President Aquino (Malacanang Photo Bureau) |
Parang kailan lamang ay nakita
natin ang panunumpa ni Pangulong Benigno Aquino III bilang ika-15 pangulo ng
bansa na humalili kay Gloria Macapagal-Arroyo. Taong 2010 nang humarap si Aquino
sa mga taumbayan, na kanyang tinawag na kanyang boss, para magbigay ng talumpati
at nangakong pangungunahan ang bansa sa “Daang Matuwid” na naging slogan ng
kanyang administrasyon.
“Isandaang araw po ang nakalipas,
nagpanata ako sa taumbayan: Hindi ko tatalikuran ang tiwalang kaloob ninyo sa
akin. Ang nakalipas na isandaang araw ang magsisilbing tanda ng ating pong
paninindigan,” pahayag ni Aquino ng una niyang makamit ang unang 100 araw ng
pagsisilbi sa bansa noong Oktubre 7, 2010.
Sa pagpasok ng Marso 21, 2016 ay
nagsimula naman ang huling 100 araw ni Aquino bilang lider ng bansa. Malalaman
kung sino ang hahali kay Aquino pagkaraan ng halalan sa Mayo 9 habang opisyal
na magtatapos ang kanyang panunungkulan sa Hunyo 30, 2016.
Sa isang press conference na
ginanap kamakailan, sinabi ni Aquino na bagaman tatlong buwan na lamang ang
natitira sa kanyang panunungkulan ay responsibilidad pa rin niya ang lahat ng
mga magaganap sa mga panahong ito. Hanggang sa kahuli-hulihang segundo ay
sisiguraduhin niya na ginampanan niya ang kanyang tungkulin ng 100 porsyento.
“I wish I had the luxury to be
able to say that ‘this is the only thing I’d do’ or ‘majority of the time we
will spend here.’ But the job of the
President is to be responsible for everything all the time—before it happens,
while it’s happening, and after it happened,” ani Aquino sa ulat na inilabas ng
pahayagang Philippine Daily Inquirer.
Iginiit nito na hangga’t hindi pa
natatapos ang kanyang termino ay tuluy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga
proyekto sa ilalim ng kanyang administrasyon kabilang na ang pagkukumpleto sa rehabilitation
at reconstruction project para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.
Kasalukuyang hinaharap din ng administrasyong
Aquino ang napipintong epekto ng El NiƱo phenomenon na sinasabing higit na
mararamdaman ngayong panahon ng tag-init pati na rin ang pagkalat ng Zika
virus.
Mga tagumpay at mga kontrobersiya
Aminado si Aquino na hindi siya
naging perpektong pangulo ngunit aniya ay nagawa naman niya na mapabuti ang bansa
sa pamamagitan ng pagpapataas sa ekonomiya ng bansa na noong 2015 ay umabot sa
6.8 porsyento ang economic growth habang umabos sa humigit-kumulang sa Php1.5
bilyon ang nalikom na buwis.
“Nevertheless, I can look anyone
in the eye and say: I made the best decisions based on the information and the
capacities we possessed at the time. My one and only interest is the well-being
of my Bosses. I did all I could to forge a nation that is more just and more
progressive—one that enjoys the fruits of meaningful change,” pahayag ni Aquino
sa kanyang huling talumpati sa State of the Nation Address noong nakaraang
taon.
Matatandaan na ipinagmalaki ni Aquino
na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay bumangon ang Pilipinas mula sa pagiging
“sick man of Asia” ay naging “Asia’s Rising Tiger.” Ipinagmalaki rin ni Aquino
ang “Daang Matuwid” na plataporma ng kanyang administrasyon na dahilan kung
bakit nanumbalik ang tiwala ng taumbayan at ng mga banyaga dahilan para lumobo
sa $6.2 bilyon ang direct foreign investments sa bansa.
Bukod dito, umabot din sa 4.4
milyong Pilipino ang naging household beneficiaries ng Pantawid Pamilya
Pilipino Program, the conditional cash transfer program na ipinatupad ng
administrasyon.
Niyanig din ng ilang isyu at
kontrobersiya ang administrasyongAquino katulad ng kasong plunder ni ginang
Arroyo, ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o “pork barrel” na
kinasangkutan ng ilang malalapit kay Aquino gaya ni Secretary butch Abad, paghawak
sa rescue at rehabilitation program para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, at
ang insidente sa Mamasapano, Maguindanao kung saan 44 sundalo ang napatay.
Pag-endorso ng kandidato
Pinangalanan ni Aquino si Department
of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas bilang presidential
standard bearer ng kanyang partido, Liberal Party (LP), para sa darating na halalan.
Matatandaan na si Roxas ang standard
bearer ng LP noong 2010 elections ngunit nagparaya ito matapos lumakas ang
sigaw ng publiko sa pagtakbo ni Aquino.
Sa ilang pagtitipon at kaganapan
ay iniendorso ni Aquino ang kandidatura ni Roxas na aniya ay magpapatuloy ng
Daang Matuwid na kanyang nasimulan.
“Dapat masiguro ko sa inyo, bago
ako umalis, nasa mas maayos na kalagayan kayo na aking mga boss. Mahalaga pong
masiguro na ang mga susunod na pinuno ay itutuloy ang Daang Matuwid.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy
pa, ang kailangan ay ang kapareho ng ating pananaw, ang nagmamahal sa Pilipino
at tiyak na uunahin ang bayan bago ang sarili. Walang iba po kundi ang
tambalang Mar (Manuel) Roxas at Leni Robredo,” ani Aquino ng sumama ito sa
pangangampanya.
Gaya ng kanyang tinuran sa SONA
2015, hahayaan niya ang kasaysayan na maghusga sa kanyang mga nagawa bilang
pangulo ng bansa.
“I will let history decide. As I
did during my mother’s wake, I will once again speak the words from 2 Timothy,
Chapter 4, Verse 7. And I quote, ‘I have fought the good fight, I have finished
the race, I have kept the faith’”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento