Miyerkules, Enero 28, 2015

Bangsamoro Law prayoridad ng Senado ngayong 2015

Senate president Franklin Drilon (Malacanang Photo Bureau)
Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na isa ang Bangsamoro Basic Law sa mga prayoridad na kailangang maipasa sa Senado ngayong taon upang tuluyan nang makamit ang kapayapaan sa Mindanao at masiguro ang paglago ng ekonomiya sa bansa.

Patuloy umano ang pagsasagawa ng pagdinig hinggil dito ng Senate committee on local government and peace unification na pinamumunuan nina Senador Bongbong Marcos at Teofisto Guingona III at Senate committee on constitutional amendments and revision codes na pinangungunahan naman ni Senador Miriam Defensor-Santiago.

“The present situation provides many opportunities towards sustainable peace. We cannot fail our brothers and sisters in Mindanao. The Senate is one with the administration in its goal to pass the BBL, and we remain confident that even with the many important debates, we can pass the BBL within the year,” pahayag ni Drilon.

“We cannot afford to err on this most-sought piece of legislation, if we truly want to secure this peace in Mindanao which we have now realized after decades of hostilities. It is therefore incumbent upon us to make sure that the efforts exerted by both panels will not be put in vain, by ensuring that the Bangsamoro Law falls within the four corners of the Constitution, and that it can withstand judicial scrutiny,” dagdag pa nito.

Bukod sa Bangsamoro Basic Law, isa pa sa pagtutuunan ng pansin ng Senado ay ang Build Operate Transfer Law upang magkaroon ng mas matibay na Public-Private partnerships.

“In 2014, the Senate passed important legislation on social and health services, and education, such as the law on automatic Philhealth coverage for senior citizens, the Graphic Health Warning Act, and the Iskolar ng Bayan Act. This year, we are directing our efforts to the economic sector, to ensure that the nation’s progress will not be hindered by events in the local and global markets,” ani Drilon.

 “We need to create a better enabling policy environment for Public-Private Partnerships. We need to invite more investments from the private sector through the most appropriate incentives, and at the same time, our policies need to ensure that the buying public will get fair and reasonable prices and efficient services from such PPP projects or ventures,” dagdag pa nito.

Nais din ni Drilon na makakuha ng mas malaking kita sa industriya ng pagmimina sa pamamagitan pagsusog sa ilang batas na may kaugnayan dito.

“Our view is that we need to increase the government’s share from mining revenues, since it is imperative that the Filipino people must have their fair share in an economic activity such as mining, which involves the extraction of our natural, finite and limited non-renewable resources. The minerals are owned by the Filipino people, and not by those who have mining licenses,” aniya.



Martes, Enero 13, 2015

Zanjoe, kumportable sa father roles

Ni Joseph Gonzales

Zanjoe MArudo
Hindi raw malaking isyu kay Zanjoe Marudo kung sa kanyang mga huling proyekto ay puro papel ng isang tatay ang kanyang ginagampanan.

“Oo, tulad ng bago nating soap opera na ‘Dream Dad.’ Wala akong problema riyan kasi enjoy naman tayong makipagtrabaho sa mga bata. Nakakatuwa sila. Napakagaan ng ambience sa set kapag sila ang kasama mo. Sa kaso ko, lagi na’y nagiging malapit ako sa kanila hanggang sa matapos ang programa,” anito.

Sa kanyang bagong soap opera na “Dream Dad” ay mayaman ang kanyang papel.

“At isa itong welcome change para sa akin! Kasi, lagi na’y puro mahihirap ang ginagampanan kong papel sa mga nakaraang proyekto ko. Pero sa pagkakataong ito, lagi akong nakasuot ng Amerikana at kurbata kasi business executive ako sa kuwento.

 “Ito ang mga gusto kong karakter na binibigyang-buhay on screen. Gusto ko ang daloy ng kuwento. Hindi ito gano’n kabigat at dramatic na kailangang umiyak sa maraming eksena. Ngayon pa lang ay wino-work out ko na ang chemistry namin ni Jana Agoncillo na gumaganap na aking anak dito. Pihado akong maiibigan na naman ito ng mga manonood lalo na ng mga magulang at mga bata kasi kakaibang bonding ang matutunghayan nila rito!”

Base sa kanyang pagiging open sa pagganap ng father roles, marami ang nagtatanong kung nag-iisip na raw ba siyang magka-anak sa lalong madaling panahon.


“Siyempre, kahit sino naman sigurong lalake ay gusto ang ideyang ‘yan. Pero sa kaso natin, nais ko munang mag-concentrate sa pagtupad sa aking mga ambisyon at mithiin sa buhay. Marami pa akong magagandang plano sa hinaharap,” pagtatapos na ni Zanjoe.

Vic, ibinunyag ang sikreto ng tagumpay sa showbiz

Vic Sotto
Nang tanungin kung ano ang sikreto ng kanyang tagumpay bilang isang pangunahing bituin sa mahabang panahon, sinabi ni Vic Sotto na dahil ito sa kanyang pagmamahal at dedikasyon sa trabaho.

“Totoo ‘yan,” anito. “Sa apat na dekada na itinagal natin sa showbiz, ang dalawang bagay na ‘yan ang mga susi kung bakit nandito pa rin tayo. Kapag mahal mo kasi ang trabaho mo, gano’n din ang balik nito sa ‘yo. Dahil doon, nagiging masaya ang trabaho. Parang magaan ang lahat.

“Ini-enjoy ko ang ginagawa ko sa larangang ito. Sa pamamagitan nito, naiiwasan nating ma-stress. Kung hindi mo gusto ang ginagawa mo, madali kang ma-burn-out. Maaapektuhan lang ang iyong kalusugan. So, ang pinaka-importante rito ay dapat masaya ka lang sa ginagawa mo. Makikita mo, the best din ang balik nito!”

Ginawang kunkretong halimbawa ng ace comedian-producer-host ang “Eat Bulaga.”

“Kapag binilang mo, mahigit nang tatlong dekada ang inilagi ko sa noontime variety show na ito. Sa kabila nito, aking masasabi na hindi ako napagod ni minsan sa routine. Lahat kami sa ‘EB’, sinisiguradong merong bago at exciting na makikita ang mga manonood sa araw-araw. Ini-enjoy namin ang bawat minuto na kami’y nagbibigay-kasiyahan sa balana.

“Mahal namin ang ‘EB.’ Siyempre, dahil sa audience at sa mga taong nagta-trabaho sa harap at likod ng kamera araw-araw. Nagbibigay ng kakaibang uri ng kasiyahan sa amin kapag kami’y nakakakilala ng iba’t-ibang tao dahil sa aming mga segments. Masaya kami na liban sa kasiyahang naidudulot namin, natutulungan pa namin sila.

“Hindi mababayaran ang pasasalamat nila sa amin. Sa bawat pagkakataong naririnig namin silang nagpapasalamat, para itong musika sa aming mga pandinig. Ito kasi ang paraan namin ng pagsukli sa aming mga matapat na tagasubaybay para sa kanilang suporta sa paglipas ng panahon. Hanggang ngayon ay buo pa rin ang kanilang paniniwala sa amin. Kundi dahil sa kanila, wala kami ngayon sa aming kinalalagyan!”

Samantala, proud na proud naman si Vic sa bagong apo na si Kaleb Hanns na anak nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa.

“At sino naman ang hindi matutuwa sa batang ‘yon? Guwapo talaga. Nakita n’yo na ba ang bagong Instagram post ni Oyo? Isa sa mga bagay na nakapagbibigay sa akin ng kapayapaan ay ang katotohanang lahat ng aking mga anak ay maayos ang takbo ng personal na buhay. At siyempre, dagdag-kaligayahan para sa akin ang aking mga apo tulad ni Kaleb.”

Eh, paano naman ang nobya niyang si Pauleen Luna?

“Siyempre, isa siyang malaking inspirasyon sa akin. Dahil sa kanya, masaya ako. Sana nga’y lagi kaming magkasama sa lahat ng pagkakataon,” saad ni Vic.

Lunes, Enero 12, 2015

YEAR IN REVIEW: Pinoy films, network rivalry, love stories and controversies

Ni Joseph Gonzales

Nadine Lustre and James Reid
Magtatapos na ang 2014. Isang taon na naman ang lumipas. Sa puntong ito ay ating balik-tanawan ang mga mahahalagang kaganapan sa lokal na aliwan. Anu-ano at sinu-sino ang mga tumatak sa isipan ng balana sa nakaraang 12 buwan? Ano ang mga mainit na pinag-usapan at sino sa ating mga artista ang lubos na nagningning ang bituin sa taong ito?

HIGHEST-GROSSING PINOY FILMS OF 2014
Bongga ang Star Cinema dahil karamihan sa listahan ng pinakamatagumpay na pelikula sa takilya ay galing sa kanila. Meron din ang Viva Films, Regal Entertainment at Skylight Films. Para sa taong 2014, ang “Starting Over Again” nila Piolo Pascual, Toni Gonzaga at Iza Calzado ang siyang nanguna sa talaan na tumabao ng Php 410, 188, 028. Muli ngang bumalik ang magic ni Piolo sa box-office sa pamamagitan ng behikulong ito na siya ring lalong nag-solidify sa puwesto ni Toni bilang isa sa pinakamaiinit nating artistang babae ngayon.
Sinundan ito ng “Bride for Rent” (Php 326,000.00); “She’s Dating the Gangster” (Php 254, 426, 481); “Maybe This Time” (Php 208,000.00); “Da Possessed” (Php 122, 698, 866); “Diary ng Panget: The Movie” (Php 119, 534, 657); “My Illegal Wife” (Php 880,000.00); “The Gifted” (Php 78, 405, 698); “Talk Back and You’re Dead” (Php 76, 941, 733);  at “Maria Leonora Teresa” (Php 72, 735, 576).
Ang taon din na ito ay saksi sa tagumpay ng mga pinakamaiinit na tambalan sa pelikula at telebisyon gaya nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Kim Chiu at Xian Lim at Nadine Lustre at James Reid. Hindi pa rin mapapasubalian ang popularidad ni Sarah Geronimo na pinatunayang kaya niyang magbukas ng pelikula kahit sino pa ang katambal gaya ni Coco Martin. Pasok pa rin sa listahan si Anne Curtis pati na si Cristine Reyes. Meron ding entry si Pokwang. Sa kabuuan nga’y naghari ang romance genre sa taong ito. Mapa-romantic drama o romantic comedy ay pasok sa panlasa ng madla. Meron pa ring hatak ang comedy at horror.
Sa talaang ito ay hindi pa kasama ang mga kalahok sa 2014 Metro Manila Film Festival na inaasahang papatok din sa takilya tulad ng “My Big Bossing” (Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon). “Feng Shui” (Kris Aquino at Coco Martin), “The Amazing Praybeyt Benjamin” (Vice Ganda), “Kubot: The Aswang Chronicles” (Dingdong Dantes at ang “Shake, Rattle & Roll 15” (Dennis Trillo, Carla Abellana, Lovi Poe, JC de Vera at Erich Gonzales).

NETWORK RIVALRY
Patuloy pa rin ang maigting na labanan sa pagitan ng dalawang pangunahing TV stations sa bansa, ang GMA-7 at ABS-CBN 2 nitong 2014. Palakihan sila ng mga programa at pabonggahan sa casting. Maging sa ratings at commercial loads ay dikitan ang laban ng dalawa. Ang pangatlong network, ang TV 5 ay patuloy namang nangangapa at tinitimpla ang pulso ng masa.
Sa panig ng Kapuso, tuloy ang pamamayagpag ng kanilang Prime Time King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Umpisa pa lang ng taon ay umarangkada na si Marian sa pamamagitan ng “Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw.” Binigyan din siya ng isang dance show, ang “Marian” na isa ring ratings success. Pinag-usapan naman ang soap opera ni Dong na “Ang Dalawang Mrs. Real” kung saan ay nakatambal niya sina Lovi Poe at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Panalo rin sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa taong ito. Pagkatapos ng matagumpay na “My Husband’s Lover” noong 2013, binigyan sila ng sarili nilang soap, ang “My Destiny” na nag-hit din. Nagkaroon pa ng game show si Tom, ang “Don’t Lose the Money” na naging popular din. Si Carla naman ay binigyan ng isang sitcom, ang “Ismol Family” kasama si Ryan Agoncillo. Sa panig naman ni Dennis Trillo, binigyan siya ng soap opera, ang “Hiram na Alaala” kung saan ay katambal niya sila Kris Bernal, Lauren Young at Rocco Nacino.
Patuloy din ang pamamayagpag sa ratings chart ng “The Half Sisters” nila Barbie Forteza, Thea Tolentino at Andre Paras. Hindi rin magpapahuli ang tambalan nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona. Hataw din ang programa nilang “More than Words” matapos tampukan ang remake ng “Villa Quintana.”
Hit din sa publiko ang “Strawberry Lane” nila Bea Binene, Joyce Ching at Kim Rodriguez gayon din ang remake ng “Yagit” na tinatampukan ng mga abgong child stars ng GMA na sila Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla, Judie dela Cruz at Jemuell Ventinilla. Tagumpay din ang unang pagbibida ni Gabby Eigenmann sa “Dading.” Muli ring tinangkilik ng publiko ang tambalang Andrea Torres at Mikael Daez sa “Ang Lihim ni Annasandra.”
Pagdating naman sa reality show, klik ang “Bet ng Bayan” ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at ang bagong leading man material ng Siyete na si Alden Richards na bago ito’y nag-bida sa kauna-unahang bayani-serye na “Ilustrado.”
Hindi rin naman nagpahuli ang ABS-CBN 2. Bongga ang kanilang drama na “The Legal Wife” tampok sila Angel Locsin, Jericho Rosales at Maja Salvador, gayundin ang “Sana Bukas Pa ang Kahapon” nina Bea Alonzo at Paulo Avelino at “The Two Wives” nila Kaye Abad, Erich Gonzales at Jayson Abalos.
Umarangkada rin si Kim Chiu katambal si Coco Martin sa “Ikaw Lamang.” Ipinakilala naman si Julia Barretto sa “Mira Bella” kasama si Diego Loyzaga. Hit din ang “Moon of Desire” nila JC de Vera, Ellen Adarna at Meg Imperial habang tinangkilik din ng mga manonood ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga sa “Home Sweetie Home.”
Pinangungunahan ni Zanjoe Marudo ang bagong kinagigiliwang prime time show na “Dream Dad” habang binigyan naman ng kanyang unang solo show ang dating child star na si Nash Aguas sa “Bagito.” Bida naman sa “Forevermore” ang bagong tambalan nina Enrique Gil at Liza Soberano.
Meron ding programa si Judy Ann Santos na “Bet on Your Baby” at patuloy na sinusubaybayan ang musical reality show na “The Voice of the Philippines” tampok sila Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo at Apl.De.Ap.
            Sa parte ng TV 5, inilunsad nila sa “Trenderas” ang triumvirate nila Isabelle de Leon, Katrina Velarde at Lara Maigue. Gumawa rin ng konting ingay ang kanilang “Wattpad Presents.”

 LOVE STORIES & CONTROVERSIES

Itinuturing na Wedding of the Year ang kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong Disyembre 30, 2014. Matagal na itong inaabangan ng balana. Bongga ang preparasyon ng okasyon at halatang masayanng-masaya ang dalawa sa nalalapit nilang pag-iisang-dibdib. Malaking halaga ang magagastos para sa kasalang ito.
Nag-anunsyo na rin ng engagement sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. Ito ay magaganap naman sa Pebrero ng susunod na taon. Metikuloso rin ang ginagawang preparasyon para rito at inaasahang marami ang mamamangha sa kinang ng okasyon.
Nagpakasal naman sina Aiza Seguerra at Liza DiƱo sa Amerika na dinaluhan ng kanilang malalapit na kamag-anak at kaibigan. Forest-inspired ang tema ng seremonyas ng kasal. Masayang-masaya ang pareha dahil sa wakas ay natuloy na rin ang kanilang kasal.  Marami rin ang natuwa nang pagkatapos ng mahabang panahon ay ikinasal na ang mag-sing-irog na sina Iya Villania at Drew Arellano.
Samantala’y inaabangan naman ang pag-iisang dibdib nina Angel Locsin at Luis Manzano. Isa sila sa mga hinahangaang pareha sa showbiz sa kasalukuyan. Matamis din ang pagtitinginan nina Maja Salvador at Gerald Anderson, gayundin nina Billy Crawford at Coleen Garcia. Hindi rin magpapatalbog sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona. Idagdag pa riyan sina Lovi Poe at Rocco Nacino. Masaya na rin sa kanyang buhay-pag-ibig si Ai Ai delas Alas.
Naging mainit na usap-usapan ang pagpapa-release ni Aljur Abrenica sa orihinal na mother studio niyang GMA-7. Sinubaybayan din ang away at pagbabati ng mag-inang Racquel at Charice Pempengco. Sa katagalan ay natanggap na rin ng ina si Alyssa para sa anak. Marami naman ang hindi pabor sa hindi pagkakahirang kay Superstar Nora Aunor bilang National Artist. Siyempre pa, ang kuwento ng pagkakabugbog kay Vhong Navarro ay isang malaking balita nitong 2014. Marami ang naki-simpatya sa comedian-host sa sinapit nito. Buti na lang at nakabawi rin si Vhong at ngayon ay tuloy ang buhay-showbiz.


2014-15 Winter Illuminations in Japan

Ni Florenda Corpuz
Winter illumination sa Japan. Kuha ni Din Eugenio


Taglamig na naman! Bukod sa snow na inaabangan ng maraming tao, pinakaaabangan din ng mga lokal at dayuhang turista ang mga illuminations sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang bahagi ng kanilang winter experience.

Narito ang listahan ng mga lugar na may popular na winter illuminations sa bansa ngayong 2014-15:

1. Roppongi Hills – May temang “Artelligent Christmas,” labis na ikinamangha ng mga tao ang pailaw sa pinakapopular na “city within a city” sa Tokyo. Sa kahabaan ng Keyakizaka Street, makikita ang Galaxy Illumination ng “Snow&Blue” at “Candle&Red.” Sa 66 Plaza naman ay makikita ang isang giant Christmas tree na may taas na walong metro at pinatingkad pa ng mga LED lights habang malaking chandelier naman ang naka-display sa West Walk.

2. Tokyo Midtown – Nasilayan dito ang signature winter display ng lugar na “Starlight Garden” kung saan 180,000 fragments of light ang matatanaw sa abot ng mga mata. Pinatingkad pa ito ng dinagdag na stick illumination na kauna-unahan sa bansa at nagbibigay liwanag na aabot sa apat na metro at lumilikha ng 3D.

3. Ginza – Pinatingkad muli ng Mikimoto Jumbo Christmas Tree ang kahabaan ng Chuo Street na nakadagdag sa rangya ng sikat na high-end shopping district na naka-display hanggang Disyembre 25.

4. Ebisu Garden Place – Tampok pa rin ngayong taon ang kaaki-akit na “Baccarat Eternal Lights” kung saan may nakalatag na mahabang red carpet patungo sa 5-meter-tall crystal chandelier tower na siyang pinakatampok na atraksyon ng lugar. Bukas ito sa publiko hanggang Enero 12, 2015 mula 4 p.m. hanggang 12 m.n.

5. Shiodome – Ang “Canyon d'Azur” ang tampok na atraksyon ngayong taglamig sa Caretta Shiodome kung saan makikita ang tila karagatan ng mga LED lights. Bukas ito hanggang Enero 12, 2015 mula 5 p.m. hanggang 11 p.m.

6. Shirakawa-go – Hinirang na UNESCO World Heritage Site sa Gifu Prefecture, dinarayo ang lugar na ito dahil sa katangi-tanging tanawin. Umaabot sa mahigit sa apat na metro ang snowfall dito kung saan ang mga gassho-zukuri farmhouses sa Ogimachi village ay iniilawan. Bukas ito sa Enero 17, 24, 25, 31; Pebrero 1, 7 at 14, 2015.

7. Sapporo – Isa sa pinakamalaking winter events sa bansa ang Sapporo Snow Festival kung saan makikita ang mga nakakamanghang crystal-like ice structures at puting snow na lalo pang pinatingkad ng winter illumination nito. Gaganapin ito mula Pebrero 5 hanggang 11, 2015.

8. Kobe – Nagsimula noong 1995, ang Kobe Luminarie sa Hyogo Prefecture ay ginaganap taun-taon upang gunitain ang Great Hanshin-Awaji Earthquake. Ito rin ang orihinal na illumination attraction ng bansa. Makikita rito ang naggagandahang hand-painted lights at LEDs na napapailawan upang gunitain ang mga biktima ng lindol at pagdiriwang sa muling pagbangon ng Kobe.

9. Osaka – Bilang bahagi ng “Festival of the Light in Osaka 2014,” masasaksihan ang “Osaka Hikari-Renaissance” at “Mido-suji Illumination” hanggang Enero 18, 2015.


10. Kyoto – Ngayong Disyembre, ginaganap ang dalawang magkahiwalay na light at flower walkway festivals na kung tawagin ay “Hanatouro” sa mga lugar ng Arashiyama at Higashiyama. Masisilayan dito ang mga naggagandahang hand-sculpted open-air lanterns na may tradisyonal na disenyo at nagbibigay ilaw sa mga walkways patungo sa mga templo, shrines at parke.

Huwebes, Enero 8, 2015

Ika-50 taon ng Inter BEE: Tanda ng isang bagong kabanata sa industriya ng broadcasting

Ni Herlyn Alegre


International Broadcast Equipment Exhibit (Kuha ni Shion Yee Wong)
Tuwing manonood ng maaksyong mga pelikula tulad ng “Rurouni Kenshin” at “Lupin III,” paniguradong hindi mo mapigilang mag-isip kung paano kinukuhanan ang mga kumplikadong eksena tulad ng mga fight scenes at explosions. Ang sarap panoorin ng mga ganito, makapigil-hininga, pero siguradong nangailangan ito ng mga makabagong kagamitan at bihasang mga tao para makuhanan sa tamang anggulo at timing ang ganitong mga eksenang mahirap nang i-take 2.

Sa ginanap na International Broadcast Equipment Exhibit (o mas kilala sa tawag na Inter BEE) sa Makuhari Messe kamakailan ay nabigyang-linaw kung paano matagumpay na nagagawa ang mga eksenang tulad ng nasa Rurouni Kenshin at Lupin III. Ito ang ika-50 taon na ginanap ang exhibit na ito.

Ang simula ng Inter BEE

Taong 1964 nang unang itanghal ang Inter BEE sa Tokyo. Kagaya ng nakaraang 49 na taon, hindi binigo ng Inter BEE ang halos mahigit 30,000 taong dumalo sa exhibit ngayong taon upang makita ang pinakamakabagong modelo ng iba’t ibang equipment na gamit sa industriya ng broadcasting tulad ng mga cameras, HDTV, satellites, speakers, generators at iba pa na ipinakita ng mahigit na 900 kumpanya kung saan 536 ay nagmula pa sa ibang panig ng mundo. Sa kasalukuyan, kinikilala ang Inter BEE bilang isa sa tatlong pinakamalaking broadcast equipment exhibit sa mundo kasama ng NAB sa Estados Unidos at IBC sa Europa.

Mga makabagong cameras on display

Punung-puno ang anim na hall sa Makuhari Messe ng mga booth ng exhibitors. Maaari rin na subukang gamitin ang mga naka-display na produkto kaya maaaring paglaruan ang mga camera at malaman kung paano fino-focus at zinu-zoom sa mukha ng artista ang mga camera. Nasubukan din ng marami na itaas, ibaba, paikutin at pagalawin ang mga ito.

Nakakamangha ang galing ng mga camera, konting galaw at pindot lang ay gagawin nito ang ano mang gusto mo – zoom, pan, tilt, dolly, pedestal, truck. Mayroon din na mga on-site actors ang mga booth na hindi tumitigil sa paggalaw – may naka-bunny costume na nagpapaikot ng roleta na parang nasa casino, mayroong nag-ji-gymnastics at nag-eexercise, mga babaeng naka-gown at nagkukuwentuhan sa isang bar set-up at isang magandang babaeng nakakimono na nagbabasa sa loob ng bahay. Nandoon sila sa mga booth para pagpraktisan ng mga camera techniques kung gusto ng mga customer na subukan ang mga camera on display. Pwede rin na mag-feeling artista sa harap ng camera gaya ng pagtayo sa harap ng green screen at pagkaway-kaway sa camera. Kung titingnan ang kuha ng camera sa TV, ang green screen ay napalitan ng isang malaking aquarium kung saan may mga makukulay na isda na lumangoy-langoy!

Ilan sa mga equipment na nakadisplay ay ang:
  •           Ericsson TV Anywhere – maaari nang i-record ang mga paborito mong TV program at panoorin nang paulit-ulit sa smartphone o tablet. Kakaiba ang serbisyong ito dahil hatid ito ng isang telecommunications equipment company at ang pagre-record ng programa ay ginagawa sa cable company mismo. Hindi lamang mga bagong programa ang pwedeng i-record kung hindi pati na rin ang mga naipalabas na noon.
  •       Panasonic VariCam 35 4K camera recorder – mayroon itong built-in na 35mm single panel MOS at dahil mataas ang sensitivity nito sa ilaw, kaya nitong kumuha ng malilinaw na eksena kahit madilim. Madali rin i-adjust ang kulay ng nakuhanan dahil sa in-camera grading function nito. Dahil sa 4k/HD compatibility nito, ideal itong gamitin para sa pagkuha ng mga dramang pang-telebisyon.
  •        Attain SSP Series Teleprompter – maaari itong ikabit sa camera tripod upang magamit habang nagrerecord ng video. Gamit ang half mirror na nakatapat sa harap ng camera lens, maaaring mabasa ng nagre-record ang mga linyang nakasulat sa teleprompter habang nakatingin sa camera. Mayroong apat na mode na maaaring pagpilian ang mga gagamit nito: ikabit sa stand, ilagay sa taas ng nagbabasa, ilapag sa sahig o gamitin ng naka-standard mode.
  •     JVC Kenwood GY- LS300 – isang handheld na camera recorder na mayroong detachable helicopter minicam na maaaring gamitin for aerial shots.
  •           Sony PXW- FS 7 – Maliit man ito at madaling dalhin, hindi pa rin nagkulang ang mga features ng camera na ito. Mayroon itong built-in single panel CMOS at 8.8 million pixels.  Madali rin itong palitan ng lens kung outdoor ang shoot at laging on the go ang gumagamit nito.


Mga aabangan sa industriya ng broadcasting

            Nagkaroon din ng iba’t ibang forum sa loob ng tatlong araw na exhibit. Nagbigay ng iba’t ibang makabuluhang keynote speeches ang ilan sa mga mahahalagang tao sa industriya. Isa na rito ang Chief of Engineering ng Japan Broadcasting Company na si Senior Director Yasuto Hamada na tinalakay ang mga upcoming innovation sa industriya ng broadcasting at media services. Ipinaliwanag niya na noong nakaraang taon lamang ay ni-launch ng NHK ang Hybridcast, isang technique kung saan pinagsama ang broadcast and broadband services.  Sinabi rin niya na matagal nang pinag-aaralan ng NHK ang paggamit ng 8K super hi-vision broadcasts na malapit na nilang i-test.

50th anniversary live party

Pagkatapos naming mag-ikot sa loob ng exhibit ay dumalo rin kami sa after party kung saan mayroong mga hinandang mga kamangha-manghang pagtatanghal para i-showcase ang kakayahan ng mga sound, video and lighting equipment. Isa sa mga ito ay interpretative dance na ginamitan ng mga lumilipad na remote-controlled lights upang ilawan ang babaeng sumasayaw. Sinusundan siya ng mga lumilipad na ilaw at nakakagawa ito ng magandang anino sa dingding sa kanyang likuran.


Miyerkules, Enero 7, 2015

Brad Pitt, Logan Lerman, nag-promote ng pelikula sa Tokyo

Ni Florenda Corpuz


Logan Lerman and Brad Pitt. (Kuha ni Din Eugenio)
Tokyo, Japan – Dumating sa bansa ang Hollywood A-lister na si Brad Pitt kasama ang batang aktor at co-star na si Logan Lerman para sa press tour ng kanilang bagong pelikula na “Fury.”

Sinalubong ng aabot sa 400 Japanese fans ang pagdating nina Pitt at Lerman sa Haneda Airport noong Nobyembre 14.

Kinabukasan ay humarap sa Japanese at foreign media ang dalawa para sa press conference ng kanilang World War II film na ginanap sa Tokyo Midtown Hall sa Roppongi.

“It’s great to be here again,” bati ni Pitt sa mga press people na inaming kahit ilang beses na siyang nakarating sa bansa ay palagi pa rin siyang namamangha sa mga lugar dito at sa kulturang Hapon.

Sinabi naman ni Lerman na ang Japan ang kanyang bagong paboritong lugar sa buong mundo dahil sa kakaibang enerhiya ng bansa at ng mga tao rito. “This is my third time here in Japan and I’m so happy to be back.”

Ikinuwento ni Pitt ang kanilang karanasan habang kinukunan ang mga eksena sa pelikula. “The tank – there’s nothing ergonomical or comfortable about it.”

“We trained extensively for the film. But what was remarkable to me is that the men, they lived in that space, they had their meals there, they slept there, they fought there, they went to bathroom there. We need to think what the men went through during those times under these conditions. It’s pretty heroic,” ani Pitt.

Ayon kay Lerman, ibinigay nila ang lahat ng kanilang makakaya para maging makatotohanan ang pelikula. “Fury is such a unique experience to film. This is definitely the film I am most proud of.”

Matapos ang kanilang pagharap sa media ay ginanap ang red carpet premiere sa TOHO Cinemas sa Yurakucho kung saan daan-daang fans ang nag-abang sa kanilang pagdating.

“Hello, everyone! Thank you for the support. We made a great movie for you and we can’t wait for you to see it,” masiglang bati ni Pitt na nagpahiyaw sa mga fans.
           
Matapos ang stage greeting at photo call ay nagpaunlak ng autograph at nakipag-selfie ang “Fury” actors kasama ang kanilang Japanese fans.


Ipinalabas ang nasabing pelikula sa mga sinehan sa buong bansa noong Nobyembre 28.

Linggo, Enero 4, 2015

Pinay community leader sa Japan pinarangalan ng Presidential Award

Ni Florenda Corpuz


Nanay Anita – 1st row, 2nd from right, wearing red blouse
(
Kuha ni Benhur Arcayan / MalacaƱang Photo Bureau)
Kinilala ang kabayanihan ng isang Pinay community lider sa Japan dahil sa natatanging ambag nito sa pagtulong sa mga kababayang nangangailangan gayundin sa mga Japanese-Filipino children na may problema at pinagdadaanang pagsubok sa buhay.

Ginawaran ng prestihiyosong Banaag Award, isa sa apat na kategorya ng Presidential Award, si Anita A. Sasaki o mas kilala sa tawag na “Nanay Anita” sa 2014 Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas nitong Disyembre 5 sa MalacaƱang Palace.

As you continue your work in your offices, your community centers, your studios, your clinics, and laboratories towards the pride and upliftment of our people, you have a government and a Filipino people that is working shoulder-to-shoulder with all of you. Together, we have given rise to a global community where Filipinos can truly hold their heads high.

“While the awards you receive today are symbols of your success, I am hopeful that you also treat them as invitations: to continue your pursuit of excellence, and the way you bring pride and honor to our country,” saad ni Pangulong Aquino sa kanyang speech.

Itinatag ni Nanay Anita ang Tahanan ni Nanay noong Oktubre 2012 na nagbukas ng pinto para sa mga Japanese-Filipino children (JFC) na may problema at pinagdadaanang pagsubok sa bahay at sa eskwela. Ito ay nag-ugat sa grupong Christian Association Serving Traditional Laymens Evangelization o CASTLE. Sa Tahanan ni Nanay, nililinang ang kakayahan at talento at personalidad ng mga JFC.

“We need to inculcate Filipino values to these youth. Nais ko rin na itaas ang imahe ng mga Pilipino sa Japan. Habang nandito tayo ay hindi tayo binabatikos. We have to show them na ang mga Pilipino ay iba. Kayo ang pag-asa that’s why I want you to be the best. Mayaman tayo, may kulturang maganda,” saad ni Nanay Anita sa isa sa mga panayam ng Pinoy Gazette.

Isinasagawa kada dalawang taon, ang Presidential Awards ay binuo noong 1991 sa pamamagitan ng Executive Order 498 upang kilalanin ang mga overseas-based individuals at organizations na nakatuon sa kanilang mga trabaho sa pagpapabuti ng mga buhay ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Bukod kay Nanay Anita, pinarangalan din ang 32 pang outstanding overseas Filipinos and foreign-based organizations kabilang na sina Wako Asato (Japan) -Kaanib ng Bayan Award, Serenata (Saudi Arabia) - Lingkod sa Kapwa Pilipino Award, Michael Cinco (UAE), Cristeta Comerford (USA) at Lea Salonga (USA) - Pamana ng Pilipino Award.