Ni Enrique Gonzaga
Filipino photographer Danny Dungo |
Isa
na rito si Danny Lapina Dungo na tubong San Pablo, Laguna at kasalukuyang naninirahan
sa Japan. Sabi nga, ang pagiging isang magaling na litratista ay hindi
nangyayari ng isang araw kundi matagal na panahon nang paglilinang ng talento at abilidad.
Nagsimula
si Danny na magkaroon ng interes sa photography noong 1980's kung saan film pa
ang ginagamit sa mga camera at “black and white” ang isa sa mga pangunahing uri
ng pagkuha ng litrato.
Lalong
nabuhay ang interes ni Danny sa pagiging litratista sa pagpasok ng bagong
teknolohiya at ang paggamit ng DSLR camera at iba’t ibang klase ng lente.
“Landscape photography” ang tinutukan ni Danny kung saan ang kalikasan ang
pangunahing tema ng kanyang mga litrato.
Para
kay Danny, ang pagkuha ng litrato ng kalikasan ay pagbibigay ng halaga at
paraan ng pagpapakita sa kamangha-manghang likha ng Diyos na siyang nakapaligid
sa buong mundo.
Black
and white ang naging pundasyon ni Danny sa kanyang mga obra bilang isang
litratista dahil para sa kanya ito ay nakakadagdag ng drama at damdamin sa mga
litrato.
“Ang pagpapakita ng damdamin sa isang litrato ay hinuhugot sa masining na pagdama ng isang tao sa
paggamit ng tamang komposisyon at paglalaro sa kulay o sa kaso naman ng “black
and white photography” ang pagtamo ng matingkad na epekto nito,” ani Danny.
Ang nanalong photo entry ni Danny noong 2012. |
Sa
pagdaan ng panahon ay hinasa ni Danny ang sarili sa pagkuha ng magagandang
litrato sa pamamagitan ng pag-alam sa iba’t ibang techniques. Nagbunga naman
ito dahil noong isang taon ay nanalo ang kanyang litrato na ang subject ay mga
kawayan na kanyang inilahok sa isang paligsahan sa paggunita ng “Araw ng
Kalayaan."
Kamakailan
lamang ay napag-alaman ni Danny mula sa My Japan Project na malaki ang
naitulong ng kaniyang mga litrato para makapag-ipon ng pera ang organisasyon at
makapagbigay ng tulong sa Japan Emergency Network. Napasama rin ang ilang litrato
ni Danny sa isang libro na nakatakdang ilabas sa darating na Nobyembre at dahil
dito ay napansin ang mga gawa ng Pinoy photographer ng NHK Japan.
Iniisip
ni Danny na ang pinakamahalagang bagay para sa isang lensman ay ang mabuo ang
sariling antig sa sining na nasa loob ng kaniyang pagkatao at kung paano ito mapabuti
para maging epektibo sa mga tao. Naniniwala si Danny na ang photography ay
isang sining kung saan ipinagsasama ang kulay, damdamin at mahalagang sandali
upang gumawa ng panghabambuhay na dokumentasyon na maaaring hindi na mangyari
ulit.
Ito
rin ang isa sa mga dahilan kung kaya isinusulong niya ang wedding photography
sa kasalukuyan. Sa katunayan, sa buwan ng Hunyo ay isang kasalan ang kukunan ni
Danny sa Marilag, Tagaytay.
Si
Danny ay isang freelance photographer na nakapaglathala ng kaniyang mga litrato
sa Digital Photographer Philippines (DPP), Photographer England, Essential
Photography England, Lonely Planet at Mabuhay Magazine, isang in-flight magazine
ng Philippine Airlines.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento