Ni
Florenda Corpuz
Kuha mula sa Bemac Electric Transportation Philippines, Inc. |
Kinumpirma ng Uzushio Electric na
sila ang nanalo sa bidding ng 3,000 units ng E-Trike sa Pilipinas para palitan
ang tradisyonal na tricycle at madagdagan ang kita ng mga drayber at mabawasan
ang polusyon sa bansa.
Ayon sa pahayag ng Uzushio Electric
na naka-base sa Imabari City, Ehime Prefecture, natanggap nila ang abiso na
nagsasabi na sila ang nanalong bidder para sa E-Trike Project ng Department of
Energy (DOE) at Asian Development Bank (ADB) sa contract price na $30,747,000.
“Bidding guidelines for the 3,000
E-Trike Plan were announced in February, 2015 and we participated in the bid
that was carried out in May. Four other companies also participated in the bid,
which was followed by a technical review and we were the only company that
reached the opening of the bidding price which was conducted in August. As a
result, we obtained negotiating rights and further negotiated price with the
DOE and the ADB and then received official notification of our successful bid,”
saad ng Japanese firm.
Inaasahang matatapos ang 1,200
units sa susunod na tatlong buwan habang ang natitirang 1,800 units ay maaaring
matapos hanggang Agosto. Nakatakdang i-deliver ang mga ito ng Bemac Electric
Transportation Philippines, Inc., ang subsidiary ng Uzushio na may operasyon sa
Pilipinas, ngayong taon.
Dadalhin ang mga E-Trikes sa mga
local government units (LGUs) at gagamitin ng mga drayber sa pamamagitan ng
lease to own arrangements kung saan araw-araw silang magbabayad ng boundary sa
mga LGUs.
Plano rin ng DOE na palitan ang
17,000 tricycles ng E-Trikes sa mga susunod na taon.
Ang Uzushio Electric ang
nangungunang large ship outfitter sa Japan na gumagawa ng electric at
communications equipment.
Sa kasalukuyan ay may mahigit sa
3.5 milyong tricycle ang pumapasada sa Pilipinas na isa sa pangunahing dahilan
ng polusyon sa bansa. Dahil dito, inanunsyo ng pamahalaan ang isang proyekto kung
saan papalitan ng 100,000 E-Trikes ang mga tradisyonal na tricycle sa bansa
para mapabuti ang kapaligiran.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento