Ni
Florenda Corpuz
Pambansang Bae Alden Richards (Kuha ni Chino Manding Caddarao) |
Tokyo, Japan – Dinumog ng
libu-libong fans ang “Kapusong Pinoy Japan” concert nina Philippine Comedy
Queen Ai Ai delas Alas, Rock and Soul Diva Aicelle Santos at Pambansang Bae
Alden Richards na ginanap sa New Pier Hall noong Oktubre 11.
Ang palabas ay bahagi ng concert
series para sa pagdiriwang ng ika-10 taong anibersaryo ng GMA Pinoy TV na
tinawag na “Sampuso” na nagsimula noong Mayo sa Vancouver, Anaheim at New York.
Nakipagsayawan, nakipagkantahan,
nakipagkulitan at nakipag-selfie sina Ai Ai, Aicelle at Alden na tinawag na
“Triple A” sa kanilang mga tuwang-tuwang Pinoy fans na nagmula pa sa iba’t
ibang lugar sa Japan.
Unang beses ni Alden sa Japan na
excited na pumasyal sa iba’t ibang lugar tulad ng Roppongi kung saan siya
kumain ng authentic ramen at Shibuya kung saan binisita niya ang estatwa ng
asong si Hachiko.
Bago ang konsiyerto ay humarap muna
ang tatlong Kapuso stars sa isang press conference na ginanap sa Karaoke Kan sa
Ginza kung saan magiliw nilang sinagot ang mga katanungan mula sa miyembro ng
Filipino media sa Japan.
Ikinuwento ni Alden sa mga miyembro
ng press ang kanyang hangarin na sana’y magpatuloy pa ang kanilang tandem ni
Yaya Dub o Maine Mendoza ng mas matagal.
“Sana po it will continue.
Actually, we really can’t say kung hanggang kailan magiging magical ang ‘Aldub’
tandem, pero to everything that has come our way, for the past two months, we
are very grateful, even si Maine, I’m sure ganoon din,” pahayag ng gwapong
aktor.
“We really are so blessed dahil
talagang overflowing ang support at nakukuhang recognition mula sa Pilipinas at
iba pang bansa,” aniya.
Aminado rin ang aktor na nagiging
emosyonal talaga siya tuwing kinakanta ang “God Gave Me You” ng American singer
na si Bryan White at ibinahagi niya ang linya sa kanta na talagang tumitimo sa
kanyang puso.
“‘And all that I’m worth is right
before my eyes’. Iyan ang pinakapaboritong kong linya sa kanta,” pag-amin ni
Alden.
Todo-suporta din ang mga ilang
miyembro ng Aldub Japan Chapter kay Alden na dumalo sa press conference at
concert. Nagbigay din sila ng mga regalo para sa aktor, kay Maine at Dabarkads.
Samantala, sa tanong ng Pinoy
Gazette tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng child actor na si Jiro Manio na
tinutulungan ni Ai Ai na makita ang ama nitong Hapon ay ibinahagi ng comedy
queen ang magandang balita.
“Si Jiro, nandoon pa rin sa
facility pero malapit na siyang lumabas and hopefully, ‘yung tumutulong sa amin,
si Mr. Nakasawa, nakausap niya ‘yung father ni Jiro and hopefully rin, in God’s
grace, sana madala ko rin siya rito sa Japan bago mag-Christmas para magkita
sila ng father niya tapos iuuwi ko rin siya sa Pilipinas.”
“Sana, makapag-artista siya uli kasi
sayang naman ‘yung talent ng bata kung hindi natin tutulungan. Marami siyang
dudurugin na aktor kapag umayos uli si Jiro. Di ba napakagaling na bata? Kaya
natin ‘to,” pahayag ni Ai Ai.
Sinabi rin ni Ai Ai na masaya siya
sa kasalukuyang estado ng kanyang buhay pag-ibig at karera sa Kapuso network.
“Ako po talagang kuntento na ako
and sabi nga, huwag kang magsasalita nang tapos pero ako I think, dito na ako
sa GMA 7 forever kaya may forever.”
Ang Japan ang kauna-unahang bansa
kung saan inilunsad ang GMA Pinoy TV sa pamamagitan ng broadcast carrier na
IPS, Inc. taong 2005.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento