Ni
Florenda Corpuz
Kuha ni Din Eugenio |
Hinihintay na ng mga lokal at
dayuhang turista sa Japan ang pagpasok ng panahon ng tagsibol o spring o “haru”
makaraang sunud-sunod na makaranas ng snowstorm ang bansa na nagdulot ng
kamatayan at pinsala sa mga tao rito noong buwan ng Pebrero.
Ang pagpasok ng tagsibol ay
kasabay din ng maraming pagbabagong karaniwang nagaganap sa mga tahanan,
paaralan at opisina. Ito rin ay pagkakataon upang muling masilayan ng mga tao ang
nakakamanghang ganda ng buong paligid dahil sa mga namumukadkad na cherry
blossom o “sakura.”
Malaking bahagi ng kulturang
Hapon ang mga sakura. Bago pa man ito naging pangunahing tourist attraction ng
bansa tuwing panahon ng tagsibol, ito ay nagsilbing inspirasyon para sa mga
sundalong Hapones noong ikalawang digmaang pandaigdig. Nakalarawan ito sa kanilang
mga watawat, eroplano at insignia. Ang sakura ay iniugnay din sa mga “samurai”
at “bushi.” Dahil dito, itinuring ang sakura bilang isang mahalagang simbolo ng
Japan, noon at ngayon.
Mahigit sa 400 klase ng sakura
ang makikita sa iba’t ibang bahagi ng Japan. Ilan sa mga popular ay ang “somei
yoshino,” “ichiyo,” “yamazakura” at “chrysanthemum cherry.” Kaiba sa mga karaniwang cherry trees, hindi namumunga ng prutas
ang mga puno ng sakura sa Japan.
Inaabangan ng mga tao ang
forecast ng Japan Meteorological Agency sa cherry blossoms front o “sakura
zensen.” Malalaman dito kung saang lugar na sa bansa nagsisimulang mamulaklak
ang mga sakura. Tumatagal ng sampu hanggang labing-apat na araw ang
pamumulaklak ng mga ito.
Tuwing namumulaklak ang sakura,
nakagawian na ng mga tao ang pagsasagawa ng flower viewing party o “hanami” dahil
sa paniwalang naghahatid ito ng pagkakasundo sa mga magkakapamilya at
magkakaibigan. Nagsimula ang kaugaliang ito noong ika-pitong siglo. Sa mga
hanami, madalas na pinagsasaluhan ang mga rice balls o “onigiri,” dumplings o “dango”
at rice wine o “sake” kasabay ng masayang kwentuhan, kantahan at makukulay na “kimono”
shows.
Ilan sa mga kilalang hanami spots
sa Tokyo ay ang Sumida River, Shinjuku Gyoen Park at Ueno Park. Sa Hokkaido
naman ang Matsumae Park, sa Tohoku ang Hirosaki Park, Osaka Castle Park sa
Osaka at Maruyama Park sa Kyoto.
Cherry Blossom
Forecast 2014
(Source:
Japan Weather Association)
Location First Bloom Full Bloom
Tokyo March
29 April 6
Kyoto March
27 April 6
Kagoshima March 25 April 2
Kumamoto March 21 March 31
Fukuoka March 22 April 1
Hiroshima March 26 April 3
Osaka March 27 April 6
Nara March 29 April 5
Nagoya March 27 April 4
Yokohama March 29 April 5
Kanazawa April 3 April 9
Nagano April 13 April 18
Sendai April 12 April 18
Aomori April 25 April 30
Hakodate May 2 May 7
Sapporo May 5 May 10
Note:
The forecast is subject to change due to weather conditions.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento