Rachelle Ann Go bilang Fantine |
Nangyari ito pagkatapos ng matagumpay na
pagganap at pagkilala kay Rachelle Ann bilang ang bar dancer na si Gigi Van
Tranh sa ika-25 anibersaryong edisyon ng “Miss Saigon” sa West End stage sa
London noong 2014 hanggang 2015.
At ngayon, kagaya nina Lea Salonga, Joanna
Ampil, Jon Jon Briones at Jose Llana, kabilang na si Rachelle Ann sa mga bagong hinahangaan
ngayon sa ibang bansa pagdating sa likas na galing sa pagkanta, pag-arte at
pagsayaw sa mundo ng international musical theatre. Nag-debut si Rachelle Ann
bilang Fantine sa West End stage nitong Hunyo
2015.
Ang Les
Misérables in Manila ang kauna-unahang pagkakataon na itatanghal ito sa bansa
bilang bahagi ng Asia tour ng produksyon.
Kaya’t higit na espesyal ang pagkakataong ito dahil mapapanood din sa unang
pagkakataon ng mga Pinoy si Rachelle sa pagganap niya sa iconic role na si
Fantine.
Hindi naman maitago ni
Rachelle Ann ang galak na makapagtanghal para sa mga kababayan. Aniya,
magandang pagkakataon ito para maipakita ni Rachelle Ann kung ako ang mga
pinagkakaabalahan niya nitong nagdaang mga buwan.
Maging ang mga cast members
na sina Simon Gleeson (Jean Valjean), Earl Carpenter (Inspector Javert), Kerrie
Anne Greeland (Eponine) at Chris Durling (Enjolras) ay excited na magtanghal sa
isang bansa na may kultura ng matinding pagmamahal sa pagkanta.
Ikinatuwa
rin ni Cameron
Mackintosh ang ideya ng pagdadala sa Les Mis sa Maynila. Aniya, pagkatapos ng
magandang takbo ng musical sa Melbourne, Perth at Sydney ay napapanahon ang
pagkakataong mapanood ang musical sa Maynila bilang pagbibigay-pugay din sa
magandang samahan ni Mackintosh sa mga magagaling na Filipino theatre talents.
Tampok sa Les Mis ang kwento ni
Jean Valjean, isang ex-convict noong 19th century France na nakulong ng 19 na
taon dahil sa pagnanakaw ng tinapay at ilang beses na nagtangkang tumakas.
Dahil sa tulong ng isang obispo, nagdesisyon siya na magbagong-buhay hanggang
sa naging alkade ng isang bayan sa France at may-ari ng isang pabrika. At isa
sa mga trabahador niya ang single mother na si Fantine na napilitang pasukin
ang prostitusyon para sa anak na si Cosette.
Ilan lamang ang mga makasaysayang
kanta na “I Dreamed a Dream,” “On My Own,” “Bring Him Home,” “One Day More,” “A
Heart Full of Love” at “Do You Hear the People Sing?” ang kabilang sa
repertoire ng produksyon na naging tatak na ng Les Mis.
Binuksan ang performances mula
Marso 11 at naganap naman ang gala night noong Marso 16. May pagkakataon pa ang
mga Pinoy na mapanood ang tinaguriang ‘one of the greatest musicals of all
time’ sa The Theatre sa Solaire Resort, Parañaque City hanggang Abril 3.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento