. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Agosto 2, 2017

Organic farming nagiging popular sa Visayas sa tulong ng Japanese volunteers

 Ipinakilala ni JOCV Natsumi Tanida (kaliwa) ang paggamit ng
silver mulch sa kanyang counterpart mula sa San Jose de Buenavista, Antique
Unti-unti nang nagiging popular ang organic farming sa Antique sa tulong ng mga Japanese volunteers na nakatutulong upang makahanap ng alternatibong paraan para kumita ang mga lokal na magsasaka rito.

Itinuturo ng isang grupo ng Japan Overseas Cooperation Volunteers (JOCV) sa mga magsasaka ang bagong paraan para mapalago ang organic na ani gamit ang recycled material at rice straw mulching, isang pamamaraan na ginagamit para mapabuti ang kundisyon ng lupa.

“I’m teaching farmers how to recycle snack wrappers and use it as soil protection to help balance soil temperature and prevent weeds,” ani JOCV Natsumi Tanida na nagtapos ng agrikultura sa Tokyo University of Agriculture at isa rin na agriculture trainor sa Miyako Islang bago nagtungo sa Pilipinas.

Hinuhugasan ang mga snack wrappers at magkakasamang tinatahi para takpan ang lupa na ayon kay Tanida ay makatutulong para sipsipin ang init at matiyak na ang ani ay hindi madaling malanta.

Bukod kay Tanida, isa pang Japanese vounteer na si Wakana Horikiri ang nagpapakilala sa rice straw mulching sa Antique. Nakatutulong ang rice straw mulch para protektahan ang lupa mula sa kahalumigmigan (moisture) at maputik na tubig tuwing panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Horikiri, ang pamamaraang ito ay makatutulong para maiwasan ang sakit sa mga prutas at gulay.

Ipinapakilala rin niya ang Japanese technique na “mokusaku” gamit ang wood vinegar bilang alternatibo sa chemical fertilizers, ang kauna-unahan sa Antique.

“Wood is a readily available material for farmers and with the mokusaku, farmers can save money instead on spending on chemical sprays,” ani Horikiri.

Karaniwan ay nagkakahalaga ng 250 piso ang isang litro ng chemical spray habang ang mokusaku ay nagkakahalaga lamang ng Php100.

“Working with a Japanese volunteer like Horikiri is a good opportunity to gain more knowledge and ideas on how to promote organic farming to our municipality and farmers,” ani Frenzei-An Ronquillo na isang agricultural technician mula Sebaste, Antique.

Sumasang-ayon ang mga batang Japanese volunteers na ang organic farming ay maaaring maging bahagi ng economic future ng Visayas. 

“Filipino farmers are very hard working. They are open to learning new things and are very helpful. They just need support to improve their skills in organic farming to give them better opportunities,” pahayag ng mga Japanese volunteers.

Linggo, Mayo 7, 2017

Tatlong Haponesa tumutulong sa mga komunidad sa Pilipinas

Ni Florenda Corpuz


Kuha mula sa JICA
Aabot na sa mahigit 1,600 ang mga Japanese volunteers na ipinadala ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa Pilipinas simula 1966 para palakasin ang kanilang suporta sa pag-unlad sa bansa sa ilalim ng Japan Overseas Cooperation Volunteers (JOCV) program. Kabilang dito ang tatlong Haponesa na tahimik na tumutulong sa mga komunidad sa Siquijor at Iloilo.

Sina Ayaka Ishikawa, Mariko Katagi at Teruko Sugiyama ay mga miyembro ng JOCV na sumusuporta sa iba’t ibang proyekto na nagsusulong ng pag-unlad sa mga komunidad na kanilang pinagsisilbihan.

Nakikipagtulungan si Ishikawa, isang economics graduate mula sa Hosei University sa Tokyo, sa mga samahan sa Siquijor upang i-upcycle ang mga lumang damit at gamit na papel para maging bagong produkto tulad ng bag.

“When I visited communities, I learned that a lot of people want to increase their income but they have no idea how to do it. We then put up a Material Facility Recovery in each barangay, which they can use to collect raw materials and transform them into new products they can sell,” aniya.

“I like listening to the voices of the people, talking to them, and helping them with their problems. Waste management is a challenge in Siquijor, and the upcycling project is something that hopefully they can manage by themselves not only for income but also for a cleaner environment,” dagdag pa niya.

Tinutulungan naman ni Katagi na graduate ng Bachelor of Fine Arts sa Kyoto Seika University ang mga small enterprises sa Siquijor na makagawa ng mga bagong souvenir items gamit ang coconut shells, mga dahon at clothing scraps.

“I hope to be able to teach them how to eventually create new products on their own,” saad niya.

Nagtrabaho siya sa product development and design para sa isang apparel company sa Kyoto.

“I’ve never lived abroad before my JOCV work in the Philippines. As I work with the local communities, I began to appreciate our difference and learned that we can get along despite our different values and culture,” aniya.

Nakikipagtulungan naman si Sugiyama sa mga professors ng West Visayas State University sa Iloilo sa pagtuturo sa mga estudyante ng special education program ng unibersidad kung paano i-assess at isagawa ang interventions para sa mga batang may espesyal na pangangailangan.         

“These students are future SPED teachers and I hope to inculcate in their hearts the importance of early intervention to children with disabilities. This is one way that together teachers, parents, and communities can build the children’s self-reliance after attending special needs schools,” pahayag niya na una nang nagtrabaho sa Japan bilang SPED teacher.

“I hope that my counterparts in the Philippines will sustain what I started in the university particularly in training future SPED teachers to promote equal opportunities for all,” dagdag pa niya.


Sina Ishikawa, Katagi at Sugiyama ay mga patunay na ang tinig ng mga kababaihan ay maaaring maging isang malakas na puwersa na maaaring makatulong sa lumikha ng mga solusyon sa mga hamon sa mga komunidad ngayon.