Ni Jovelyn Javier
Cherie Gil kasama ang panelista ng "What Does it Take to Become a Fashion Icon?" forum. Kuha ni Jovelyn Bajo |
Inilunsad
kamakailan sa bagong IMAX Theatre sa SM Megamall ang isang natatanging fashion
forum na pinamagatang “What Does it Take to Become a Fashion Icon?” Itinampok dito
ang ilan sa mga kilalang personalidad sa industriya ng Philippine fashion sa
isang diskusyon patungkol sa fashion guru na si Diana Vreeland at sa iba pang
bagay sa fashion industry. Mula ito sa Lifestyle Inquirer, Look Magazine, Mega
Fashion Hall at MyOwn Mann Productions.
Kinabibilangan
ng mga panelista sina Thelma Sioson-San Juan (Editor- Inquirer Lifestyle),
Angela Alarcon (Fashion Stylist), Amina Aranaz-Alunan (Fashion Designer), Lulu
Tan-Gan (Head – Fashion School of De La Salle St. Benilde), Floy Quintos
(Palanca Awardee Director), Toto Gonzales (Art/Antique Collector), Millie Dizon
(SM VP for Marketing and Communications), Bart Guingona (Theatre
Actor/Director), at si Ms. Cherie Gil na in character bilang Diana Vreeland sa
gaganaping play na “Full Gallop.”
Isang
napakagandang paunang handog sa publiko ang ginanap na fashion forum para sa
one-woman play na pagbibidahan ni Ms. Cherie Gil, na unang napanood nitong
Marso 14 sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati. Dito nagkaroon ang
mga dumalo ng unang silip sa kakaibang personalidad at impluwensiya ni Diana
Vreeland sa mundo ng fashion.
Dinaluhan
ang naturang forum ng maraming bloggers, fashion enthusiast, fashion designers,
fashion stylists, fashion models, at mga photographers. Naroroon din ang ilang
mga estudyante sa fashion at design schools: Slim’s, School of Fashion and the
Arts, University of the Philippines Diliman, De La Salle University – College
of St. Benilde, at Fashion Institute of the Philippines. Nagkaroon ng interesanteng
pagpapalitan sa pagitan ng mga miyembro ng panelist at mga dumalo patungkol sa
mga ilang mahahalagang paksa sa mundo ng fashion.
Sa
pagbubukas ng forum, inilahad ni Thelma Sioson-San Juan ang isang mahalagang
impormasyon tungkol kay Vreeland. Aniya, naniniwala siyang si Vreeland ang
tunay na inspirasyon sa Hollywood film na “The Devil Wears Prada” kaysa si Anna
Wintour na editor ngayon ng American Vogue magazine. Dagdag pa nito,
pinasimulan ni Vreeland ang modernong itsura ng magazines na ngayon ay nakikita
natin. Ginawa niyang “visual medium” ang magazines sa pamamagitan ng
paglalathala ng mga kakaibang imahe sa fashion.
Maliban
dito, si Vreeland din ang nakatuklas sa mga kilalang photographers gaya nina
Richard Avedon, Cecil Beaton at Irving Penn na mga nagpasimuno sa fashion
celebrity coverage. Ito ang naging hudyat ng malaking pagbabago ng Vogue mula
sa isang society magazine at ngayon ay nagtatampok na rin ng mga mahahalagang
paksa sa kultura, fashion at arts.
Isa
sa pangunahing pinag-usapan ang paksa tungkol sa deskripsyon ng isang tunay na
fashion icon. Ayon kay Angela Alarcon, “It’s less on sensationalism, but more
on dressing for yourself.” Dagdag naman ni Millie Dizon, “Fashion icons are
influencers. They influence trends through influencing how people dress.” Ayon
naman kay Lulu Tan-Gan, makikilala ang isang fashion icon sa pamamagitan ng
“Style that is effortlessly done.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento